Chapter Seventy three

1.3K 44 7
                                    

--Chapter 73

Without you

Joshua's pov

"Gising na siya "

Agad naman kaming pumasok.

Nakita namin itong naka upo sa kama niya at tulala.

Pero nang mapansin na pumasok kami agad itong lumingon.

"Nasan si devi? Nasan kapatid ko? Si kiana nasaan siya? " Agad na tanong nito.

"Kami dapat mag tanong niyan sayo" Sagot ko sakanya.

"Anong nangyari sa barko? "

"Anong nangyari kay devi?" tanong ko.

"Sumagot ka!! " Sigaw ko.

Napapikit naman ito at napaluha.

"Pinakidnap siya ni Denise At ni jena kasama ako sakanila " sabi nito at umiyak.

"Jena?" Ulit ko.

"Oo Inutusan lang siya ni denise na guluhin kayo sa pag kakaalam ko hindi ko naman alam na naging girlfriend mo pala siya"

"para siraan si Devi? " Dagdag ko.

Tumango ito.

"Nasan na kapatid ko? " Tanong ni kuya Derick.

Napatigil naman ito.

At maya mayang tumingin ng lumuluha.

"Binaril siya ni jena " Umiiyak na sabi nito.

"Tinulungan ko siya para makatakas pero nabaril siya "

"Tatakas kami pero hindi niya na daw kaya " Sabi nito at humikbi na.

Napaupo naman ako.

Hindi niya na kaya?

"Akala ko Sabay kaming makakaalis pero tinulak niya ako at nahulog sa speed boat na kasama si kiana "

"Sumunod non binaril ulit siya ni jena at sumabog na yung barko"pag kwento nito habang umiiyak.

Huli na kami ng dating non.

Kasalanan ko lahat ng yon!

Totoo pala yung sinasabi saakin ni Devi.

Paano pala kung ininom ko yung wine.

Ako ang mamatay?

Sana pala ininom ko nalang.

Tumalikod ako at nag lakad palabas.

Hindi ko kaya lahat ng nalaman ko.

Ilang araw ding tulog si diana kaya ngayon lang namin nakausap.

"Gising na si diana? " Tanong saakin ni krissa ng masalubong ko sila kasama sila jazztine.

Tumango naman ako.

"Nasabi niya ba kung nasaan si Devi?"

Tumahimik ako at hindi sumagot.

"Nasan siya?! Anong ginawa niya kay devi! " Galit na sabi nito at handa na sana umalis pero..

"Tinulungan niya si Devi " sagot ko.

Lumingon naman sila.

"Tinulungan?! "Jane.

"Tinulungan saan?!? "galit na sigaw ni jane.

Samantalang si jazztine tahimik na nakikinig.

"Makatakas" Sagot ko.

Tumawa naman sila ng sarcastic .

The Girl You Called TOMBOY [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon