11

8K 365 10
                                    

SAM P.O.V

Maaga akong nakarating sa school at mukhang wala pa masyadong studyante.

Dumeretso ako sa classroom mukhang wala pang tao dahil nakasarado.

Pagkapasok ko ay naabutan kong may natutulog sa kanyang upuan . Mukhang si ken ito ? Si ken nga talaga.

nakilala ko lang siya dahil bigla siyang napatingin sa akin

mukhang puyat dahil sa eye bags niya pero ang gwapo parin niya.

Landidi e Isip ko yan. nakekealam na naman

Lumapit naman ako dito at umupo sa tabi niya.

pansin kong parang mugto ang mata niya , umiyak ba siya?

"Ayos ka lang ?" Tanong ko dito.

"Ah? O-oo ayos lang ako . napuyat lang kagabi. hehe" Sabi niya at umiwas ng tingin

"Parang hindi e. sabihin muna  , makikinig ako" Syempre di ako maniniwala mukha talagang hindi siya okey.

"Ahh Kasi---" Mukhang nagiisip pa kung sasabihin niya ba o hindi " Nagugutom ako e hehehe"

Hayst diko nalang pipilitin . mukhang private e.

"Oh.. ayan" Sabay abot ko ng tupper ware na may lamang cookies "Ako gumawa niyan kaya dapat magustuhan mo"

"Wow , talaga . salamat eheheh" Kinuha naman niya at agad na binuksan at sumubo ng isa.

para siyang bata ang cute ^_^

"Ang sarap nito ah. pwedi ka ng mag negosyo" Sabi niya at kumain pa

"Auh honestly negosyo ko yan ,150 yang kinain mo" Napatingin siya sa akin at agad naman niyang kinuha ang wallet sa bulsa at inabotan ako ng 200 "Oh? Bakit mo binigay yan?" Tanong ko dito

"Bayad ko. keep the change , tip narin masarap kasi e"

"Nagbibiro lang ako , ginawa ko yan para sayo . Para sa pagtanggap mo bilang kaibigan ako. salamat." Sabi ko nalang at ngumito ako dito

"Ikaw talaga . salamat nalang dito , babawi ako sayo"

Pag siya talaga kasama ko parang hindi ako nahihiya at nailalabas ko mapagbiro kong ugali .

Komportable ako sakanya. siguro crush ko lang siya. ganoon.

Bigla namang bumukas ang pinto. nakasarado kasi ito palagi

"Good morning sam" Bati niya sa akin at tumabi sa tabi ko. bale napapagitnaan nila ako

"Good morning makoy" Bati ko pabalik kung si ken matamlay ito naman ang sigla. kambal ba sila? "Yan , para naman sayo"  Sabay abot ko ng tupper ware

"Wow , Para saan to?" Tanong neto at binuksan " Cookies favorite ko to" Kumuha ng isa at isinubo "Sarap . gawan mo ko ulit auh? babayadan ko" dagdag niya pa

"Thank you ko yan dahil hindi kana masungit sa akin di katulad dati " Sabi ko naman

"Hindi na nga talaga ako magsusungit sayo . Ang bait bait mo kasi para pagsungitan eheheh saka baka dimo na ako turuan" Sabi niya at ngumiti

Bumalik naman na siya sa upuan niya dahil nagsidatingan na ang mga kaklase namin hanggang sa kompleto na kami ng dumating ang adviser namin

"Good morninv everyone" Bati nito at sumagot naman kami sabay tayo

"Good morning Miss P."

"Hindi ako magtuturo ngayon . may sasabihin lang ako " Panimula nito "Since malapit na ang foundation day natin . Nagmeeting kami last week at napagmeetingan namin na this year ay magkakaroon tayo ng Miss Gay 2018 of Manuel University , High school lang ang pwedi dahil iniba namin ang High school sa college. gets niyo?"

These Guys In Love With You Panget [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon