"Teka Tine. May kasabay ka ba umuwi? Gusto mo ihatid na kita? Baka kasi awayin ka nung dalawang maldita kanina." Nilapitan ni Mark si Tine.
Si Mark ay may lihim na pagtingin kay Tine, pero kahit di niya ito inaamin ay batid na din ni Mark na alam na ito ng lahat, lalong lalo na si Tine.
"Ah, ganon ba? Ahm, ok lang ako. Kaya ko na umuwi mag-isa. Sige na umuwi ka na at gabi na din naman, baka lalo din akong gabihin. Bye." Paalam ni Tine.
"Eh, teka Tine. Malapit na kasi ang Valentine's Day. Baka pwedeng..." Naudlot ang sasabihin ni Mark.
"Hey Tine!!!" Sigaw ni Bryan, ang campus crush. Senior student ng school.
"Oh, Bry. Bakit andito ka pa? San ka galing? Anong oras na ah..." Tanong ni Tine.
"Ahm, hinintay kita. Hehe. May kasabay ka ba? Gusto mo ihatid na kita? Gabi na din oh baka mapano ka." Yaya ni Bryan.
"Sure! Tara? Oh sige Mark, uwi na ako ah. Ingat!" Mabilis na tugon ni Tine.
Napatingin na lamang si Mark. At napayuko dahil halatang ayaw siyang kausapin ng babaeng gusto niya.
"Ano ba meron ung si Bryan na yun. Lahat ng babae dito sa Campus gusto siya ah. Pati yata si Tine gusto din siya. Konting ligo lang ang lamang sakin non!
Tsaka baka lokohin lang non si Tine naku naku! Babasagin ko talaga bungo non!"
Bulong ni Mark sa sarili habang naglalakad sa daan.
Tahimik lang si Mark. Kadalasan kapag may Practice si Tine ay hinihintay niya ito sa may pintuan ng Room kung saan sila nagsasayaw. Minsan pa nga ay masaya siyang
pinapanood si Tine sa Dance Rehearsals or Practice nito. Pero hindi siya pinapansin ni Tine. Gusto niyang mag audition sa Dance Class pero nahihiya siya dahil hindi naman
pagsayaw ang hilig niya.
KINABUKASAN sa klase.
"Magkakaroon ng bagong workshop ngayon ang campus natin. Ito ay ang Taekwondo Class! Ang Taekwondo ay magaganap sa mismong room din kung saan nagpa-practice
ng sayaw ang ating mga Dance Groups. Ibig sabihin ay makakasama ng Taekwondo members ang mga students sa Dance Class. Sino ang gusto sumali?"
Panimulang announcement ng professor.
"Ang baduy naman nun. Overpopulated na kami sa Room. Hahaha." Ani Janet.
"Eh di umalis ka na lang sa Dance Class tutal ang tigas naman ng mukha este katawan mo eh!" Parinig ni Cyndi.
"As if naman magaling ka sumayaw? Haha. Ang panget nga naman kapag ikaw ang sumayaw. Trying hard? Hahaha. Pathetic!" Tugon ni Wendy.
Nagtawanan si Janet at Wendy.
"Naku ateng! Wag mo na pansinin yang mga yan. Ikaw naman oh. Bayaan mo sila. Mga pokpok lang sa kanto yan eh. Hahaha." Bulong ni Tine kay Cyndi.
"Baliw ka talaga hahaha. Oo nga eh. Humanda na lang sila sa Dance Class mamaya. Hahahaha." Tugon ni Cyndi.
Sa kabilang banda ay malalim ang pagiisip ni Mark.
"Ano kaya kung doon ako sumali? Ito na siguro chance ko para mapalapit kay Tine......"