Chapter 58 (My Sister's Fiance/Husband)

2.2K 46 1
                                    

Third Person's POV

Hindi mabilang na police cars ang makikita sa paligid ng mansyon. Lahat ng rumespondeng mga pulis ay madaling pumasok sa loob ng kabahayan.

Ilang ambulansya rin ang patuloy na nagpapaalingawngaw ng kani-kanilang sirena. Tulong tulong na ipinapasok ng mga medical staffs ang ilang sugatang guest sa loob ng mga sasakyan.

Ang iba naman ay binibigyan ng paunang lunas dahil sa mga natamong daplis ng mga bala.

Panaka nakang pagputok din ng baril ang maririnig sa loob ng kabahayan mula sa mga intruders na sa ngayon ay hindi parin magawang sumuko kahit pa nga ba napaliligiran na sila ng mga pulis at ng mga Funtabella's securities.

"Sa ngayon ay patuloy paring nakikipagpalitan ng putok ang grupo ng nagtangka sa buhay ni Senator Legazpi. Hinihintay parin naming mahingi ang saloobin ng mga Funtabellas sa insedenteng ito ngunit nanatiling tikom ang kanilang mga bibig" saad ng isang reporter sa harap ng camera. Sa likod nito, hindi kalayuan sa pwesto ay naroon ang mansyon. Kitang kita sa camera ang nagaganap sa mismong lugar.

Ilang reporters din ang makikita sa paligid na abala sa pag cover sa naganap na trahedyang iyon.

Mula naman sa kabahayan ng ilang resedente ay abala sila sa panonood sa nasabing ambush na iyon.

Sinusubaybayan nila ang nagaganap sa mansyon. Ilan sa kanila ay nananalangin na sana matapos na ang gabing iyon. Na, sana ay malagot ang may sala.

"Nakaka awa naman. Sino naman kasing hinayupak ang may pakana nyang gulo na iyan?" saad ng isang ale habang nanonood.
"Walang puso!"

"Tama ka. Ngunit, hindi ba mayaman iyang mga Funtabella na iyan? Bakit nagka ganun? Bakit napasok ang mansyon nila?"

"Oo nga. Dapat managot din sila. Sobrang daming nadamay dahil nagpabaya sila"

"Wala naman silang kasalanan jan. Sila pa nga ang nadamay. Remember, sabi sa balita, si Senator Legazpi talaga ang pakay nung mamamatay tao"

Usap usapan ng kahit sino ang kasalukuyang nangyayari ngayon. Tila isang teleserye na kahit sino ay inaabang. Tanging iyon din lang ang naging laman ng balita.

Back to the mansion.

*Explosion*

Isang pagsabog pa ang narinig mula sa likuran ng masyon.

Unti unting naglabasan ang magpipinsan mula sa loob ng kabahayan.

Si Zayner na kahit may tama ng bala sa kaliwang kamay ay akay akay si Lawrenz na hirap sa paglalakad. Umaagos sa paa ng binata ang masaganang dugo.

Kasunod ng dalawa ang paglabas naman nina Third at Yohan na karga karga ang duguang si Yeji. Agad dinaluhan ng mga securities ang magpipinsan.

"I'll go with my sister" saad ni Yohan.

Agad na isinakay si Yeji sa isang chopper na maghahatid dito sa hospital kasama ang kapatid nito. Katulad nina Maurea at Jade at malubha din ang tama nito. Katulad din ng dalawa ay kailangan nitong madala agad at magamot.

"Where's Zoey?" tanong ni Shawn ng makalapit ito sa magpipinsan.

"S-she's with Jade and M-Maurea" naiiyak na saad ni Xarina. Nakita kasi nito ang malubhang kalagayan ng dalawang pinsan. "They a-are badly h-hurt" umiiyak pang dugtong nito.

Ilan sa magpipinsan ay nasa stretcher dahil sa malubhang tama nila. Saijo, was hit straight to his chest, Renze was shot shot in his waist.

*Explosion*

*Gun shots*

Lumabas narin sa loob si Terence. May akay akay itong isang duguang guest. Matapos maihatid sa ambulance car ang akay na bisita ay lumapit ito sa mga magpipinsan na parang wala siyang alam sa nangyayari ngayon.

Isa lang ang masasabi nyo sa kanya. Isa siyang isang napakagaling na actor dahil napakagaling niyang magpanggap.

Dinaluhan ng medical staffs ang ilan pang lumalabas mula sa kabahayan.

Isa pang pagsabog ang narinig. Matapos ang ilang sandali ay lumabas narin si Zeke na akay akay ang pinsang si Lei.

Agad dinaluhan ni Xarina ang kapatid ng makitang malubha ang lagay nito. Lumapit din dito si Shawn at Third.

"Lei? Oh God!" hindi magkandatutong saad ni Xarina. She checked her brother's condition. Masama ang lagay ng kapatid nya, iyon lang ang nasa isip nya sa ngayon.

"I'm o-okay" hirap na saad ni Lei. "Where's my Wife?"

Doon ay nagtinginan silang lahat.

F*ck!

Where's Celine?

"D*mn! I'm asking you? Where's Zoey? Where's my Wife?"

Ipinaliwanag ni Xarina na kasamang umalis si Zoey sakay ng chopper sa paghahatid kay Jade at Maurea sa hospital pero hindi nila kasamang lumabas ng mansyon si Celine.

"F*ck. Where's my--

Natigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa ng isang projector sa gilid ang biglang bumukas.

Isang kwarto iyon na may mga bomba sa paligid. Makikita rin sa kwartong iyon ang isang silya kung saan ay isang babae ang nakaupo roon. Nagpupumilit itong maka-alis sa pagkakagapos nito.

"Oh my god!" nanghihinang saad ni Xarina ng mapagtantong si Celine ang babaeng naroroon.

"F*ck!" ani Lei at madaling tumakbo papasok sa loob ng kabahayan. Malubha man ang lagay at pigilan man ng ilang securities ay nagawa parin nitong makapasok.

Maging si Zeke at iba pang magpipinsan ay madali ring pumasok sa loob.

--

Terence's POV

I'm brilliant right?

Everything was falling into my plans. Katulad ng inaasahan ko ay papasok sila sa loob.

Sige, magsama-sama sila. Magsama sama sila sa loob ng kwartong iyon bago sumabog ang bomba.

Nagdiriwang ang buo kong pagkatao habang pinapanood ko si Celine mula sa monitor na ako mismo ang nag-setup sa labas ng mansyon, upang lahat sila, I mean, lahat ay makakita kung paano ko patayin ang babaeng syang dahilan kung bakit hiniwalayan ni Lei ang kapatid ko.

Napalingon ako sa mga reporter sa paligid. Sige, ipakalandakan nyo sa buong mundo ang nangyayari ngayon.

Lihim akong humalakhak ngunit agad na napawi iyon ng makita kong nagawang makawala ni Celine sa pagkakatali nito. Hirap man ay nagawa nitong gumapang patungo sa pinto.

D*mn that bitch!

Hindi sya maaaring makalabas sa kwartong yun! Hindi pa sumasabog ang bomba! F*ck!

Inis kong hinugot ang baril mula saking coat. Naglakad ako papasok sa kabahayan.

I'll kill you b*tch!

--

Third Person's POV

Nakatuon ang lahat sa nangyayari kay Celine sa loob ng kwartong iyon. Nabuhayan sila ng loob ng makitang nagawa nitong makawala sa pagkakatali nito. Hirap man ay nagawa parin ng dalaga na gumapang patungo sa pinto.

Dahil nakatuon ang atensyon ng lahat sa nagaganap sa projector, ay walang nakapansin ng muling pag pasok ni Terence sa loob ng kabahayan.

--

A/N: Papatayin ko po talaga si Seellyna tapos makakalakad na si Celine, tapos si Celine naman ang papalit sa pwesto ni Seellyna. Tapos, tapos na ang story. Hahahaha.

Pero syempre joke lang yun. Yoko nga palakarin si Celine. Ginising ko lang sya. Hanggang dun lang yun. Hahaha.

PS: Vote, comment and be a fan. Lovelots.

My Sister's Fianće/Husband (series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon