Chapter 4: Notes

20 2 0
                                    

Chapter 4: Sticky Notes

“Waah! Nadine, Dito ka sa tabi ko umupo.” Nagulat naman ako sa sigaw ni Cristoff. Wagas kung makasigaw eh.

“Asa!! Dito si Nadine sa tabi ko. Diba Dine?” Pati ba naman si Trevor? Hayyy, what’s new nga naman sa kanila.

Dumiretso nalang ako sa upuan ni Kyle. Doon nalang ako uupo para walang istorbo kapag natulog ako.

"HAhahhahahah." 

Tinawanan naman nila Tofer at Tyron sila Cristoff at Trevor kaya tiningnan nila ito ng masama. Natahimik naman yung dalawa sa kakatawa. Buti nalang at nakaprivate plane kami kaya walang maiistorbong ibang tao sa kakulitan ng mga ito.

“Inaantok ka ba?” tanong ni Kyle. Nagnod naman ako. “Sandal ka muna sa balikat ko para makatulog ka.”

Sinunod ko naman yung sinabi niya. May hang-over pa kasi ako kaya medyo masakit yung ulo ko eh. Konti lang din yung tulog ko kasi madaling araw kami umalis. Naidlip nalang ako.

Zzzzzzz.

“Nadine, gising na. Nandito na tayo.”

Minulat ko naman yung mata ko at nakita ko ang gwapong lalaki sa balat ng mars. Haha si Kyle lang pala XD.

Tiningnan ko yung relo ko at WTF?! 5pm na? Ganun ba kahaba yung tulog ko? Tiningnan ko yung paligid at napansin kong kami nalang pala ni Kyle ang nandito sa loob ng plane. Sinuot ko na agad yung shades ko para hindi naman kami masyadong exposed sa Fans.

Pagbaba namin ni Kyle, nakita namin yung ibang members na naka-cap na pangdisguise. Nakakuha ng pansin ko yung disguise ni Cristoff. Alam niyo ba kung ano? Well naka wig lang naman siya ng pangbabae na super straight at nakashades na may nakadikit na mustache. Baliw talaga tong lalaki na to.

Hindi ko nalang siya pinansin at  sumunod nalang kay Kyle na nauunang lumabas ng Airport. Paglabas namin ng Airport, aba tilian ang mga fans. Akala ko lusot na kami dahil nakadisguise na kami eh pero wala eh.

“WaaH! Nandiyan na ang K Fussion.”

“Ang Gwapo nila. Aaah!!”

“Ang ganda ni Nadine, Idol!”

“Ang cute ni Cristoff.”

"Ang cool nila. Pwede na akong mamatay. Waah!!”

Grabe lakas talaga ng charm namin sa mga fans. Yung iba nagbabalak lumapit pero hinaharangan sila ng mga body guards hanggang makarating kami sa van.

“Dude, I wasn’t that drunk.” Yan yung kanina pa sinisigaw ni Cristoff sa mga lalaki.

Uminom din pala sila Cristoff kagabi? Bakit di man lang nag-aya? Daya naman nila hindi ko tuloy nakita yung mga pinag-gagawa ni Cristoff nung nalasing siya.

Sabagay gabi na din kami nakauwi ni Trevor kaya okay na din para kahit konti may tulog ako.

“Tyron, Hindi naman diba?” tanong niya.

“Yeah bro. You were just using the flashlight on your phone to find your phone.” Natatawang sabi ni Tyron.

Natawa naman din kami nila Kyle. Baliw talaga sila. Pinagtitripan na naman si Cristoff.

“G*go! Hindi nga? So why is there crack on my phone?” tanong ni Cristoff.

“You don’t remember?” natatawang tanong naman ni Tofer.

“You just threw your phone last night.” Sabi ni Kyle sabay tawa nilang apat.

“What?! Why would I do that?”

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon