Academy
Aayy salamat natapos narin ang klase. nakakantok talaga bat ba ang dilim tapos puro itim pa yung sout ng prof eh wala naman nakikinig maliban kay pia. nag aayos lang ako ng gamit ng biglang may yumakap saakin sa likod at inaamoy ako.
"Uy uy sinu ka?" tanong ko sa taong ito lalake ito paniguro ko dahil ang bigat niya at ang pabango niya ay panglalaki.
"Kakaibang amoy" tapos inamoy niya naman ako
"Anu ba bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko dito.
"Erwin bitawan mo siya!" sigaw ni kevin habang papalapit sakin sinakal naman siya ni kevin. sa sobrang lakas napaangat na to. anu bang nangyayari? nag iiba ang kulay ng mata ni kevin pero bago ko ito makita eh binitawan niya na yung lalake at hinila ako palabas.
Hingal na hingal parin ako sa takot "Mag uusap tayo hintayin mo ako dito wag kang aalis" tapos pumasok na siya ng council. kinakabahan ako na umupo sa isang bench ng upuan sa tapat ng council. inamoy ko naman ang sarili ko
Mabango naman ako ah. bat naging kakaiba. Kinikilabotan tuloy ako sanang yari kanina anu ba ang meron sa tao dito bakit ang lalakas nila at ay ewan. verta anu ba yang iniisip mo. nababaliw ka na.
Lumabs na si kevin at leo na nakapamulsa pati na rin si sandy na may hawak pa siyang folder at iniabot sakin "Verta pasensya ka na pala kanina ha,eto pala yung mga folder ikaw na kase ang bagong secretary ni kei sige." inabot nito at nauna na mag lakad sumunod naman si leo.
naiwan kame ni kevin sa campus nasa 3rd floor lang kame nauuna si kevin mag lakad. natatakot ako kase madilim na tapos mas madilim sa loob wala na rin katao tao. may ilaw naman pero mahina lang nag lalakad lang kame "Ke-" hindi na ako nakapag salita dahil hinila ako ni kevin sa isang sulok at tinakpan ang bibig ko.
May narinig naman ako na mga yapak papunta ata sila sa storange room ng eskwelahan na talaga naman pinag babawalan papalapit ang mga yapak nito inangat naman ako ni kevin at nag piggy ride ako sakanya. "Kevin" ang tanging nasabi ko.
Bat ang bilis niyang maglakad ilang minuto lang nakarating na kame sa parking lot naguguluhan lang ako at natatakot sa nasaksihan ko. kakaiba ang bilis niyang mag lakad. ay verta guni guni mo lang yan. yinugyug ko lang ang ulo ko at umupo na sa likod nag maneho na si kevin.
Fransisco house
pagdating namen ng bahay. agad pumasok si kevin sa kwarto niya hindi na ako nag salita at pumasok narin ng kwarto nag palit na ako at naupo sa kama. "Verta Ang wierd nila" hindi ko parin nakakalimutan ang nang yari kanina. nakakatakot
"Anak?"
Tawag ni mama sakin pumasok na rin siya at hinaplos ang buhok ko humiga na ako at kinalimutan nalang ang nangyari natulog narin.
Kevin POV
Habang palabas kame ni ersa. ay narinig ko ang mga yapak ng The black vampires sila ang mga studante ng Academy na gabi pumapasok. dahil ang pinag aaralan nila ay tungkol sa katawan ng tao. May pinagkaiba sila sa aming anyong Bampira malakas kame at di kame kumakain o umiinom ng dugo ng tao. Samantala ang black vampire. ay mga taong malalakas at pumapatay ng tao.
Ako ang tipo ng bampira na nakakabasa ng isip. nakakapalit ng pag iisip ng bampira at may malakas na kapangyarihan. ang pamilya namen ang namumuno sa mga bampira.
"Kev-"
hindi ko na siya pinag salita at agad na tinakpan ang bibig. ang black vampires. sila yung bampira na kahit may harang nagamit ay alam parin nila na tao ito. dahil ito ang kanilang pinag aaralan. papunta sila sa storage kung saan nakatago ang mga dugo ng tao. Na pinag babawalan ng nakakataas sa bampira na lumapit ang kauri namen maliban sa black vampires.