Chapter 4: Over Night

815 68 9
                                    

Glaiza's POV

"Magandang umaga nay!" masiglang bati ko sa nanay ko mula sa likod dahil abala sa pagluluto ng almusal. "Ako na po jan."

"Naku! Mukhang maganda ata gising mo." pansin ni nanay sa maganda kong mood, diko naman mapigilan mapangiti dahil naalala ko yung nangyari kanina. "Naku anak, yang ngiting yan, ngiting inlove."

"Inlove agad? Maganda lang po tulog ko."

"Ganyan na ganyan ang ngiti mo nung kayo pa ni Isabella e." biglang nawala ang ngiti ko ng banggitin ni nanay ang pangalan na iyon.

"Nay wag na nating banggitin pa ang nakaraan, tapos na yun." sabi ko kaya hindi na ito nagsalita pang muli. "syanga pala nay, darating po dito mamaya yung kaklase ko." paalam ko kay nanay at nangiti naman ito bigla.

"aysus! Pasimple ka pa, kaklase ha.. " tinaas baba ni nanay ang kilay niya na parang nanunukso.

--

Naglinis ako ng bahay dahil sandali nalang ay darating na si Rhian. Neready ko narin yung mga materyales na gagamitin namin. Nakakahiya tuloy dahil baka hindi sanay si Rhian sa hindi airconditioned na bahay.

"Ang bango ha." sabi ni nanay pagkapasok sa silyas at tumabi sakin tsaka ako inamoy amoy. "Ang bango mo rin. Parang aakyat ng ligaw ha.." tukso nanaman ni nanay.

"Nay naman ee!" reklamo ko.

"osya! Mag-aral kayo mabuti ng kaklase mo." tumingin siya sa mga mata ko tsaka ngumisi.

"Nay!" patakbo itong lumabas sabay halakhak. Si nanay talaga parang bata.


"Anak!" sigaw ni nanay galing sa baba.

"po?"

"Nandito na yung kaklase mo." mabilis akong bumaba para puntahan sila baka kasi kung ano ang masabi ni nanay kay Rhian. Natigilan nalang ako ng makita ko siya sa hagdan na nakangiti ng pagkatamistamis sakin. Nakasuot ito ng shorts kaya litaw ang malaporsinalang hita nito at simpleng t-shirt lang na halatang masiyadong alaga ang kutis.

"Hi." bati niya, nag-init naman bigla ang magkabila kong pisngi.

"H-hi... t-tara sa loob." lagot na, pano ba kami makakapag-aral ng maayos nito. 'Puso Enhale, Exhale, Good!'

Pinapasok ko ito sa bahay at pinaupo sa sala "Pagpasensyahan mo na ang bahay namin ha.. teka kukunin ko lang yung electricfan baka kasi naiinitan ka." sabi ko dahil pansin ko na may namumuo ng butil ng pawis sa noo niya.

"it's okay Glai" tsaka ako hinawakan sa braso at pinigilan. Sandali kaming natahimik at nagkatinginan..

Awkward...


"ah--uh--i--inom muna ako ng tubig." pagpapaalam ko. 'parang nadry ata lalamunan ko'

Nagtimpla narin ako ng juice para kay rhian at mabilis na bumalik. "start na tayo?" tanong ko.

"Game." sagot niya.


Ilang oras din ang lumipas ng matapos narin pagtututor ko kay Rhian at medyo dumidilim na rin at parang nagbabadya ng umulan.

"iha, dito ka na maghapunan at nakahain na ang pagkain." imbita ni nanay kay Rhian.

"if its okay with you maam then its okay with me." sagot naman ni Rhian kaya dumeretso na kami sa hapag.

"Rhi try mo tong pinakbet ni nanay, masustansiya yan at masarap. Dika talaga magsisisi at hahanaphanapin mo yan." pagyayabang ko sabay abot sakaniya ng ulam. "Masarap magluto si nanay."

Our Fate (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon