Chapter 5: Fall for you

797 71 13
                                    


Rhian's POV

Days passed at naging ganun na rin ang routine namin ni Glaiza tuwing weekends. Just thinking of the moments I spent with her makes my heart flutter and I can't take my smile off. I just came home after matapos ang tutor sakin ni Glai kaya dumeretso na ako sa kwarto. Ilang oras rin akong gumugulong gulong sa kama. 'Kinikilig ba ako?'. "No! This is not good." sabi ko sa sarili ko. Shake it off Rhian.. Masaya ka lang.. That's all.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir."

"Where is he?" tanong ko.

"Nasa veranda po ma'am." sagot ng maid.

"Okay, tell him pababa na ako." nakauwi na pala si Dada. Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at bumaba papunta sa kinaroonan ni Dada.

"yes dad?" i said as i approach him. "welcome home." I said and kissed him on his cheek.

He look at me and smiled. "Where have you been?"

"I was at my friend's place." I reasoned. I didn't tell him yet that I failed in my subject because I know he'll be disappointed.

"You're teacher called me, and he said na bumababa daw ang grades mo?" he asked. "Is that true?" dagdag niya. Wala na akong magawa kundi ang umamin.

I shifted my gaze at the floor. "I'm sorry dada but promise babawi ako."

"Malaki ang tiwala ko sayo iha kaya wag mong sisirain yun." para akong nakaradam ng mabigat na responsibilidad na kailangan kong tugunan.

"How's your business trip dada?" I said to change the topic.

"I got the deal." he said smiling ear to ear na kitang kita mo talaga kung gaano niya mahalin ang negosyo niya that is why I can't disappoint him, I won't disappoint him kahit ang kapalit nito ay ang kaligayahan ko dahil yung companya ang dahilan kung bakit nagiging malapit ako kay dada.

"That's a good news! Wait I'll prepare us some champagne for a celebration." sabi ko but he stopped me.

"No need iha, I need to tell you something and it is a very important." sabi niya at biglang nagseryoso ang mukha. "I want you to be prepare for next week because we'll gonna meet my chinese business partner and his son."

--

Glaiza's POV

Excited akong pumasok knowing na makikita ko siya. Itong nararamdaman ko parang mas lumalaki habang tumatagal. Natatakot ako but at the same time umaasa.

"Humahaba nanaman po ang leeg ni Glaiza." puna sakin ni Kris.

"Ako nanaman nakita mo." sabi ko sabay irap.

"ikasi naman po wala na akong naririnig na balita tungkol sa'yo kung hindi lang nakukwento samin ni Nanay Emilia kung anong nangyayare sa bahay niyo baka hanggang ngayon wala parin kaming alam." irap nito.

"Sus! Parang di mo kilala itong si Cha. So ano na, kayo na ba?" tanong ni Nathan. Napangiti naman ako. "uy Cha, tinatanong ko kung kayo naba. Kung kiligin ka naman jan."

"Ay oo nga pala siguro naiisip niya yung gabing nagkatabi sila ni Rhian.. balita ko nakita daw kayo ni nanay na naka--"

"hep hep! It's not what you think. Dalagang pilipina po ako." paglilinaw ko.

"so walang nangyare?" kunot noong tanong ni Kris. Kung makapagtanong naman to parang nag-e-interrogate.

"wala okay?"

"Alam ba niya na gusto mo siya?" tanong niya pa, iling lang ang naisagot ko.

Nasapo naman ni Kris ang noo niya. "Pambihira naman Cha, ang bagal mo naman kumilos baka mamaya maunahan ka pa ng iba."

Our Fate (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon