Chapter 13: Moody

27 1 0
                                    

Chapter 13: Moody

Nadine's POV

Ikalawang araw ko nang magtinda. Syempre kung mas mahirap magtinda kahapon ganoon din ngayon. 

Mas dumalang nalang ang mga taong bumibili ng paninda. Siguro nagsawa na sila dahil na rin paulit-ulit ang tinitinda?

"Iha, pagod ka na ba?"

Kanina pa kami dito palakad-lakad kaya medyo namamanhid na rin ang paa ko.

"No, Yakang - yaka ko pa po." Sinabi ko na lang para naman may assurance na siya. 

Ayoko nang nakikita na nahihirapan pa yung mga taong tumutulong sa'kin. Siguro tama nga si Kyle na masyado akong dumidepende sa kanila kaya hindi ko man lang na-experience ang ganitong buhay.

Magtatanghalian na rin siguro kasi medyo tirik na ang araw. 

"Uhmm, Lola miriam. Can I ask you a question?" napatingin naman siya sa'kin.

"Sige, ano ba yun?"

"Bakit paulit-ulit na lang yung tinda niyo?" Kasi kahapon ganito din yung tininda namin.

Napakamot naman si Lola ng batok. Siguro nahiya. 

"Ang totoo niyan iha. Kasi yan lang ang alam kong pwedeng maitinda." medyo hindi siya makatingin sa'kin.

Ahh kaya naman pala ganun. Siguro kung bibigyan ko siya ng kaunting tactic makakatulong yun para dumami yung mga bumili. Tama-tama.

"Iha, bakit?" 

"Huh?"

"Bakit ka tumatango?"

Ay nadala siguro ako. hahahha XD

"May naisip lang po kasi akong paraan para bumalik po yung mga bumibili sa inyo."

"Talaga?" nabuhayan naman ng loob si Lola. 

Tumango naman ako. Siguro time na para ako naman ang makatulong sa kanila. Medyo nararamdaman ko na kasi na parang pabigat lang ako eh.

Dumaan ang mga oras at naisipan na din namin umuwi. 

"Sayang naman ang mga ito." Medyo madami pa kasing natira kumpara kahapon. 

"Hayaan mo na. Siguro nagsawa na ang mga ire." 

Ano kayang pwedeng gawin para bumilis ang panghihikayat ko? Hmm..

"Sige iha pahinga ka na." Aalis na sana siya ng hinawakan ko siya sa balikat. Mukha kasing down na down na siya eh.

"Bakit iha may kailangan ka ba?"

Hala kapag hinawakan may kailangan agad di ba pwedeng may lamok lang na dumapo sa braso niya at pinatay ko?

"May naisip lang po kasi akong tactic para sa gagawin natin bukas."

"Ano yun iha?" hala si lola lawak ng ngiti.

"Dapat kasi po ang tinitinda natin ngayon is angkop sa weather and atmosphere." Panimula ko. Tumatango naman si lola at concentrate na concentrate sa pakikinig sa'kin. Pfft.

"Since tag-init ngayon, Iisip tayo na pwedeng umakma sa panlasa ng mga masa." Uy rhyme yun ah hahah XD.

"Ano naman yun iha?"

"Tulad po ng Ice cream mga ganun po." bigla naman lumungkot yung mukha ni Lola. Luh? may nasabi ba akong masama? 

"Bakit po?"

"Kasi hindi ko alam kung paano gumawa niya at sigurado ako mahal. Wala akong pera iha eh." 

"Hindi lang naman po yun yung pwede eh. Marami pa pong iba tulad ng Ice candy." 

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon