Chapter 42 (My Sister's Fiance/Husband)

2.7K 35 1
                                    

Third Person's POV

"Dad? Dad? W-hy I can't move my hands? Why I c-cant m-move my legs? Dad why?? Dad answer me!"

Awang awang tumingin si Mr. Alcantara sa anak na nakahiga sa hospital bed. Umiiyak ito at kahit anong pilit nitong igalaw ang mga kamay at paa ay hindi nito magawa.

Nakahiga lang ito at pilit na tumitingin sa dereksyon nya. Maging ang leeg ay hindi din nito maigalaw.

"Dad! Ayoko nito! B-bakit hindi ako makagalaw? Dad please answer me! Bakit h-hindi ko maramdaman ang katawan ko?"

Patuloy na dumadaloy sa mga mata ng anak niya ang masaganang luha. Napatungo nalang siya at nasapo ang ulo.

Hindi niya alam ang gagawin. Kung narito lang sana ang asawa nya, mapapagaan nito ang sitwasyon.

"Daddy, Bakit ganito? Daddy, hindi ko maramdaman ang mga paa ko. H-habang buhay ba kong magiging ganito? Dad sagutin mo ko!"

Patuloy lang ito sa pagtatanong at pagsigaw kahit walang nakukuhang sagot mula sa ama.

"Sir, we will sedate her first. Kailangan nya pong magpahinga"

"Go ahead" tipid na sagot nya at muling tumingin sa anak.

Lumapit ang isang nurse dito at tinurukan ito sa braso.

"Dad ayokong matulog! S-sagutin nyo ko? B-bakit hindi ako makagalaw? Nasan si Mommy? Bakit ganito?"

"Kailangan mong magpahinga Celine" saad nalang niya.

"Daddy natatakot ako? Bakit ganito? Sagutin m-mo naman ako--

Unti unti ng bumigat ang talukap ng dalaga. Mayamaya pay nahihimbing na ito sa pagtulog.

Doon bumuhos ang luha ni Mr. Alcantara.

He needs his wife now pero nagawa nitong iwan sila sa ganitong sitwasyon.

"We will leave you na po Sir" saad ng isang nurse at lumabas na ang mga ito.

Muling napasulyap si Mr. Alcantara sa anak.

Doctors said that Celine has 50% chance of getting her normal life again. Walang makapagsabi kung makakalakad ba itong muli o mananatili nalang bang paralisado habang buhay.

She can move her fingers at times and she can talk. That's all.

Tila isa siyang buhay na walang buhay.

Da*m. Why are they suffering this kind of nightmare.

Iyon ang nasa utak ni Mr. Alcantara bago ito lumabas ng kwartong iyon.

--

Two years ago

"I want that. Bili mo ko nun" sabay turo ng isang babae dun sa malaking stuff toy sa loob ng isang boutique. Pinulupot nya pa yung mga kamay nya sa isang braso ng kasama niyang lalaki at nagpa cute ng todo.

"No"

"Ley naman eh. Sige na"

"No"

There they goes. Nagpalitan sila ng masamang tingin. Sumimangot ng todo ang babae at parang batang nagdabog.

"Damot!" saad nito at sabay talikod palayo sa lalaki.

"Illarie" tawag sa kanya ng lalaki.

Hmp. Bahala sya. Galit siya.

Iyan ang nasa utak ni Illarie habang naglalakdad palayo.

My Sister's Fianće/Husband (series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon