Chapter 5: Coincidentally

26 2 0
                                    

Author's Note:

Waah ,may readers na ako... Maraming salamat T_T Naaapreciate nyo yung story ko. Medyo cliche nga lang nuh pero thank you pa din at sana icontinue nyo pa din hanggang matapos ^_^ Thank you ulet ..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 5: Coincidentally

Maaga akong nagising kasi naalimpungatan ako kanina. Hindi na nga ako makatulog ulet kaya hinanda ko nalang yung mga gamit ko at nilagay sa malets. Mamayang gabi na pala yung concert namin at bukas agad ang balik namin sa States.

Maaga rin akong natapos sa pag-aayos ng gamit. Tingin muna sa relos. "9:30 am palang." Medyo maaga pa, ano kayang pwedeng gawin? hmmm. Isip - isip.

*Kurruruururr*

Waah! Gutom na ako. Huhuhuhuhu T_T. Hindi pa gising sila Kyle eh. Hindi tuloy ako makakain. 

Gisingin ko kaya? Ay baka uminit ulo nun. Ayaw pa naman nun yung ginigising, mamaya imbis makakain ako baka ako pa paglutuin. Hindi pa naman ako marunong.

Kung iintayin ko pa sila magising baka mamatay na ko sa gutom dito. Mamaya pa kasi magigising yung mga yun eh. Nag-inuman pa kasi kagabi at ang masaklap hindi man lang ako sinali. Ayaw kasi ni Kyle ng umiinom ako, masama daw ako malasing. Hindi naman eh tanong pa niya kay Trev.

Bahala na nga maglalakad-lakad muna ko baka may makita akong pagkain na free taste. Wala kasi akong pera dito kasi si Kyle yung humahawak baka daw kasi kung saan ko gastusin kaya pag may gusto akong bilin sa apat ako humihingi. Hihihiihih shhh lang kayo kay Kyle ahh pagnalaman nun baka kung ano pa ang gawin sakin.

Kinuha ko na yung pouch ko at nagcompose ng note. Baka pagnagising yung mga yun hanapin ako kaya ito na lang yung titingnan nila. 

Dumiretso ako sa pinto para buksan. Bago ako makalabas may nakita muna akong paperbag na nakaharang sa pinto. "Kanino nanaman kaya ito galing?" tumingin - tingin muna ako sa paligid baka kasi may nakaiwan nito o kaya nilapag lang sandali at babalikan din ng may-ari.

Pero hindi eh. I saw my name written in the paperbag. Kinuha ko naman yun at tiningnan ang laman. And to my surprise it was full of foods. May card din na nakalagay sa loob.

Goodmorning Beautiful ^_^ Eat well.

Eh? hindi naman ako si beautiful ah. Sino kaya tinutukoy niya? Waah baka pangalan niya yun. Waah Creepy. Pero bakit niya naman babatiin yung sarili niya ng Goodmorning? Eh baliw pala siya ehh. 

*Kurururururu*

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang kumalam yung tiyan ko. Bahala na nga hihiramin ko muna to kay beautiful at ibabalik ko din. Hihihihi . "Tama-tama" *tango-tango*

Pumunta na ako sa kwarto nila Kyle bitbit yung paperbag. Huwag na kayo magtaka kung paano ako makakapasok sa kwarto nila kasi binigyan nila ako ng duplicate para daw incase na may kailangan ako. Useless din kasi ayaw naman nila magpagising. 

Pagpasok ko, sa kusina muna ako nagtungo para ihanda yung mga pagkain. Hindi ko kasi ito mauubos. May bacon, omelette, hotdog, tasty, juice, longganisa, fried rice, at pancake. 

Matapos kong ihanda itinago ko na yung paperbag at pumunta sa kwarto para gisingin sila. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang limang lalaki na nakahilata.

Si Kyle sa Sofabed nahiga, si tofer nakaupong natutulog na may yakap na chocolate, si tyron naman nakatungo sa kama, pero mas natawa ako kay Trevor at Cristoff. Si Cristoff naka - backhug kay Trevor at paulit-ulit sinasabi ang "Nadine, my loves dito ka lang. Yayakapin muna kita." 

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon