Chapter 2: Coinsidence

821 66 6
                                    

Rhian's POV

Lumabas muna ako saglit sa bar para sagutin ang tawag ni Dada total di pa naman sumasalang sa intablado ang banda ni Nathan. Pabalik na sana ako ng may nakabungguan ako at nahulog ang cellphone na hawak ko. Sh*t! Who the hell is this. Malilintikan talaga 'to!

"Pwede ba! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!" inis na sigaw ko sa taong yun habang nakayuko at pinupulot ang precious kong cellphone.

"Sorry Miss, nagmamadali kasi ako. Diko sinasadya Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" sabi naman nung babae na parang nag-aaa Habang ako busy sa pagkalikot ng nahulog kong phone. Naku! Pag eto nagasgasan..

"Sa susunod kasi wag kang tatanga tanga." inis kong sabi tsaka tumayo pero nakatuon parin ang attensiyon ko sa cellphone ko, chinicheck ko kung may nasira ba.

"Ang sakit mo namang magsalita, nagsorry na nga ako diba? Pasensya na miss ha? Kung ganyan lang naman ang bibig mo, binabawi ko na ang sorry ko." aba at sumasagot sagot pa. Lumingon ako sakaniya na magkasalubong ang mga kilay and to my surprise its...

"Glai?" biglang tawag nung lalaki sa likod ko kaya nabaling ang attensiyon namin sakaniya. Papalapit na si Nathan samin at agad kong binaling ang tingin ko sa taong nasa harap ko please lord.. have some mercy on me. Sana magkaroon ng himala at hindi si Glaiza ang kaharap ko. Shocks Rhian! Nakakahiya ka, napaka immature nung inasal mo. 'Immature ka naman talaga.' "teka.. Rhian? Hey!" bati sakin ni Nathan.

"Hey.." I answered. Hindi kumikibo si Glaiza dahil gulat din ata.

"What a coinsidence huh?" he said.. yeah what a coinsidence sabi ko sa utak ko. "tara na sa loob guys. Tayo na ang susunod Glai." sabi nito at siniko ang kaibigan. Lumilipad ata utak ni Glaiza. "Uy cha. Para kang timang jan bat ayaw mo gumalaw."

--

Glaiza's POV:

Jusko Lord. Kainin na sana ako ng lupa. Nanigas lahat ng katawan ko ng mapagtanto kong si Rhian pala yung nabangga ko. Hoy Lupa bumuka ka sige na please.. Jusmiyo!

"Uy cha! Para kang timang jan bat ayaw mo gumalaw." siko sakin ni Nathan dahil nawawala nanaman ang utak ko.

"tara na nga!" sabi ko at nagmadaling pumasok sa loob.

"Thank God you're here na. Asan ka ba nagsususuot babae ka? Tayo na ang susunod. Set up mo na nga yang gitara mo." bungad sakin ni Kris sa back stage.

"Alam mo kakarating ko lang bibig mo na agad bumungad sakin." irap ko dito.

Isasalang na kami kaya inayos ko na ang gitarang gagamitin ko.

"Ready?" Tanong ni Nathan.

"Always." sabi ko sabay kindat at umakyat na kami sa ministage.

"Good evening. Kamusta kayo jan?" tanong ko sa mga manonood ng makalapit ako sa microphone. "Sana magustuhan niyo yung kantang kakantahin ko dahil wala naman kayong choice kundi makinig." nagtawanan naman ang mga tao sa loob. Nagsignal ako sa mga kabanda ko na simulan na ang tugtugan.

Torete - Moonstar88

Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang
Iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip

Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip
Ko'y torete sa'yo

Hinanap ng mga mata ko si Rhian and there she is.. gorgeously sitting while watching me.

Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig nanginginig na ako

Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo

Our Fate (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon