28

6.4K 303 20
                                    

SAM P.O.V

Papunta na ako ngayon sa room at take note dahil kasabay ko ang manliligaw ko na si makoy.

Dala dala pa niya ang aking bag. Kaya pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Naghahagikgikan pa sila na animo'y kilig na kilig. Nahihiya nga ako dahil sa inaasta ni makoy dahil baka mamaya masira ang image niya dahil sa akin? hayst ewan ko nalamg

"Omeeggee, Totoo nga ang balita na nililigawan na siya ni makoy"

"Oo nga besh. Gash kinikilig ako"

"Sana all waaahh"

Ilan lang yan sa mga sinasabi ng mga nadadaanan namin. Hindi ko nalang pinansin

Agad naman kaming nakarating sa classroom at bumungad sa amin ang tilian ng mga nandito lalo na ang mga babae. Inaasar nila kami hayst umupo nalang ako sa upuan ko at tumahimik namam sila ng dumating na ang first subject namin sa umaga.

Disscussion...

Nagtatake note lang ako ng may umagaw ng atensiyon ni ma'am sa labas. Isang studyante siguro Grade 7 dahil narin sa I.D lace niya na Green.

Lumabas naman muna si ma'am para kausapin at agad din pumasok.

"Mr. Baustista pinapatawag ka sa president's office" Sabi nito

"Ako po ma'am?" Tanong ko

"Oo. Ikaw lang naman ang bautista rito diba? Meron pa bang iba na di ko nakikita pero nakikita mo Sam?" Jusku si ma'am highblood

"Sorry po Miss P." Sabi ko at kinuha ko na ang bag ko at agad nading lumabas.

Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ng President. Ang Titah ni Jake

Sa buong tatlong taon ko rito sa school na ito ay hindi pa ako pinatawag kahit kailan. Ang alam ko kasi siya ang kumakausap sa mga may problema dito sa school.

Mabait naman daw siya dahil may usap usapan na may tinulungan siyang studyante na scholar na muntik ng mawala ang scholarships. Pero nagpaliwanag siya kaya ayun pinagbigyan , Bait diba?

Dumiretso ako sa building ng faculty at agad akong umakyat sa second floor kung saan ang office ng president.

Kumatok ako at walang nagsasalita sa loob kaya pinihit ko ang door knob , Buti nalang dahil bukas naman

Pagkapasok ko ay sobrang dilim ng paligid hindi ko makita masyado ang loob dahil nakapatay ang ilaw.

"Ma'am?" Sabi ko pero wala namang sumasagot

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at pinailaw para hanapin ang switch ng ilaw. Pero hindi ko pa man nabubuksan ang flashlight ng cellphone ko at may bigla nalang nagtakip ng panyo sa aking ilong

"mmmmm Bit.." Nagpupumiglas ako pero hindi nagtagal ay nawalan ako ng malay dahil parang may naamoy akong nakapagpawala ng malay sa akin.

---

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at pagkagising ko ay nasa isang kwarto ako.

Teka nasaan ako? Napatingin ako sa paligid at mukhang mayaman ang kumuha sa akin dahil ang ganda ng kwarto na ito.

Bumangon ako upang hanapin ang taong kumuha sa akin ng hindi man lang nagsasabi o nagpaalam?

Napatingin ako sa side table dahil may nakita akong note doon. Binasa ko ito

| Bumaba ka pagkagising mo. Pumunta ka sa kusina at kumain ka enjoy the food , niluto ko iyon para sayo |

Walang nakasulat kung kanino galing. Tumayo nalang ako at agad na lumabas sa kwartong ito.

These Guys In Love With You Panget [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon