--Chapter 70
Surprised Again
Devi's /Deane's pov
*BAAANG!*
Bigla ko naman namulat ang mata ko.
Hingal na hingal ako.
Panaginip..
Isang masamang panaginip.
Gagalaw na sana ako pero naramdam kong nakatali ako.
Bumalik yung nangyari sa labas ng hotel.
Sino nanaman may pakana nito.
Nilibot ko ang paningin ko nasa isang kwarto ako na walang laman.
Sinubukan kong tanggalin ang tali pero sobrang higpit nito.
Bigla naman bumukas yung pinto at pumasok si..
"Denise?! "Gulat na sabi ko.
Ngumisi naman ito"
"the one and only"
"akala ko patay ka na "
"Hindi niyo ko mapapatay! " Sabi nito at tumawa ng malakas.
Baliw na siya.
"Bakit ako nandito! " tanong ko.
"Para pag bayaran ang mga kasalan mo at ng pamilya mo! " Sigaw niya.
"hindi yon kasalanan ng pamilya ko! Kasalanan yon ng pamilya mo! " Sigaw ko din sakanya.
"dahil sa Ama mo! Namatay si daddy" Sabi nito at umiiyak.
Nakaramdam naman ako ng awa.
Masakit mamatayan ng isang mahal sa buhay.
"At kasalanan niyo yon! "Sigaw niya nanaman.
"Hindi namin kasalanan na kinunsinti ka ng ama mo sa kalokohan mo Denise at mas lalong hindi namin kasalanan na namatay siya"
"pinag tangkaan din niya ang buhay ng pamilya ko"Kalamadong sagot ko.
"Hindi! Kasalanan niyo lahat! "
"Baliw ka na! Pakawalan moko dito! "
Walang pag tutunguhan ang pakikipag talo sa baliw.
Tumawa naman ito ng malakas na malalaman mong baliw na talaga siya.
"Hindi ka makakatakas dito! Nasa gitna tayo ng dagat! " Sabi nito at tumawa nanaman.
Natigilan ako paano ako makakatakas?
"at gusto mo bang malaman kung sino ang mga kasama natin dito?" Baliw na tanong niya saakin.
Dahil tatawa siya tapos mag sasalita.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si jena at si ate diana..
Tama nga si ate diana ang nakita ko noong nakaraan isa na pala yung babala.
"Hindi talaga ako nag kamali" Sabi ko.
Tumawa naman sila samantalang tahimik si ate diana.
"masakit hindi paniwalaan no" Mapang asar na sabi nito.
Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang.
"Akala mo kasi papaniwalaan ka niya!"
"Bulag siya sa pag mamahal saakin! At Hindi ka niya mahal! " jena at tumawa.
Hindi ba sila napapagod tumawa.
At gaya ng ginawa ko kanina tiningnan ko lang siya.
"Tandaan mo hindi siya nag mamahal ng tomboy! " Sigaw niya saakin.
BINABASA MO ANG
The Girl You Called TOMBOY [COMPLETED]
Teen FictionPrologue. "Ano tara ! Suntukan tayo dito!" Inis na sabi ko akala mo kung sino napakayabang! "Hindi mo ako kaya " naka ngising sabi ng lalaki "Kaya kita MATAGAL NA JOSHUA RAMIREZ ANG PINAKA MAYABANG SA BALAT NG LUPA!" Inis na sigaw ko rito pero Tuma...