Chapter 92 (My sister's Fiancé/Husband)

2.4K 36 1
                                    

Location: Villa Funtabella
Time: 4:00 am

Third Person's POV

Ganoon nalang ang ginawang pagtayo ni Xarina ng marinig ang ibinalita ng reporter.

Hindi maipinta ang kung anong emosyong bumalatay sa kanyang mukha. Dahan dahan nya ring naitakip ang mga kamay sa bibig upang pigilan ang pag-singhab.

"T-that's.. N-no" mahina nyang saad habang nanatili nakatingin sa telebisyon.

"Why?" Lahat ng nasa silid na iyon ay napatingin sa kanya.

"Xarina what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Funtabella sa anak. Sumulyap ito sa television.

[Ilang labi narin ng mga katulong ang natagpuang patay mula sa sumabog na mansion ng mga Teves. Sa ngayon ay wala pang tiyak na ulat tungkol sa sanhi ng malagim na pagsabog]

Lahat sila ay nakatingin sa inuulat ng reporter. Makikita sa likod nito ang gumuhong mansion ng mga Teves. Ilang mga bangkay narin ang makikitang sakay ng ilang stretcher. Pawang mga katulong at katiwala iyon ng mansyon.

"Mga bandang alas dose ata na ng gabi yun Sir. Parang may narinig pa nga kaming putok ng baril. Malayo yung mansion mula sa main road pero sobrang lakas ng nangyaring pagsabog na halos nabingi kami. Saka hindi lang ho yung mismong mansion ang sumabog pati narin po yung ibang parte ng lupain nila" mahabang litanya ng isang kinapapanayan na residente.

Ayon din sa balita ay pilit paring inaalam ang pagkakakilanlang ng ilang mga biktima.

"Xarina?" may pag aalalang tanong muli ng ina nito at sumulyap sa tv. Tila nababatid narin nito kung bakit naging ganoon na lamang ang reaksyon ng anak. "Don't tell me-hindi na nito naituloy ang anumang sasabihin ng marahang tumango ang anak.

Nanghihinang naupo ang kanyang ina na agad namang nilapitan ng asawa nito.

"Where are you cousins?" dumadagundong na tanong ni Mr. Zacharias, Shawn's father. He scrunches up some papers on his desk and look around the room. Sinenyasan nito ang security head sa gilild.

"Prepare the chopper now. We are going there" utos ni Mr. Leonardo sa tauhan nito.

"N-no Dad" pigil ni Xarina sa ama. "We can't go there. It's dangerous and-" Hindi nya alam kung ano ang dapat sabihin. "M-maybe this is Terence's plan" gumagaralgal nyang dugtong. "Maaaring salubungin nya ang pagdating natin dun. It will be an ambush"

Mula sa pinapanood ay agad ding tumayo si Zoey. She dialed Shawn's number pero out of coverage ang numero ng lalaki. "Sh*t!" mahinang saad nito at muling tinawagan ang mga pinsan. "Pick it up! Pick it up!"

"Zoey, Xarina tell me what's going on?" tanong naman ni Beatriz, Zeke's Mom. Naguguluhan ito sa nangyayari. Lumapit ito kay Zoey na abala sa pagcontact sa mga pinsan nito. "Where is Zeke? Where are your other cousins?" anito at muling sumulyap sa telebisyon.

Walang maisagot si Zoey sa tanong na iyon ng ginang. Dahil kahit siya ay hindi alam kung nasaan ba ang mga pinsan.

She tried to stop them. Akala niya ay hindi na tutuloy ang mga ito sa plano nilang sugurin si Terence sa mismong teritoryo nito. Kung alam nya lang sana, sana ay.. sanay ay--

Ayts. They are all stuborn. Basta nalang sila sumugod doon ng walang tiyak na plano. Tsk.

Napakadelikado ng ginawa nilang ito. They even told them to let the cops handle everything pero hindi parin sila nakinig.

"Please tell me they're okay" nauupos na naupo ang mga ginang. Naguguluhan man sa nangyayari ay alam nilang nasa panganib ang mga anak.

*Phone ringing*

Agad sinagot ni Zoey phone nito ng makitang si Yohan ang caller. She clicked the loud speaker button.

"Yohan where are you---

"Code 852!" derederetsong saad ni Yohan mula sa kabilang Villa. "Locate us!"

Maririnig din ang iba pang mga boses mula sa background. Magulo at maingay.

"Shit! Get yourself up Saijo!" narinig nilang sigaw ni Third. "Tie his arm!"

"Dammit! Hans control his bleeding! Sh*t!"
"Shawn?!"

"Move now!"

*Gun shot*

Napaiktad silang lahat ng marinig ang putok ng baril mula sa kabilang linya.

Sinalakay silang lahat ng kaba at tila muling bumalik ang nangyari noong kaarawan ni Laura.

"Yohan? Third? Hello? Hello?" muling idinikit ni Zoey ang telepono sa kanyang tenga pero wala ng sumasagot.

Napatayo na si Xarina mula sa pagkakaupo. Lumapit siya kay Zoey.

"Hello? Speak up! Yohan? Shawn?!" pero wala paring sagot mula sa kabilang linya. Mga boses nalang mula sa background ang naririnig at panaka-nakang putok ng baril.

"Locate their location!" utos ni Mr. Zacahrias. Kinuha nito ang telepono kay Zoey at iniabot sa security. "Do it fast!" dugtong pa nito at nilingon ang ilang tauhan. "Prepare our men!"

"What's going on?" nag aalalang tanong ni Beatriz sa asawa nito.

Yeah?

What's going on?

What the hell just happened?

--

A/N: Sorry for some grammar, typo and spelling errors.

My Sister's Fianće/Husband (series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon