30

6.8K 291 35
                                    

SAM P.O.V

Nakauwe na ako sa bahay. Isang araw lang naman kami doon dahil hindi ko na alam kung tatagal pa ako doon na kasama si Jake

Aminin ko man sa hindi ay kinikilig din ako sa mga banat niya. Siya ang umasikaso sa akin paggising ko

Eto na nga nakahiga ako sa aking kama dahil gabi narin ng makauwe kami. Dalawang araw ang absent ko

Habang nakatingin ako sa kisame ay bigla nalang nagring ang cellphone ko. May tumatawag. Hindi kasi ito nagsisignal nung nasa isla kami atsaka ngayo  ko lang in-on

Rumihistro ang number ni makoy. Siguro hinahanap ako neto?

Sinagot ko naman ang tawag niya

"Hello makoy"

"Hello Sam. Nasaan ka buti naman at sumagot kana nag-aalala ako sayo. Wala bang masamang nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" Parang normal lang sa aking pakiramdam na ganito mag-alala si makoy para sa akin?
"Ayos lang naman ako andito na ako sa bahay. Bukas nalang tayo mag-usap pwedi? Napagod kasi ako e" Sabi ko sakanya dahil totoo naman yun na pagod na ang katawan ko

"Ok sige. Goodnight Sam and sweet dream" Pinatay na neto ang tawag at ibababa kuna sana ang cellphone pero nagring na naman ito ulit

Si Ken naman ngayon ang tumatawag. Sinagot ko naman agad

"Good evening Sam" Sabi niya sa kabilang linya na parang ang sigla sigla na?

Nung isang araw lang parang broken hearted tong isa pero ngayon ang sigla sigla na niya? ano kayang nakain niya?

"Good evening din Ken" Bati ko at pinagsigla ko rin ang boses ko

"Saan ka pala nagpunta? Hindi ka pumasok ng dalawang araw. Namimiss na kita e" Ako namimiss ni Ken? kikiligin ba ako dahil yung crush ko namimiss ako?

"May pinuntahan lang na importante hehe sorry hindi ako nakapag-paalam ah?" Sabi ko rito

"Naku ayos lang basta bukas pwedi ba tayong mag-usap?" Ani niya kaya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko

"Sige sige. Anong oras ba?" Tanong ko pero hindi parin nawawala ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit?

"After nalang ng klase. Sa parking area ka nalang pumunta ah?"

"Sige" Sabi ko at pinatay na niya ang tawag

Nag ring na naman ulit ang cellphone ko after mamatay ng tawag ni Ken. Bigla akong kinabahan dahil si number ni Jake ang rumihistro

Sinagot ko naman ito agad.

"He--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng siya na ang unang nagsalita

"Mabuti naman at nacontact na kita. Number busy ? Busy ka sa mga kausap mo tapos hindi mo man lang ako inaalala na tatawag ako sayo?"

Hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi niya? kanina pa ba siya tumatawag?

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko rito. Tingin niya sa akin makukuha ko agad ang sinasabi niya?

"Hindi mo pa alam? Nagseselos ako sa kausap ko kanina pa" Pagsisiwalat nito kaya hindi na naman normal ang pagtibok ng puso ko.

Parang may paro parong lumilipad sa sikmura ko? parang kinikilig ako na ewan ko

"Sam ? Andiya ka pa ba? Hindi mo ba ako susuyuin?" Nabalik ako sa realidad dahil sa sinabi niya

"Ewan ko sayo Jake. Si makoy at Ken lang yun nagaalala kasi akala nila may nangyari na sa aking masama" Pagpapaliwanag ko kahit hindi naman dapat?

These Guys In Love With You Panget [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon