D

4 0 0
                                    

Laking gulat ko nung binuksan ko ang cabinet ko may Apat na uniform sakto para sa apat na araw at pe uniform May dalawang rubber shoes dalawang black shoes apat na bag. basta completo lahat ang ganda ng cabinet ko ang daming gamit puro bago lahat.

"Verta anak dalian mo na nag hihintay na si sir kevin"

Ang aga pa kaya nag bihis na ako ng uniform at dumiretso na sa baba. kumain na rin ako sa kusina ng mga maid ng fransisco lumabas na ako at handa na pumunta sa school. "Ay hindi ko pala alam kung saan yung papasukan ko" Ang tanga! ko

May mapa ba? "Hoy Ersa" may sumigaw ersa daw eh dahil verta naman ang pangalan ko hindi na ako lumingon papasok na ako sa bahay para maitanong kung saan ako papasok. "ERSA!"

"Ang ingay naman" napakati nalang ako ng batok ng nakita ko nakasandal si kevin sa kotse niya at parang inip na inip sa kakahintay sakin. "Ako ba yun kevin?" tanong ko sakanya.

"Stupid ka talaga sa malamang" sabi nito sakin.

"Eh kase naman po Verta ang pangalan ko at hindi ersa"

"So mas gugustohin mo palang tawagin kita ng Erta kaysa sa ersa sige para pagtawanan ka Tsk pssh"

Pumasok na to ng kotse oo nga ersa maganda naman yun tiningnan ko lang siya ng nag sout ito ng shade *Ppppppeeeeeepp*

nakakabingi pumasok na ako ng passenger seat at naupo dito. Hay goodluck saakin.

Delavera Academy

tahimik lang kame sa kotse napahinto kame sa isang malaking eskwelahan bumaba na kame at naka tayo kame sa gate "Bat may shield sa langit? ang ganda pa naman." sambit ko dito kase may takip yung bubung ng school madilim tuloy tsk. hinabol ko nalang si kevin na nag lalakad na nakapamulsa.

ng makarating kame sa 3rd floor ng school ang ganda ng school kaso parang ang wierd. "sa pinto yan ang room naten,mauna kana may aayusin lang ako sa council ersa" Ersa? Ayy oo na! napa oo nalang ako at pumasok ng room naupo nalang ako sa isang bakanteng upuan.

"Uy new student ka ba? wag kang umupo jan kay kevin yan" sabi ng isang mala anghel namukha ang puti na may black curly hair. fashionista ito. nasa harap siya ng board.

"Ah. oo Ganun ba sige lilipat nalang ako" umupo naman ako sa likuran ng upuan umano ni kevin 

pero nag salita ulit ito "wag karin jan si Leo ang nakaupo jan" sambit nito ulit Ay verta pigilan mo ang sarili mo napakamot nalang ako ng ulo at tumayo ulit "Girl wag jan" Ayy shhhh. napatingin nalang ako at pinipigilan ang inis "Ako kase nakaupo jan" sabi naman nito nginitian ko nalang siya

"Ay Sandy anjan ka na pal- sinu siya?" may pumasok na ang gwapong nilalang Shet ungaah maiiyak na ako sa mga nasasaksian ko ang gwapo at gaganda ng nag aaral dito. "Hi" Kinawayan niya ako crush ko na siya Pbb XD

"He-hello" verta bat ka nabubulol nakakahiya naman baka ma turn off siya sakin. umupo ito sa tabi ko

"Ako pala si leo" ngumiti naman ako sakanya

"Verta Cruz" Ngumiti na naman si my crush leo at "Nice name"

Lumabas naman sila nung si sandy at naiwan ako bat ang tagal ng time atsaka nasan na si kevin. lumabas na rin ako at nag libot libot sa campus "Aray" napakamot nalang ako ng ulo ko may nakabanga kase sakin.

"Sorry miss nagmamadali lang ako"

"Ok lang Ang gwa- ay sige"

umiwas nalang ako at patuloy na ito sa pag takbo sayang ang gwapo pa naman niya hihihi. bat ba ganun nasa 3rd floor lang ako at patuloy sa pag iikot ang puputi naman ng mga nilalang na to mga anak mayaman talaga. "Council?" tanong ko sa sarili ko pumasok kase si leo doon. at yung si sandy. Anu kaya ang meron doon sabi kase ni kevin may dadaanan daw siya doon lumapit naman ako sa council daw at dinikit ang ulo ko para marinig ko ang pinag uusapan.

"Sinuway mo pinag bawalan na ang pagkain sakanila pero anu ang ginawa mo pumatay ka!" sigaw ng isang lalake parang boses ni kevin 

"Patawarin niya ako hindi ko napigilan" paliwanag naman ng isa

"Hindi ko to papalampasin kakausapin ko ang nakakataas" hiniwalay ko agad ang ulo ko at nagkunwaring wala ako narinig.

"O verta kanina ka pa jan" sabi ni leo na nakangiti ang gwapo talaga niya

"Hi-hindi"

"Wag mo nayan pag toun ng pansin leo She's lying" sabi naman ni kevin at nauna na mag lakad. ngumiti lang si leo at tumakbo narin sumunod kay kevin.

nag lakad narin ako papunta sa room.

Pagpasok ko nagtigil sila sa mga ginagawa nila tapos tumingin sila sakin samantala si kevin nakasobsob lang ang mukha sa dalawang kamay nito na nakapatong sa upuan. niya ang lamig ng room aircon eh may sala at may loptops. kaso madilim sarap matulog.

Tumingin lang ako sa ibaba at pinagpatuloy ang paglalakad umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni leo at isang babae na nakaheadset. "Hi" bate nito sakin at tinangal ang headset nito "Ako si michelle ikaw si?" tanong nito sakin mukhang mag kakasundo kame mag papakilala na sana ako pero

"Ersa dito ka sa likod ko umupo" tawag sakin ni kevin na may itim na mga mata na umanoy nakakatakot tingnan. tumayo naman ako at nag pakilala kay pia "Hi pia ako si verta cruz. new student sige mamaya nalang" paalam ko at umupo sa likod ni kevin malayo na tuloy ako kay leo.

lMy Sweet VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon