CHAPTER 22

1 0 0
                                    

Clyde's POV:

Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilang lumingon kay Perlita.

Ang ganda niya.

Hindi, parang hindi na siya 'yan eh.

Medyo malayo ang venue, buti na lang at maaga kami umalis.

"Baby, hindi mawawala si Perlita sa tabi mo kaya ayusin mo pagmamaneho mo kung ayaw mong mawala siya dyan." Biglang sambit ni mommy.

*screeeeeeeeechhhh*

Naapakan ko agad ng preno dahil sa sinabi ni mommy.

"MOOOOOMM!" Sigaw ko sa kanya.

"Hihihi. Tumingin ka kasi sa daan, labyu baby!" Nginitian ko na lang siya, pasaway talaga tss!

"Mag-focus ka dyan sa pagmamaneho kung ayaw mong sa ospital ang punta natin." Masungit na sabi ni Perlita.

"Ahem! *cough* *cough* hahaha!" Si Keighsee na kunwaring inuubo.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho at nakarating din naman kami ng maayos sa venue.

Ang tanong bakit kasama si mommy? Gusto daw niya kami panuorin.

Medyo matagal pa kaming pumila sa labas habang inaayos pa ang mga COCC (yung mga tine-training ng C.A.T officers) para sa pagpasok namin.

May swordsman kasi sa dadaanan namin at nakataas ang kamay na may hawak na sword.

Siyempre ako ang partner sa entrance ni Perlita. Kukuhanan din kami ng litrato mamaya, remembrance daw.

Nagsimula nang pumasok ang mga C.A.T colors para itayo ang Flag ng Pilipinas at ang Flag ng school.

Pumasok na rin ang mga teacher namin sa lahat ng antas.

Pati ang mga panauhing pandangal.

At kami naman, mga Junior and Senior na bida para sa gabing ito.

Nang matapos na ay hinanap na ni Perlita ang iba naming mga kaklase at nagsama-sama na kami sa table.

Marami pang speech ang mga panuhin at ang Principal ng school bago kami sumayaw.

Perlita's POV:

Ang dami-dami namang sinasabi! Tsk. Sona ata 'tong napuntahan namin?

Lalo na 'yung mayor, hayyys! Ang haba-haba ng sinasabi. Tapos sa graduation nandun din siyaaaa!

"Inip na inip be?" tanong ni Kathy habang tumataas pa ang kilay.

"obvious ba?" mataray na sagot ko.

"Chill. Magsasayaw din kayo mamaya! Haha! Hangganh bukas naman tayo ng alas-sais. Mag-sawa ka!"

Hahaha! Naalala ko n'ong third year kami, tinanggal ko nalang suot kong sapatos para lang makasayaw. Ang sakit sa paa ng high heels.

"Let's begin the partyyyyy!" Sigaw ng emcee. Tsaka namatay ang ilaw at tanging party lights na lang ang umiilaw.

Naghiyawan na ang mga estudyante sa saliw ng tugtog.

N/P: Desserts
By: Dawin

~
They can imitate you
But they can't duplicate you
'Cause you got something special
That makes me wanna taste you
I want it all day long
I'm addicted like it's wrong
I want it all day long
I'm addicted like it's wrong

Hinila ko na sila Kathy, Melanie, at Keighsee sa gitna para sumayaw.

Natanaw ko si Clyde na tahimik lang na nakaupo.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon