Pagkapasok ko "Wow" tinakpan ko nalang ang bibig ko ang ganda ng kagamitan parang palasyo hinila ako ni mama papunta sa sala at pinaupo nag signal naman siya na kakuha siya ng tubig.
naupo muna ako at pinag mamasdan ang mga kagamitan sa loob ng bahay. "Ehem" rinig ko na may umubo sa likod ko tumayo ako at tiningnan nag bigay galang ako dito at tumingin sa baba
Inangat ko ang ulo ko. ang ganda ang puti at may itim na buhok parang yung akin lang pero yung sakin ay nagaagawan ang kulay ng blonde at itim. nakasout siya ng itim na dress at puting coat na parang doctor ngumiti naman siya sakin siguro magkasing edad sila ni ate pero wala na din siya.
ngumiti din ako pabalik lumapit naman siya sakin "Magandang umaga saya ija" bati niya sakin ngumiti naman ako "maganda-" hindi na ako natapos sa pag sasalita ng biglang lumapit si mama at pinakilala ako. nag paalam na siya dahil may pasyente daw siya hinatid na ako ni mama sa
kwarto ko.
"Ma sinu po ba yung dalawang taong nakasalubong ko kanina ang gaganda ang puputi" tanong ko kay mama na pinapasok ang gamit ko sa cabinet ko.
"A yun ba anak yung una mong nakita si sir kevin Fransisco anak nag iisang anak ng nakita mong si doctora Meranda Fransisco"
"Anu? nanay niya yun?" Gulat kong tanong eh halos mag kasing edad lang sila eh kung titingnan mas matanda ako. eh kase nga ang kinis niya talaga kung ganun matanda na pala yun? Ayyyy ewan. Eh 17 palang nga ako tsk. tsk.
"Maiba nga anak, nag pahinga kase yung yaya ni sir kevin. linisan mo muna ang kwarto niya" Anu? pati sa pag lilinis ng kwarto kailangan pa niya ng yaya. Lalake ba talaga siya kainis wala naman ako nagawa at tumayo nalang itinuro naman ni mama kung saan parte ang kwarto ni kevin.
Nakita ko na nga yung kwarto niya kumatok muna ako *Tooook toook* "Ke-sir" Sinsiro kong tawag kay kevin nakailang katok kona pero parang walang tao at binuksan ko na lamang ang kwarto sakto naman na di naka lock. puro puti at itim ang kagamitan niya maayos naman ang kwarto niya. pinatong ko muna ang walis tingting sa gilid at nag ikot ikot sa kwarto.
"Ang laki" nasa library niya ata ako tapos kinuha ko yung libro na nakabukas "Propesiya?" naguguluhan kong tanong nag babasa pala si kevin ng propesiya pfffttt. madam auring din ba siya
"Ay tae!"Gulat na gulat ako dahil may biglang humawak sa balikat ko di muna ako gumalaw humarap naman ako ng dahan dahan habang hawak ko parin ang libro anu ba yan dapat kase nag linis nalang ako.
"Anung ginagawa mo dito?" tanong niya sakin habang nakatingin ng deretso sa mata ko Brown ang kulay ng mata niya. ang ganda pero nag iba ang kulay nito at naging itim Huh? paano? Binitawan naman niya ako.
"Andito po ako ke-sir para mag linis" tugun ko habang nag iiwas ng tingin kay kevin tiningnan lang ako nito at kinuha ang librong hawak ko naikinagulat ko ng patabog nito itinapon sa lamesa sa likod ko napalunok nalamang ako at aalis na sana ako. pero "Teka"
napatigil naman ako at tumingin ulit sakanya "pwede bang mag usap tayo?" tanong nito saakin napa oo nalang ako at pinag patuloy ang paglalakad kinuha ko na yung walis sumunod naman si kevin saakin kainis ang gwapo niya talaga.
"Yan ba ang gagamit mo sa paglilinis ng kwarto ko. Tanga" sambit saakin ni kevin kaya ko to titiisin ko siya tiningnan ko naman yung walis ba nga ba walis tingting ang dala ko. Haaaayy kainis!
"Hehehe" nag pa peace sign nalang ako tapos umupo siya sa kama pinaupo niya narin ako sa sofa ng kwarto niya umupo narin ako.
"Verta" panimula nito siguro mabait naman ang taong ito dahil di niya na ako sinisigawan isa pa pinupo niya pa ako sa sofa niya "Wag kang papasok ng kwarto ko na walang paalam" akala ko naman magbabait na ito.
"Oo" sabi ko nalang
"Lamabas ka na at wag kang makikipag usap sakin" Lumabas na ako ang sama talaga nung kevin nayon. nag ikot ikot muna ako sa bahay ng fransisco talaga naman ang ganda ganda ng bahay nila.
"Verta ija" may nag salita at laking tuwa ko ng si Mrs.fransisco ang tumawag saakin hindi na ito naka uniporme umupo ito sa bench ng garden nila at pinaupo din ako sa tabi niya. "Ija, may pabor sana ako sayo" kung si Mrs.fransisco ay mabait kabaligtaran naman ni kevin.
"Anu po yun Mrs.fransisco"
ngumiti naman ito at muling tumingin sa mga mata ko mag katulad sila ng mga mata ni kevin brown. "Ija maari bang mag aral ka sa universidad na pinapasukan ni kevin"
"Po?" tanong ko ulit hindi ako makakaaral doon dahil wala kameng pera
"Wag kang mag aalala sa pera ako bahala" Nabasa niya ba yung pag iisip ko.
"Opo" yun nalang ang sinagot ko isa dahil madami ng natulong sina mrs. fransisco samin panahon na siguro para mag pasalamat.
"Sige nasa kwarto mo na ang uniform mo bukas na ang klase maraming salamat ija maiwan na kita"
Umalis na si Mrs.fransisco lilipat na ako ng bagong paaralan sana naman maayos ang magiging lagay ko sa paraalan na pinapasokan ni kevin pumasok na ako ng kwarto at nag pahinga maaga pa ako bukas.