Chapter 8: Private Resort

821 53 6
                                    

Glaiza's POV

It has been a mothns since I last talked to her. Magpapasukan nanaman ulit but then di parin kami nag-uusap. Namimiss ko na siya pero nandito parin kasi yung sakit. Naiisip kaya niya ako kahit papano? Hayyy!

"Hoy Cha! Nakapangalumbaba kananaman jan. Alam mo bang malas yan sa negosyo? Nandito nga pala yung mga kaibigan mo." Bungad sakin ni nanay. "Pinagpapaalam ka sakin na mag-overnight daw."

"Huh?" Kunot noo kong tanong.

"Ako na ang bahala dito sa tindahan at ng mapuntahan muna sila." Pumasok si nanay at umupo sa pwesto ko. "Shoo!" Bugaw niya sakin.

"Naman si nanay eh ginawa pa akong insekto." Reklamo ko pero parang wala itong narinig. Naglakad ako palabas ng tindahan at bumungad sakin ang mukha ng dalawa kong kaibigan.

"Cha! Naipagpaalam ka na namin sa nanay mo. Naayos narin niya yung mga gamit mo kaya tara na." Excited na sabi ni Nathan.

'Teka? Gamit? Overnight? Saan? Bat diko alam? Pinagkaisahan nanaman nila ako.'

"NAYYY!" sigaw ko mula sa labas pero halakhak lang ang narinig ko sa loob ng tindahan.

"Alam mo cha, concern lang sayo ang nanay mo. Ilang buwan ka na kayang balisa kaya wag ng pakipot. Tara na! Nasa kotse na yung bag mo." Sabi ni kris at naglakad na sila papunta sa dereksyon ng sasakyan nila pero nanatili parin akong nakatayo sa kinatatayuan ko, nagdadalawang isip kung sasama ba ako o hindi.

"Cha, sasama ka ba o bubuhatin pa kita?" Pananakot ni Nathan kaya wala akong choice kundi sumakay nalang din.

"San ba talaga tayo tutungo?" Tanong ko.

"Samin. Private resort namin." Sagot ni Nathan habang nagmamaneho. Tumango nalang ako tsaka sumandal ng maayos.

'Kailangan ko siguro talaga ito. Nakakabaliw mag-isip!'

--

Naalimpungatan ako ng marinig ko si Nathan na may kausap sa telepono habang nagmamaneho. Nakaidlip siguro ako sa sobrang pag-iisip. 

"Oo.. malapit na kami jan.." rining kong sabi ni Nathan dun sa kausap niya. 

'May inimbitahan ba sila? Masama ang kutob ko dito. Mukhang may pinaplano sila na hindi ko alam.'

"and we're here!" masiglang sambit ni Nathan habang pinapark ang sasakyan nito. Nasagip naman ng mga mata ko ang isa pang kotseng nakaparada malapit samin. 

'Tama nga ang kutob ko, hindi lang kami ang nandito pero sino pa ba ang inimbitahan ni Nathan??.... Anak ng.. wag mong sabihing...'

"Nathan!" sigaw ni Jane habang winawagayway ang mga kamay nito. Tumingin ako ng masama sa mga impaktang kasama ko pero kibit balikat lamang ang ibinalik sabay ngiti ng nakakaloko. 

'Nananadiya talaga 'tong dalawang ugok na 'to eh!'

"Tara na.. kanina pa nila tayo hinihintay." wika ni Nathan tsaka ako hinila papalapit sa iba pa naming kasamahan. 

Hindi na ako magugulat kung kasama si Rhian dahil for sure nandito siya pero bakit wala akong makita ni anino niya? Sumama ba talaga siya? Wala ring bumabanggit ng pangalan niya.

'Mas mabuti nga yun! Pero bakit parang mas nalulungkot ako dahil wala siya? Diba dapat masaya ako dahil di ko siya makikita?'

 "Siyanga pala , kunti lang ang kwarto dito kaya kayo na bahala kung sino ang gusto niyong karoommate." pagpapaalala ni Nathan "and you sissy, behave!" tukoy niya kay Nathalie na kanina pa nakapulupot kay Sophie.

Our Fate (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon