Chapter 6: We're Staying
Kyle's POV
Nung isang araw ko pa napapansin na parang palaging may iniisip si Nadine. I know that cau'z she's always spacing out. Siguro after a year parang nagiging kahapon lang yung mga nangyari sa kanya dati. Meaning parang bumabalik yung past niya.
Mamayang hapon na ang flight namin pabalik sa States. Sa totoo lang may plano ako kaya ko tinanggap ang concert namin dito sa Philippines. Sa lagay niyang yan I think mas makakabuti ngang ituloy ko ang plano ko pero iibahin ko yung iba.
5:00PM (NAIA)
Nandito na kami sa Airport. Kasama ang ibang members ng K Fussion except kay Nadine. Nasabi ko naman na din sa kanila yung balak ko kay Nadine- I mean plano ko sa kanya.
Papasok na sila sa eroplano nang gumilid ako. Napansin siguro nila yun kaya napatigil din sila sa pagpasok. Pati si Manager Anne na kanina pa nagtetext ay napatingin din sa'kin. Tss.
"Leader, Tara na." pag-aya sakin ni Tyron.
"Ingat na lang kayo sa flight but I'm staying." nginitian ko sila at nagnod. Tiningnan naman nila ako with the confuse look.
"Kyle I thought Nadine is the only one who will stay here but why you?" Tss. Ang hard talaga nito kahit kelan kay Nadine. Ewan ko ba kung bakit ang ilap-ilap niya kay Dine. Oo tama kayo si Manager Anne yan.
"I have plans and I already told you that but I think I need to stay here. I can't leave her yet but I promise na babalik ako next week." sabi ko.
"Pero why so sudden?" Ano bato daming tanong. Tss. Kakairita ah. -_-
"I'll just need to bring her back." Yan na lang sinabi ko dahil ewan ko ba naiinis akong kausapin si Anne. Yeah I need to bring her back.... to herself.
"Waah! Leader kung maiiwan ka edi ako din." bigla naman tumakbo si Cristoff sa'kin at niyakap ako.
Bading talaga to. NapakaOA naman kasi ng reaction niya tapos may paakap-akap pang nalalaman. Tumakbo narin yung tatlo papunta sakin at yumakap din. Ay sila lang pala hindi kasama si Tofer kasi nakafoker face lang siyang naglalakad pero hindi yumakap.
"Wag kayong OA ha. Masyado kayong naglala-lapit dito kay Cristoff eh. Bawas-bawasan niyo yan at baka tuluyan kayong maging tulad niya." Natatawa kong sabi.
"Wow Kyle, parang may ibig kang ipahiwatig sa mga sinasabi mo ah. Anyway kahit naman gayahin nyo ko eh hindi niyo matitimbangan ang angking kagwapuhan ko. Aba nag-iisa lang ata ito." Pagmamalaki niya na nakapogi sign pa. Akala mo naman ikinagwapo niya Tss. Mga Ilusyon din nito eh.
Hindi nalang namin pinansin si Cristoff at tinotopak na naman.
"By the way, don't even dare to do stupid things while I'm gone." Tiningnan ko sila isa-isa na parang nagbibigay warning.
Isa - isa din naman silang nag-iwas ng tingin at sumipol pa. Tsk alam ko naman kasing may gagawin na naman tong mga to kapag nakatalikod ako and worst kung wala ako. "I'm serious guys."
"Chill Leader parang naman makakagawa kami ng kalokohan eh babantayan naman kami ni Manager eh."
Yun na nga yung kinatatakot ko eh. Si Anne ang magbabantay kapag siya ang nandyan tiyak na may gagawing kalokohan tong mga to. Pero ano bang pake ko sa kanya Tss.
"Oo nga naman Kyle ako ng bahala sa mga unggoy na mga to." -Anne.
Wow ha proud pa siya na siya yung mag-babantay. If I know wala na naman siyang oras para gawin yun dahil sa work.
BINABASA MO ANG
Another Chance
Fiksi PenggemarMany people are wasting their time just to find love. They can't wait any longer just to have one. Sa kabilang banda naman, may mga taong hawak na nila pero hindi nila ito binibigyang halaga kaya ang ending may bibitaw. Ngunit sa pagbitaw ng isa dun...