Special Chapter

6.1K 227 23
                                    


HIGHEST ACHIEVEMENT #11 IN FANFICTION. THANKS A LOT

SAM

"Paano po kayo nagkakilalang dalawa?" Tanong ng isang journalist ng school.

Kinakausap niya kaming dalawa ni Jake dahil ako daw ang magiging topic nila sa ipapalabas nilang news paper ng school.

Kinuwento ko sakanya kung paano kami nagkakilala ni Jake,

First day ng klase, kinakabahan ako dahil ito ang unang araw ko bilang isang high school student sa Manuel U.

Naglalakad ako sa hallway para tumingin tingin sa mga naroroong classroom para hanapin ang magiging classroom ko.

Napahinto ako ng may mabangga ako kaya napatingin ako dito, inayos ko naman ang salaming suot ko.

"Whoo, mukhang naliligaw ka ata, Panget?" Sabi nito.

Yumuko lang ako dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sakanilang tanong.

"hoy baklang panget! Sumagot ka." Sabi pa nito at itinulak ako sa sa aking balikat.

"Mukhang hindi ka talaga niya sasagutin, Jannah." Sabi ng kanyang kasama.

"Tara na nga, mukhang wala akong makukuhang magandang sagot sa baklang 'to. By the way, Im Jannah. At ako ang magiging bangungot mo sa school na 'to" Sabi nito at iniwanan ako.

Bago nila ako iwan at itinulak na nila ako ng malakas dahilan ng pagkakatumba ko sa sahig.

Simula noon ay naging mainit na ang ulo nila sa akin. Sa tuwing nakikita nila akong mag-isa ay palagi silang gumagawa ng hindi maganda.

Hindi naman ako pinalaking iyakin pero dumating sa puntong hindi ko na nakayanan ang sakit na ginagawa nila. Hindi naman ako lumalaban pero tinakbuhan ko lang pagkatapos nila ako ipahiya noon sa canteen.

Tumakbo sa likod ng building para doon umiyak. Bibili lang naman sana ako noon ng tubig pero ako ang napagtripan ng grupo nila.

May puno doon at doon ako sa silong nito umupo. Ibinuhos ko ang sama ng loob ko sa naroroong puno.

Wala naman akong ginagawang masama sa sakanila pero bakit nila ako ginaganito? Dahil ba sa isa akong panget na lampa? Dahil ba sa talunan ako? Iyon na ba ang basehan ng mga tao para saktan ang isang tao?

Inilabas ko naman ang pagkain na niluto ko dahil nagugutom ako. Kahit na masama ang loob ko ay kailangan ko paring kumain. Mahigpit kasing bilin iyon ng mga namayapa ko ng ina na huwag magpapalipas ng gutom.

Habang kinakain ko ang pagkain na nasa baunan ko ay may kung sinong tao ang bumaba sa puno na may hawak na sigarilyo.

"Kanina kapa, ah? Iyak ka ng iyak diyan panget ka!" Sabi nito.

Para siyang siga sa kanto na kung umasta ay parang sakanya ang buong mundo. Pero ang kaibahan lang nito ay ang badboy na ito'y gwapo. Malakas ang dating na maagaw ang atensiyon mo kapag napadaan siya sa harap mo.

Kinabahan ako ng lumapit ito sa akin dahil masama ang kanyang pinupukol na tingin. Bigla itong napatingin sa pagkaing hawak ko.

Nagulat ako ng tumunog ang kanyang tiyan at napaiwas ng tingin na parang nahihiya sa kanyang ginagawa.

"Umalis ka nalang dito sa pwestong ito at huwag na huwag ka ng babalik pa." Sabi pa nito.

Dali dali akong tumayo at inayos ang sarili para umalis na sa lugar na iyon. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Teka..." Napatingin ako rito. "Akin na iyang baon mo." Sabi nito at nilahad pa ang kanyang kamay para doon ko iabot ang baong hawak ko.

"H-hindi pa a-ako kumakain, e." Sabi ko kahit na nauutal.

These Guys In Love With You Panget [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon