Chapter 11: Encounter

12 1 0
                                    

Chapter 11: Encounter

Nadine's POV

Alas singko pa lang ng umaga nagising na ako. Dati-dati naman tanghali o hapon na ako nagigising, ewan ko ba kung bakit ngayon na wala ng istorbo sa pagtulog ko eh nagising naman ako ng umaga.

Siguro namiss ko rin si Kyle na nanggigising sa'kin. Siya kasi ang alarm clock ko tapos ngayon wala na siya.

Hayyy. Limang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako nasasanay na wala siya sa tabi ko.

Bumangon agad ako at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko doon si Lola Miriam na naghahanda para sa paglalako niya mamaya. 

Ang aga naman nilang magising. Araw-araw nadadatnan ko siyang ganito lagi. Minsan nga hindi ko na namamalayan na nakaalis na siya. Si Lolo Arthur naman nakaalis na at dumiretso sa bukirin.

"Ija, Gising ka na pala." Natapos na siyang mag-ayos at naghuhugas na ng kamay. "Kumain ka na. Mayroon ditong tinapay at pagtitimpla na kita ng kape."

Umupo na ako sa silya. 

"No need, I can handle myself. Don't bother and I'm sorry kung hindi ko po kayo natutulungan maglako ng kakanin." 

Nakakahiya naman kasi nagpromise akong tutulungan ko siya pero heto ako ngayon at pinapanood ko lang siyang umaalis at mag-isang nagtitinda.

"Hindi, Ayos lang yun apo."

"But i promise tomorrow I'll help you na."

"Hindi na kailangan apo, kaya ko naman eh."

"No, I insist."

"Oh siya sige. Ikaw ang bahala." Aalis na sana siya pero hinawakan ko yung braso niya. "Bakit apo may kailangan ka ba?"

Umiling naman ako. "Thank you po sa lahat ng ginagawa niyo para sa'kin." tapos nilapag niya muna yung dala-dala niyang mga kakainin at niyakap ako.

"Wala yun basta ikaw. Bukas ang bahay namin para sa'yo." bumitaw na siya sa'kin at kinuha na yung mga dala niya. "Siya sige aalis na ako. Ingat ka dito ah."

Tumango naman ako at tuluyan na siyang umalis.

Minutes passed. Pero na bo-Bored na ako dito. Lagi nalang akong nakatambay sa bahay at wala laging ginagawa.

Siguro kailangan ko rin sigurong maglibot-libot. 

Tama, siguro ipi-feel ko muna ang bakasyon ko dito.

Pumunta ako sa banyo at naligo. Nagbihis lang ako ng short short at fitted t-shirt then kinuha ko yung roller skates ko sa maleta.

Sabi ni Kyle wag ko daw ito gamitin kapag hindi naman necessary pero wala naman siya at wala naman sigurong mangyayari sa'kin kaya okay lang ito.

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon