Chapter 6 : Confession

859 64 8
                                    

Glaiza's POV

Ilang oras din akong nasa loob ng c.r habang nakatitig sa salamin. "Naku Cha, ang hina mo naman." kausap ko sa sarili ko sabay tapik ng mahina sa noo ko. "Ba't kasi pinabayaan mong mahulog ka sakaniya. Nakalimutan mo ba kung ano siya at ano ka lang? Ang tanga tanga." iiling iling kong sabi. Pinunasan ko ang mga luhang nagbabalak nanaman mahulog mula sa aking mga mata tsaka huminga ng malalim. "You'll get through this."

Inayos ko muna ang sarili ko ng mapagdisisyunan ko ng lumabas. Papalapit pa lang ako sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa ang babaeng bumasag ng puso ko. Alam kong nagulat ito pero nakabawi rin at nilagpasan nanaman ako na walang kaemo-emosiyon.

"Rhian!" tawag ko sakaniya pero hindi parin siya tumitingin sa gawi ko kaya tinawag ko ulit pero parang walang naririnig. Lumapit ako dito at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Sabihin mo sa'kin kung bakit ka nagkakaganiyan please. May nagawa ba ako? Kung meron man sorry. Mapag-uusapan naman yun hindi yung ganito, na bigla ka nalang naging ibang tao.." pagmamakaawa ko sakaniya habang nakahawak parin sa mga balikat nito. Lumabas nanaman ang mga butil ng luha na hindi ko na mapigilan.

"Gl--"

"Gusto kita Rhi.. gustong gusto.."sabi kong umiiyak

"Stop it." pigil niya sa mga sasabihin ko. Titingin na sana ito sakin pero pinigilan ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa balikat nito.

"Mahal na nga kita.." pag-amin ko, nakaramdam nalang ako ng mahinang pagyugyug sa mga balikat nito kaya unti-unti ko siyang pinaikot paharap sakin. 'She's crying too.'

"I don't deserv--" I cut her off and put my index finger to her lips

it's now or never

I cupped her face and I slowly close my eyes until my lips landed on hers.. I kissed her slowly, feeling this moment and her to feel my sincerity.

Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko sa sandaling iyon dahil tumugon ito ng halik pero ilang sandali lang at bigla niya akong itulak ng mahina..

"This is wrong.. I'm sorry." sabi niya habang umiiyak, aalis na sana ito ng hinawakan ko siya para pigilan.

"Bakit?"

"Because I don't feel the same way, hindi tayo bagay!" madiin niyang sabi at parang biglang gumuho ang mundo ko. "at pwede ba bitawan mo ako." inalis nito ang pagkahawak ko sakaniya tsaka nagpatuloy maglakad at bago pa man ito lumabas ay nagsalita muna ito ulit. "Do me a favor, layuan mo na ako."

I was left alone again.. parang pinaulanan ng bala ang buong katawan ko dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya.

'Hindi ka ganiyan Rhi, kilala kita pero kung ito ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo.'

Lumabas ako ng comfort room ng maaayos na ang sarili ko.

Ang sakit.. ang sakit sakit na.. hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa Rhian pero may dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.

--

"uy cha! Anyare sa mata mo?" pansin ni Kris ng makapasok ako ng room at maupo sa tabi niya. "Ang pula aa."

"Wala." tipid kong sagot. Wala ako sa mood mag-explain. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at tumingin ng deretso sa mga mata ko

"Aminin mo mga sakin." seryosong sabi niya na magkasalubong ang kilay.

"Aminin ang ano?"  sabay irap.

"Na may sore eyes ka. Haha." humagalpak ito sa tawa at natigilan lang ito ng sumeryoso ako ng mukhang tumingin sakaniya. "Ito naman di mabiro, Alam kong si Rhian, narinig ko kayo kanina." sabi niya sabay hinga ng malalim. "Nandito lang ako."

"Mag-aral ka na nga lang." pag-iiba ko ng topic. Ayoko munang naririnig ang kahit ano tungkol sakaniya.

"Pinapaalala nga pala ni Nathan yung gig natin mamayang gabi?"

"Pass muna ako." tanging sagot ko. "I wanna get drunk tonight. I can't perform like this Kris you know it."

"Then we'll join you." sabi niya sabay kindat.

--

"Ang usapan, hindi mo sila isasama pero bakit nandito sila?" inis na bulong ni Kris kay Nathan dahil isinama nito ang squad nina Rhian.

"Sorry, hindi ka naman kasi nagkwento kung bakit at nagpumilit sila kaya wala na akong magagawa. They are my costumers." sagot naman niya habang ako patuloy lang na umiinom, hindi ko nga alam kung nakailang rounds na ako.

"Uy cha! Napaparami na ang inom mo." sabay kuha sakin ni Nathan ng baso na may lamang alak. Nakatingin lang samin ang mga kasamahan namin na sina Rhian and her squad.

"Oo nga Cha tama na yan. Nakarami ka na." awat pa ni Kris. "Baka di kayanin ng atay mo yan cha at masugod ka sa ospital naku."

"Kailangan ko 'to. Kailangan ko yan.. Pagbigyan niyo na ako." pakiusap ko at pilit na inaagaw ang basong kinuha ni Nathan sakin.

"No! Baka mag-alala si tita niyan and remember the last time you got so drunk? Isinugod ka lang naman sa ospital."

Umeepekto na ang alak sa buong katawan ko lalo na sa utak ko kaya nagkakaroon na ng sariling buhay ang bibig at kilos ko. "Pati ba naman 'tong alak pinagkakaait sakin? Kotang kota nako.. wala ng natira.. iniwan na ako kaya pati ba naman alak kukunin niyo rin? Yan na nga lang ang nagpapalimot sakin kasi ang sakit sakit na dito!" turo ko sa puso ko. "Ito lang naman.. wala na akong hinihingi.. tinanggap ko na. Ang gusto ko lang makalimot." tinipon ko ang gamit ko tsaka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong sakin ni Kris.

"Uuwi. Wala naman kasing kwenta kung mags-stay pa ako dito kung hindi niyo lang naman ako hahayaan." tsaka ako nagmadaling lumabas kahit paika-ikaw ang lakad. Hindi ako pinanganak na masukista. Hindi ko kayang makita si Rhian, I am not good in pretending na okay ang lahat.. na walang nangyari.

Nakalabas na ako ng may tumawag ng pangalan ko sa likod kaya napalingon ako.

"I'll give you a ride." Rhian offered.

"Pumasok ka na Rhi. Hindi kita kailangan."

"I insist. You're drunk at hindi kaya ng konsensya ko na iwan ka lang dito." pagpupumilit niya.

"Ayan ka nanaman ee.. magpupumilit ka nanaman, you'll act as if you care but the truth is you don't at ako naman na tatanga tanga magpapauto nanaman. At anong pinagsasabi mo? Hindi kaya ng konsensya mo na iwan ako mag-isa? Big word!" madiin kong sabi.

"I never meant to hurt you.." sabi niya sa mahinang tono

"Well, fvck you! You just did!" sabi ko at nagsisimula nanamang tumakas ang mga luha sa mga mata ko kaya tumalikod na ako tsaka umalis, hindi ko na maalala pa ang sumunod pang pangyayari dahil bigla nalang nagdilim ang buong paligid ko.


--

A/N:

Sorry for the mistypes (if meron). Kumusta naman? Haha. Don't forget to click the ⭐️ at pa-follow narin sa mga masisipag diyaan.

I am runnin' out of ideas kaya baka pansamantala akong maging multo. Mag a-unwind lang ng kunti and I promise it won't take forever. Hope you'll wait for me.

-J💖

Our Fate (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon