22

8.3K 343 61
                                    


Kiss

SAM P.O.V

Nakaupo lang ako dito sa may upuan dito sa court ng badmenton. Pinapanuod si makoy na sobrang galing sa paglalaro.

"Go go makoy. woooh" Sigaw ko kaya nakisigaw narin ang mga fans niya. Oo may fans club pala ito dahil isa lang naman siya sa mga famous heartrob dito sa university. Kaya nga hindi na nakakapagtaka na madaming nagkakagusto sa kanya. Gwapo na sporty pa.

Napatingin naman siya sabay kindat. Napaiwas ako ng tingin dahil sa ginawa niyang iyon.

Nakatingin naman sa akin ang mga fans niya na malapit lang sa kinauupuan ko at nagbulungan

"Mukhang nililigawan na ni Fafa makoy si Sam mga besh"

"Oo nga. nakita niyo ? kinindatan siya ni Fafa makoy"

"Tama tama. bagay naman sila. suportahan na natin #MakSam"

"Tama. Team #Maksam tayo"

Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Kung ano ano na naiisip ng mga to.

Binaling ko nalang ulit ang tingin ko kay Makoy at sakto namang tapos na ang laro. Agad siyang lumapit sa akin na pawis na pawis ang mukha

Nagsisigaw naman ang mga fans niya ng lumapit ito sa akin at umupo ulit sa tabi ko. Napatingin siya dito at kumindat pa.

"Hindi mo ba ako pupunasan ?" Tanong nito dahil nakatingin lang ako sa kanya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa inasta niya.

"Sige na. O..." Sabay abot naman niya ng bimpo na agad kung kinuha "Punasan muna ako. napagod ang kamay ko e" Sabi nito at inilapit ang mukha niya sa akin. Kaya hindi ko maiwasang hindi maamoy ang mabango niyang pabango at mas lalo pa siyang pinabango dahil sa pawis niya.

Napatitig lang ako ulit sa kanya. Napabalik lang ako sa realidad na hawakan niya ang kamay ko na may hawak na bimpo at inilapit sa kanyang mukha.

Wala na akong nagawa kaya sinunod ko nalang ang gusto niya na punasan ang kanyang mukha. Hindi ko naman maiwasan na do mapatitig sa kanyang mukha. Matangos na ilong , makinis na mukha at ang labi niyang mapula. Sobrang gwapo niya sa malapitan at hindi ko iyon itatanggi dahil masama ang magsinungaling.

Agad kong natapos ang pagpupunas ko sa kanyang mukha. Umiwas ako ng tingin dahil nakatitig na naman ito sa akin na parang kinikilatis ang buong pagkatao ko.

Bumibilis din ang tibok ng puso ko na parang may karera ng kabayo dito. Ewan ko kong ano itong pakiramdam na ito. Ipinagsawalang bahala ko nalang itong nararamdaman ko.

"Tara sa canteen ?" Napatingin ako kay makoy na ngayon ay bitbit na niya ang gamit niya sa paglalaro

Tumayo narin ako. Tumango ako dito kaya naglakad ma siya at sumunod naman ako.

Pinantayan niya ako sa paglalakad at inakbayan ako kaya napatingin sa amin ang mga studyanteng nadadaanan namin.

"Alam mo? Huwag ka ng mailang o mahiya. Sayang yang ganda mo oh" Sabi nito at hinawakan pa niya baba ko at itinaas dahil nakayuko ako ng bahagya.

Hindi nalang ako nagsalita pero ngiti nalang ang isinagot ko sakanya. Dahil wala akong alam na sabihin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan.

Nakarating kami sa canteen at sinabi niyang maghanap nalang ako ng pwesto kaya sinunod ko nalang siya. Sa medyo gilid at wala masyadong tao ang nahanap kong pwesto. Pinagtitinginan rin ako ng mga studyanteng kumakain kaya nginingitian ko nalang sila.

Dumating si makoy na dala dala ng tray na naglalaman ng pagkain. Inilipag niya ito at umupo sa harap ko.

Inabutan ko siya ng dalawang daan para sana bayadan ang binili niya sa aking pagkain pero hindi niya kinuha dahil libre na niya daw iyon.

These Guys In Love With You Panget [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon