Chapter 8: Apartel
Nadine's POV
"Kyle, where are we?" kasi naman kanina pa siya tingin ng tingin sa papel na hawak niya. Ano kayang meron doon? Nako-curious tuloy ako.
Kanina pa kami palakad-lakad dito sa hindi ko alam kung saang lugar. May mga bahay pero maliliit lang, tingin ko wala na ata kami sa Manila. Madilim na din at wala nang tao sa paligid pero hindi pa naman late.
"Kyle? Try to ask someone. I think we're lost?" Kasi naman pwede namang magtanong eh.
"I know it's the right way." bulong niya.
"What?" hindi ko kasi naintindihan kasi bulong nga eh. May bulong bang malakas? Haysss ewan binabara ko na pati yung isip ko.
"I don't understand why but I know we're heading in the right way." Saan ba talaga kami pupunta? Kanina pa kami naglalakad at take note nakaheels pa ako. Mga 5 inches lang naman kaya medyo kumikirot na yung paa ko.
"Kyle. Ask some direction to someone."
"No!" mabilis niyang sagot. Ayaw na ayaw niya kasi na umaasa sa iba. Independent eh. Siya na siya na talaga.
"Please Kyle just this once. Lower down your pride and ask directions." Please... please!!! Pumayag ka na.
"Nadine, you know it's not my thing to depend to someone." Yes, I know but I'm tired. Hayss.
Iika-ika na akong lumakad. Sobrang sakit na talaga ng paa ko. Kasi naman akala ko kung saan lang kami pupunta yun pala sa .. Sa - I think province na ito. Magubat kasi sa ibang part kaya siguro probinsiya na ito.
"Pero Kyle kasi-."
Hindi pa nga ako natatapos pero pinutol niya na agad.
"I said No. Besides, Trust m-." Akala mo ikaw lang ah. Pinutol ko din yung sasabihin niya at tumakbo sa bahay na natanaw ko.
"Nadine, Wait!!"
*tok tok
Hindi ko na inintindi kung ano man ang sasabihin ni Kyle basta ako gusto ko nang magpahinga kaya wala na akong pakialam sa pride niya. Pride, pride. Anong magagawa niyan? Pinanlalaba yan.
"Sino yan?" narinig kong sigaw nung nasa loob. Try niya kayang buksan para malaman niya kung sino ako. Psh, stupid.
Nakita ko ang isang matandang babae na I think 60 pataas ang taon. Medyo may kulubot na kasi yung balat niya at puti na ang buhok pero mataba.
Lumabas siya na papungas-pungas pa. Halatang bagong gising lang. Ang aga naman nila matulog. Past 7 palang naman ah.
"Sino ka at bakit ka nanggigising ng tulog?" Huh? ginising ko ba siya? Kinatok ko lang naman yung pinto nila ah. Tsaka siya yung bumangon tapos sisisihin niya ako.
"An-"
"Magnanakaw ka noh?" Hala? ako magnanakaw? Sa ganda kong to? Eh mas mukha pa nga siyang magnanakaw eh.
"Hin-"
"Pasensya ka na at wala kang mananakaw sa bahay ko. Sa nakikita mo, maliit lang ang bahay ko at wala akong pera. Sa susunod ka nalang bumalik."
"Ah. Pasensya na rin po kayo kasi po." Nang akmang magsasalita na naman siya. Tinaas ko ang isang kamay ko sa tapat ng mukha niya. Aba puputulin na naman niya yung sasabihin ko. "Wait lang po. Patapusin niyo po muna ako. Magtatanong lang po kami."
"Kayo?" tumingi-tingin naman siya sa paligid. "Sinong kayo?"
"Kami po ni K- Eh asan na yun?" napakamot naman ako sa ulo ng makita ko na walang tao sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Another Chance
FanfictionMany people are wasting their time just to find love. They can't wait any longer just to have one. Sa kabilang banda naman, may mga taong hawak na nila pero hindi nila ito binibigyang halaga kaya ang ending may bibitaw. Ngunit sa pagbitaw ng isa dun...