Kinabukasan.. February 14 7:30PM
Nagsuot lang si Tine ng simpleng T-shirt at pants. Pero nung gabing iyon ay napakaganda niya.
"So san mo gusto pumunta. Im sorry di ako kagaya ng ibang guys na, nagdadala ng babae sa 5 star resto. Kasi ang gusto ko kung saan ka comfortable dun tayo." Ani Bryan.
"Kahit saan, mas gusto ko kung sa tahimik na lugar tayo. Gusto ko sa simpleng lugar lang, basta makakapag usap tayo." Tugon ni Tine.
"I know kung saan tayo pwede." Mungkahi ni Bryan..
Dinala ni Bryan si Tine sa isang Park.
"Maganda dito Tine di ba? Dito ko madalas nagpupunta kapag nalulungkot ako. Pag uusapan na ba natin ung tungkol sa kagabi?" Kwento ni Bryan.
"No Bryan. I Understand. Naiintindihan ko na kung bakit di mo na lang yun sinabi sakin. Ok? Tugon ni Tine.
"Sasamantalahin ko na tong chance na to. May gusto sana akong sabihin sayo." Ani Bryan. "Ahm Tine, alam ko ako yung tipo ng lalaki na kinaiinisan ng babae na kagaya
mo dahil sa mga balita na kumakalat na babaero ako. Oo noon, i admit! Nagawa ko ng manloko ng mga babae. Pero simula nung nakilala kita. Everything changed. Gusto kita
maging girlfriend. Please give me a chance to prove na nagbago na ako. Please Tine. I promise! Papatunayan ko yan sayo."
"Pero Bry.." Naudlot na sabi ni Tine.
"Please Tine. I promise I promise! Papatunayan ko yan. Magtiwala ka lang sakin. Please?" Pakikiusap ni Bryan.
"Oo na oo na! Sige na!" Tugon ni Tine. "Alam ko mabilis kitang sinagot pero di ibig sabihin nito na buo ang tiwala ko sayo ok? Gusto lang kita bigyan ng chance.
Para mapatunayan sakin na mahal mo ko. At kung totoong nagbago ka na. Ok?"
"Yes Tine. Thank you. WEW!!!! Im so happy! Ang saya saya ko!" Nagsisigaw si Bryan sa gitna ng park.
"Psst. Bry tama na ano ka ba, nakakahiya." Awat ni Tine.
"Tine i want to celebrate! Lets drink!" Yaya ni Bryan..
"Ahm di ako marunong uminom.." Ani Tine.
"Oh c'mon ngayon lang to. Tara sa bahay! My treat! Please?" Yaya muli ni Bryan.
"Ok ok. Pero uuwi din ako ng maaga ah. Tara na." Pagpayag ni Tine..
..
Pagdating nila sa bahay ni Bryan.....