CHAPTER 17

5 0 0
                                    

Clyde's POV:

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Nakapiling na namin si mommy. Ang kulang na parte sa pagkatao ko.

"Nasan pala si Caden Lee?" Tanong ni mommy. Nandito pa rin kami sa faculty room. Mugtong mugto ang mata naming dalawa.

"Sa ibang school po siya nag-aaral. Doon din ako nag-aaral dati kaso lumipat po ako dito." Pagkasabi ko noon ngumiti siya sa'kin.

"Alam ko ang dahilan kung bakit ka lumipat." Tumingin siya sa pinto ng faculty room. Saka tumingin siya ulit sa'kin at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Kaya lumapit naman ako.

"Nasa labas si Ms. Asuncion, inaantay ka ata" pabulong niyang sabi. Nagtayuan ang mga balahibo ko, parang nahiya tuloy ako kay mommy.

Tumayo na ako at saka nagsimulang maglakad papunta sa pinto nang faculty. Nakita ko roon sa bandang likod si Perlita na umiiyak, humihikbi hikbi pa.

"Huy! Ano iniiyak mo dyan mai?" Pang-gugulat ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at saka mabilis na pinunasan ang sipon at luha niya.

"Ah-eh hehe kasi napuwing ako" pinipikit-pikit niya pa ang kanyang mga mata na kunwaring napuwing.

"May napuwing bang pati sipon tumutulo?" Napatigil siya sa ginagawa niya at saka hinawakan ang ilong niya.

"May sipon kasi ako hehe" Pagpapalusot na naman niya. Tsk! Nakinig 'to ng usapan namin. Ang kulit talaga eh.

Hinawakan ko na ang kamay niya at saka kami pumasok sa loob ng faculty. Ipapakilala ko siya kay mommy.
Pag-pasok namin sa loob, back to normal na ulit si Mommy, parang hindi kami nag-iyakan kanina. May suot na siyang reading glass at saka naka-harap sa laptop.
Hawak ko pa rin ang kamay ni Perlita nang nasa harap na kami ng table ni Mommy.

"Ahmm, Mom. This is Perlita" Sabi ko sa kanya. Binaba niya ang reading glass niya at sakapinagmasdan si Perlita na naka-yuko.

"Umupo muna kayo" Pag-aalok niya sa'min umupo. Kumuha ako ng isa pang upuan para kay Perlita at umupo na kami.

"So, nakinig ka ng usapan namin ng anak ko Ms. Asuncion?" Mataray na tanong ni mommy, na ikinagulat naman ni Perlita.

"H-Hindi k-ko po s-sina-ssadya ma'am s-sorry po" Nakayukong sagot naman ni Perlita at saka nilalaro ang mga daliri niya sa kamay.

Nagkatinginan kami ni mommy at saka siya kumindat. Loko din pala 'to.

"Alam mo bang masama ang makinig sa usapan ng iba?" tanong ulit ni mommy.

"O-Opo ma'am pa-pasensya na p-po h-hindi na mauulit." Halatang natatakot dahil utal-utal siya magsalita.

"Hehehe Joke lang be! Alam ko kanina sumunod ka kay Clyde." Tatawa-tawang sabi ni mommy. Napa-iling na lang ako. Tssk. Tsk tsk.

Biglang nag-angat ng ulo si Perlita at naguguluhang tumingin sa'min.

"Ah, Mom una na po kami sa room baka nandun na ang next teacher namin." Pagpapaalam ko kay Mommy na nakangiti pa rin.

Hinawakan ko na ang kamay ni Perlita at saka hinila papunta sa classroom. Nakatulala pa rin kasi siya at titig na titig sa nanay ko tssk! Habang naglalakad, pumalag na siya at kumalas sa pagkakahawak ko. Bumalik na ata soya sa ulirat.

"Tsk Mag-nanay nga kayo!" Parang nagmamaktol niyang sabi. Natawa nalang ako at pumasok na sa classroom.

"Beee! San ka ba galing?! Kanina pa may naghahanap sa'yo!" Salubong ni Kathy kay Perlita. Ako naman umupo na sa upuan ko.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon