Clyde's POV:
Nagka-ayos na rin kami ng kambal ko. Haay! Ang dami dami kasing arte, hindi muna pinakinggan ang side ko.
"Pao? Nakikinig ka ba?" Naka-pamewang niyang tanong.
"Ha? Oo." Sabi ko, pero kumunot lang noo niya.
"Sige nga, ano huli kong sinabi?" Paghahamon niya.
"Sinabi" Naka-ngisi kong sagot. Pero hinampas lang niya ako sa braso.
"Tignan mo! Hindi ka nakikinig!" Hinampas na naman niya ako sa braso. Hayy natuto lang ng kung anu-ano, hilig na manakit.
"Okay relax, ano ba sabi mo?" Seryoso kong tanong.
Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Melanie. May practice kasi kami ng sayaw para sa Mapeh, at si Perlita ang leader.
Yung sayaw namin, parang pang JS. Kukuhanan pa namin 'to ng video at saka ipe-present pa namin.
"Okay guys. 1, 2 sway, hawak sa kamay ni babae. Lapit, tapos boys, ilagay niyo sa balikat niyo ang kamay ng girls." Pagtuturo niya na parang nagtirinda sa palengke. Partner kami nagtuturo, parang props nga lang ako eh, kulang nalang ibalibag ako.
"Next step, atras ng sabay tapos i-extend ang kamay, lapit. Boys! haplusin ang mukha ng girls. Girls, ilagay ang kanang kamay sa kaliwang balikat ng boys tapos ikot kayo" Ina-action niya rin sa'kin ang sinasabi niya.
"Okay, from the start!" Hooh! Grabe 'to magturo. Sabagay para rin kasi sa project namin eh.
At inumpisahan na nga namin ang sinasayaw namin. Tirik na tirik ang araw, kaunti lang ang lilim mula sa puno na nasisilungan namin.
"Okay, pahinga na tayo." Namamaypay siya gamit ang kamay niya. Inabutan ko siya ng panyo, tsk kababaeng tao walang dalang panyo.
Yung mga babae sa school na pinapasukan ko dati halos hindi mawalan ng panyo. Tapos hindi rin nagpapa-araw. Tss! Ibang-iba talaga ang mga nasa public school, walang arte.
"Mai, gutom ka ba?" tanong ko sa kanya pagka-abot ko ng tubig.
"Medyo. Bakit?" tanong niya na naghahabol pa ng hininga.
"Bibili ako ng makakain" tumayo na ako saka nagsimulang maglakad.
Paul Ace's POV:
(A/N: Naalala niyo po si Paul Ace Weinger? Yung boy bestfriend ni Perlita noong wala pa si Clyde sa buhay niya hahaha)
Umalis ang manliligaw ni Perlita sa tabi niya at naglakad palayo. Hindi ko alam kung bakit hindi niya pa yan sinasagot.
Lagi nalang silang magka-dikit. Bakit hindi nalang maging sila? Eh halos hindi naman na sila mapag-hiwalay.
Oo may gusto ako kay Perlita noon. Pero wala na ngayon. Alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa'kin.
"Oy naka-tanaw ka na naman sa crush mo." Sita sa'kin ni Johnmark, ang close friend ko sa room namin bukod kay Perlita.
"Tss. Dati 'yun" Pagsagot ko sa kanya.
"Talaga lang ah? Eh bat tinatanaw mo pa hanggang ngayon?" Pag-uusisa niya. Tsk masama ba siyang tignan?
"Matutunaw ba siya kapag tinignan ko?" malakas 'to mang alaska eh.