EPILOGUE

6.4K 238 20
                                    

Before this story will end, i would like to say thank you for the support, guys.
No more speech, magkakasama pa naman tayo sa susunod na kwento. Nyay, I love you mwah.

SAM P.O.V

Ang bawat kwento ay may katapusan, everything has its end sabi nila. Walang nananatiling permante sa mundo.

Katulad ngayon, graduation day ko ngayon. Suot na plantsadong uniporme dahil parte na kami ng k-12 program kaya hindi na nakatoga ang mga magmomoving up ng grade 10.

Kasama ko si Auntie at Andrew upang maging sponsor ko. Siguro kung nandito lang aking mga magulang ay sila ang kasama ko ngayon, pero nagpalasalamat parin dahil nandito si aunti para samahan ako.

Nagsimula sa pagmarcha ng mga studyante kasama ang kanikanilang mga magulang.

Sobrang saya ang nararamdaman ng bawat isa, maging ako.

Masaya na may halong lungkot ang nararamdaman ko sa ngayon.

Masaya dahil isang taon na naman ang matatapos ko sa pag-aaral at mabibigyan pa ako ng karangalan.
Malungkot dahil isang linggo ng walang Jake ang nagpakita sa akin at kausapin ako. Gusto ko siyang kausapin dahil alam kung wala naman kaming naging problema, pero siguro ay na realise niyang hindi niya ako mahal dahil sa mga sinabi ko sakanya nung nakaraan?

Nagsisimula na ang programa hanggang sa matapos ito na ang lahat ng andito ngayon ay masaya.

Tatayo na sana ako ng biglang nagsalita ang principal na may nakalimutan pa siya. Lahat kami naman ay napatingin at napabalik ng upo.

Bilang isang honor student ay nasa harap ang aking upuan kaya malapit ako sa stage at kitang kita ko ang paglabas ng isang tao mula sa backstage.

May dala itong bulaklak at isang medalya na hugis puso?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa muli ko siyang nakita sa loob ng isang linggo.

Kinuha niya ang mic at nagsalita sa harap.

Nagpipigil lang ng tili ang mga taong nandito, bilin iyun ng principal kanina pero hindi nila napigil ang kanilang mga sarili ng magsimula na itong magsalita.

Jake

"Itong karangalan na ito ay para sa isang studyanteng nagbigay sa atin ng inspirasyon, isa rin siya sa bumihag sa aking puso dahil sa kanyang bait" Pagsisimula nito at bigla itong tumingin sa akin na lalo kung ikinakaba.

"Sam Bautisa, Ang medalyang hugis pusong ito ay ibinibigay ko sayo hindi bilang isang studyante na inspirasyon ng lahat kundi ang medalya na ito ay ang aking puso, sana'y ingatan mo" Ani pa ni Jake

Bumaba ito sa stage at lumapit siya sa aking pwesto.

Todo na ang kabang nararamdaman ko, ang bilis bilis ng tibok ng aking puso.

"Dahil simula ng makita kita, palagi mo nalang pinapabilis ang tibok ng puso ko. Minahal mo ako pero mas mahal kita, Sam. Sana'y tanggapin mung muli ang pagmamahal ko sayo dahil hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko"

Pagkatapos ng graduation day ay dumiretso kami sa venue kung saan icecelibrate ang aking pagtatapos.

Akala ko nga ay simple lang ang ginawa ni Auntie pero ng tinanong ko siya kanina kung siya ba ang may gawa nito ay hindi.

Hindi siya ang may kagagawan nito kundi si Jake, siya ang lahat ng may gawa nito.

"Sobra sobra na itong ginagawa mo" Sabi ko sakanya na ngayo'y kasama rin namin pumunta dito sa isa sa mga resort nila.

"Dapat lang na magarbong celebration ang gagawin para sa pagtatapos mo" Aniya saka ako inakbayan at pumasok na kami sa loob.

Nagulat rin ako pagkapasok namin dahil nandoon lahat ng taong naging parte ng buhay ko simula ng mag-aral ako. May mga batch mate din akong dumalo na mas lalong nakakagulat.

"CONGRATULATIONS!" Sigaw nilang lahat.

Sina Jannah at ang mga kaibigan niya, Makoy, Ken, Mich at ang mga kaibigan ni Jake maging ang kanyang mga magulang ay nandito rin.

Marami man ang nangyari sa akin simula ng mag-aral ako sa Manuel University, Nagsimula sa pangbubully ng bawat isa sa akin.

Akala ko noong una ay hanggang sa gagraduate ako ay ganoon parin ang kanilang trato pero ang lahat naman ay nagbago.

Marami akong alaala sa mga nagdaang taon pero ang hindi ko malilimutan ay ang mga alaalang nabuo namin ng tatlong lalaking naging parte ng buhay ko, Jake, Ken, at Makoy.

Nasa dalampasigan ako, nakapagpalit narin ako kanina. Nakaupo lang at nakatingin sa papalubog ng araw at sa tanawing nakikita ko katulad ng dagat na nagiging orange dahil sa araw.

Sobrang ganda ng nakikita ng aking mga mata, nagpapahiwatig lang din ito na isa na namang araw ang magtatapos.

Katulad ng sa mga libro na ang lahat ay may katapudany, minsan man ay masaya ay minsan ring may lungkot ang bawat kwento.

"Ang ganda 'no?" Hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil kilala ko na ang kanyang boses.

"Oo nga" Umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako.

Isinandig ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat at hinahalikan naman niya ang aking buhok.

"Ang ganda talaga" Sabi pa niya kaya napaayos ako ng tingin sa tumingin dito. "Ang ganda mo talaga kahit ganiyan ang ayos mo, hindi ako magsasawang titigan ka habang buhay"

Pinagsasabi niya? Nakaayos lang naman ako katulad ng sa dati kung ayos, nerd o mas madaling salita ay panget.

"Bolero ka talaga" Sabi ko sakanya tapos ay ngumiti.

"Hindi ako nagbibiro, Sam. Kahit na hindi mo naman talaga binago iyang sarili mo ay mamahalin parin kita saka diba matagal na kita mahal?" Sabi pa niya at hinawakan ako sa magkabila kung pisngi saka ito ngumiti. "Hindi ang itsura mo ang minahal ko, Sam. Kundi ang puso mo, ang busilak mong puso na nakapagpabago sa lahat ng nasa paligid mo" Sabi pa nito saka ako hinalikan.

Ginantihan ko naman ang kanyang halik dahil sa nadala na niya ako.

Hindi rin naman nagtagal ang halik na iyun at agad kaming bumitaw sa isa't isa.

"WOW PORN!" Napatingin kaming dalawa sa nagsalita, Si Makoy kasama si Ken.

"Inggit lang kayo" Sabi ni Jake.

Umupo naman ang dalawa, nasa kaliwa ko sa Makoy at Ken at nasa kanan naman si Jake.

"Ikaw lang kasi ang mahal netong si Sam pero crush parin niya iyan ako" Sabi ni Ken na natatawa.

"Ang yayabang ninyong dalawa, ako nga ang bestfriend netong si Sam at muntikan ng mahulog siya sa akin" Sabi naman ni Makoy

"Shut up the two of you, akin lang si Sam" Ani Jake na masama na ang tingin sa dalawa.

"Manahimik nga kayong tatlo, magsisimula na naman kayo ng gulo dito" Sabi ko sakanila dahil nag-aasaran na naman sila.

Si Jake pa naman ang madaling mapikon hahaha.

Patuloy lang kaming nagtatawanan sa tabi ng dagat na parang wala ng bukas.

Ang tatlong ito, Jake, Ken At Makoy. Sila ang nagbigay buhay sa kwento ko. Hindi man maganda ang naging simula pero sa paglipas naman ng mga araw ay ang lahat nama'y nagbago.

Nagkapatawaran narin kami nina Jannah at masaya kaming magpapatuloy sa susunod na yugto ng aming mga buhay.

Maraming salamat!!!

The End

These Guys In Love With You Panget [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon