Perlita's POV:
Ugggggggh! Sakit ng katawan ko po! >_< Sunod-sunod na araw yung pagpa-practice namin ni Clyde. Huhu! Ang hirap tumayo. Ang sakit ng buong katawan ko.
*brrt* *brrrt* (vibrate yan! Wag kayong ano!)
One message received!
Xiopao <'3
Good morning mai :* kain ka na agad tapos ipanligo mo maligamgam ha? Alam ko masakit katawan mo. Kumain ka rin ng almusal bago ka pumasok. Iloveyou mai :* kita nalang tayo sa school. Mwaah ;**
Ay ang sweet! Hehe. Ang aga-aga ang landeee. Hindi pa nga ako nakaka-bangon eh! Napabalikwas ako nang makita ko ang oras! 5:25 am naaaa! Late na naman akooo pag nagkataon!
*kilos*
*kilos*
-fast forward-
Nagle-lesson na si Sir. As usual inaantok na naman kami. Lalo na 'ko na masakit ang katawan! Huhuhu T^T
*brrt* *brrt*
Nag-vibrate phone ko. Hindi naman siguro ako mapapansin ni sir kung rereplyan ko 'to diba?
One message received!
Bes'Therese <3
Hi bessy! Sorry kung di ako naka-sipot nung nakaraan ah. Nagka-LBM kasi ako eh. Bawi nalang ako later, puntahan kita sa inyo okay? Tkcr mwaa :*
Yun lang? Tsk. Nagtatampo nga ako ngayon lang din siya nagtext! Napaka-busy eh no? Tanungin ko kaya.
Reply:
Okay lang hehe. Sure punta ka sa bahay mamaya. Ipaalam moko ah? Labyu! :*
Message sent!
"Yes Perlita? Na-send mo na ba?" tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang pangalan ko.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko. At nagtama ang paningin namin ni Sir. Nakangiti naman siya, so hindi siya bad mood?
"Ubos na load ko seeer." malungkot na sabi ko.
"Talaga? Hingin ko number ng papa mo sabihin ko ubos na load mo." Sumeryoso ang mukha ni Sir nang sabihin niya 'yan.
"Hehe. Joke lang Sir! Sige po tuloy niyo na yung tungkol sa global warming." nagtawanan mga ka-klase ko. Anong nakakatawa?
"English ang tinuturo ko at hindi science." Galit na siya? Huhuhu. Joke lang naman eh.
"We'll continue this tomorrow, goodbye class." saka siya mabilis na umexit sa room namin.
-fast forward-
Recess na namin ngayon. At as usual, andito lang ako sa classroom.
Lumapit sa'kin si Melanie na may dalang pagkain.
"Uy be! Kain tayo oh. Asan ba si Clyde?" sabi niya habang inaayos ang pagkain sa desk.
"Nasa canteen pa ata. Alam mo naman kapag lumabas 'yun parang artista." kumuha na'konng chips na dala niya.
"Oo nga eh haha! Naka-shades pa! Uy swerte mo dun ah mukhang mabait, mukha din anak mayaman." Lah? Mukha bang mabait 'yon? Haha sabagay mabait naman talaga siya.
"Teka be, alam mo na ba yung usap-usapan?" chismosa talaga siya hahaha pero the best yan!
"Tungkol saan?" wala akong nakakalap na chismis eh. Siguro dahil busy ako?