Eric's POV:
(A/N: First ever pov ng Daddy nila kambal^^,)
Nais ko na makita muli ang una't huling babae kong nagalaw. Oo, sa loob ng labing-pitong taon, wala na akong hinanap pang ibang babae kundi siya lang. Ang ina ng kambal ko.
Isa ako noong basagulero, manginginom, gala at bastardong anak ng isang mayamang pamilya sa Quezon City. Hindi ko pinapahalagahan ang pera na binibigay sa'kin ng mga magulang ko. Winawaldas ko sa mga gig ng barkada, o inuman.
Isang gabi napadpad kami sa isang bar noon sa Makati, at may nakita akong isang babae na parang hindi tanggap ang ginagawa niya. Baguhan lang siguro? Tanong ko pa noon sa sarili ko..
'bakit pumasok siya sa ganitong uri ng lugar kung labag naman sa kalooban niya?'
Tinawag ko ang babae na iyon at saka ko tinable. Hindi ko naman siya hinihipuan, naging kakwentuhan ko lang. Tinanong ko kung bakit siya nagtrabaho sa gano'ng klase ng lugar. Ang sabi niya, may malubhang sakit daw ang tatay niya at kailangan operahan.
Umiinom kami ng alak, lumipas ang mga oras at naka-ilang bote na pala kami ng alak na iniinom namin. Naka-palagayan ko siya ng loob, mabait siya at halatang inosente. Mukha rin siyang malambing at makulit, madaldal din siya. Halos lahat nai-kwento na niya sa'kin. Halos ayaw ko na siya pakawalan nung gabing iyon. Kaya kami nauwi sa 'ganoong bagay' lumagpas kami sa limitasyon.
Pareho kaming naglakbay sa estrangherong gawain. Dulot na rin siguro ng alak, kaya kami'y halos mawala sa katinuan. Pag gising ko ng umaga, wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam ang pangalan niya, pero nakabisado ko ang mukha niya at hubog ng katawan.
Hindi ako naka-balik agad sa bar na iyon nang mga sumunod na linggo, dahil may naging problema ako sa gang na sinalihan ko. Nang makabalik naman ako'y wala na raw siya roon. Nalungkot ako agad sa nalaman ko. Pabalik-balik ako sa bar na iyon at naging regular na kostumer na ako. Hindi ko naman siya mahanap dahil hindi ko naman alam pangalan niya. Noon ko lang napagtanto na ang tagal pala naming nag-usap pero hindi namin alam ang pangalan ng isa't-isa.
Lumipas ang ilang buwan, may dalawang sanggol na iniwan sa harap ng gate ng bahay namin. At may sulat na kasama nito.
'May 21, 1998
Para sa estrangherong bolero na lalaki na nakilala ko ng isang gabi,
Ang dalawang anghel na ito ang bunga ng ating kalasingan at kalandian. Hahaha! Alagaan mo sila, at pangalanan mo ng Clyde Earl at Caden Lee ha? Ikaw na bahala sa apelyido. Ikaw muna ang mag-alaga sa kanila ha? Babalik ako, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko at para sa muling pag-haharap natin ay may ipagmamalaki na ako.
May 14 ko sila isinilang. Ngayon ko lang nadala dito dahil sariwa pa ang tahi ko. Hindi ko rin sila kayang alagaan dahil mag-isa na lang ako sa buhay. At dahil mahirap lang ako, hindi ko rin matutustusan ang pangangailangan nila.
Hanggang sa muli nating pagkikita..
PS: Gwapo ka sana kaso jutay ka!
PPS: Sa muli nating pagkikita, mag-shave ka na.
Nagmamahal,
Babaeng Mananayaw'
'yan ang sulat na kasama ng dalawang sanggol noon na iniwan sa harap ng gate. Oo nagalit ako sa kanya dahil ginawa niya lang parang tuta ang mga sanggol na basta na lang iniwan. Matatanggap ko naman kung ano siya, sana hinarap na lang niya ako. At nagalit din ako dahil sabi niya jutay daw ako!
Napilitan kaming lumipat ng bahay noon, hindi ko talaga matanggap na jutay ako. Hanapin niya kami kung gusto niya pa kaming makasama.
*Riiiiing* *Riiiiiing*