Chapter 57 (My Sister's Fiancé/Husband)

2.5K 50 5
                                    

Chapter 46 (My Sister's Fiancé/Husband)

Seellyna's POV

Lakad takbo ang ginawa namin ni Zoey palabas ng mansyon. Kung saan saang pasikot sikot din kame sumusuot. Mabigat man ang paghakbang ay nagawa kong sumunod sa kanya kahit pa nga ba gusto kong bumalik kung nasaan si Lei.

*Bang*

Panaka naka ring nagpapaputok si Zoey sa ilang intruders na nakakasalubong namin. Gusto kong kumuha ng baril mula sa mga nakahandusay sa sahig ngunit di ko magawa.

Maaring makahalata si Zoey dahil hindi naman humahawak ng baril ang kapatid ko. Tanging kay Lei ko lang ipinakita kung ano talaga ako.

Wala akong ibang magawa kundi ang sumunod at magpatangay nalang sa paghila nya sakin.

Feeling ko lutang na lutang ako sa ngayon. Hindi ako makapag-isip ng matino. Hindi ko alam kung anong dapat gawin dahil ang tanging gusto ko lang talaga ay bumalik.

*Lakad lakad*

"Don't stress yourself too much Celine. They will be fine" ani Zoey at ngumiti ng bahagya.

Tumango nalang ako at pinilit kong kinukumbisi ang sarili ko na tama sya. Na makikita ko pa naman si Lei, na masasabi ko sa kanya, kanila ang totoo.

Kinukumbinsi ko ang sarili ko na matatapos din to. Na magbabayad ang kung sino mang may kagagawan nito.

*Lakad lakad*

Hanggang sa isang pagliko namin ay nakita ko ang dalawang babae na naliligo sa sarili nilang dugo na siyang nagpatigil ng mundo ko.

Naramdaman ko nalang ang pagbitiw sakin ni Zoey. Humahangos niyang tinakbo ang distanya sa pagitan nya at ng mga pinsan niya.

No!

That's Jade and Maurea.

Hindi ko magawang humakbang. Naitabon ko nalang ang aking mga kamay saking bibig. Tila nanghihina ang mga paa ko.

This is too much! Bakit kailangang mangyari to? Pananginip lang to diba? Hindi naman totoo to diba?

Namalayan ko narin lang ang pag tulo ng luha saking mga mata.

*Insert sad song*

"Jade?! Maurea?! Stay with me!" hindi magkandatuto si Zoey kung sino ang lalapitan sa dalawa. Umiiyak niyang dinama ang pulso ng mga ito.

Nakita ko ang bahagyang paggalaw ni Maurea but not Jade.

"Jade no! No! P-please wake up! Jade? Jade? Can y-you h-hear me? Zoey is here! Stay with me!" pumailanlang sa kahabaan ng hall na iyon ang palahaw ni Zoey. "Jade! O-open your d*mn eyes!!" sigaw nitong muli habang luhaan ang mga mata.

Doon ay natauhan ako. No it can't be. She's not dead right?

Nanghihina akong naglakad palapit sa kanila siya namang paglabas ng ilang intruders sa kanan. Pinaputukan nila ang dereksyon namin ni Zoey.

Sh*t.

Luhaan man ay nagawa kong dumampot ng baril mula sa isang walang buhay na intruder sa gilid.

I hid myself in a corner. I shoot them all straight to their head. Matapos iyon ay nag aalala akong lumingon sa pwesto ni Zoey.

Tila balewala sa kanya ang pag dating ng mga intruders. Tila wala siyang pakealam sa nangyayari sa paligid.

She's just pumping Jade's chest pero alam kong wala iyong magagawa.

"Jade! O-open your eye p-please!"

My Sister's Fianće/Husband (series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon