CHAPTER 18

3 1 0
                                    

Perlita's POV:

Dalawang araw na ang lumipas simula nang maglayas ako sa bahay.

~ Flashback ~

Binitawan na ni papa ang kutsilyo at ang buhok ko. At saka siya tumayo at nagpunta sa lababo.
Doon ako nagkaroon ng pagkakataon para tumakbo. Naka-labas ako ng hate at tumakbo ako na para bang may humahabol sa'kin.

Namalayan ko nalang na naka-layo na ako sa bahay at napadpad ako sa bahay nila Kristy.

"Tao po! Kristy!" Katok ko sa pinto ng bahay nila, umiiyak pa rin ako at mugtong mugto na ang mga mata ko.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at bumungad sa'kin si Kristy. Yumakap agad ako sa kanya at umiyak ng umiyak.

"Teka tumz, ano ba nangyari? Pasok ka muna" pumasok na ako sa loob ng bahay nila at umupo sa upuan sa may sala. Tumabi naman sa'kin si Kristy.

Kwinento ko sa kanya ang lahat ng nangyari mula umpisa. Inabutan niya ako ng tubig dahil hindi na ako masyadong makahinga dulot ng pag-iyak ko.

"Grabe naman yang tatay mo tumz! Ipa-barangay na kaya natin?" Sabi niya nang matapos ko na ang kwento.

"W-wag tumz. Napa-blotter na kasi dati ni Kuya 'yun. Tas nahuli na rin siya sa ilegal na sabong dati diba? Kaya baka mahirapan lang lalo kami kapag nakulong na naman siya. Wala kaming kakainin. Siya lang nagtatrabaho sa pamilya namin" Mahabang sabi ko. Tumango-tango lang siya at saka hinagod ang likod ko.

Hindi ko alam kung ano ba gagawin ko, grabe ang takot ko nang itutok niya sa'kin yung kutsilyo.
Sana namatay na lang pala ako, mas mahihirapan pa siguro ako kung nabuhay pa ako.

"Kawawa ka naman tumz. Sige dito ka muna, pano 'yan hindi ka papasok sa school bukas?" tanong ni kristy na may halong pag-aalala.

"Hindi muna tumz, wala rin akong dalang uniform paano ako makakapasok?"

"Okay sige ikaw ang bahala."

Okay lang sa kanya na dumito muna ako sa bahay nila dahil wala rin naman siyang kasama kundi ang kuya niya, isang nkababatang kapatid na lalaki at ang tatay nila.
Nasa ibang bansa naman ang Mama at ate niya, kaya siya lang ang natitirang babae dito sa bahay nila.

Umalis muna si Kristy dahil may bibilhin daw siya sa labas.
Nakakita ako ng blade, kinuha ko iyon at tinignan. Pano kung ako nalang ang tumapos sa buhay ko? Magiging masaya kaya ang tatay ko?

Tinutok ko ang blade sa pala-pulsuhan ko at saka iyon diniin at pinadaan ang blade sa pulso. Natalsikan pa ako ng sarili kong dugo.

Bigla namang bumukas ang pinto at gulat na gulat si Kristy sa nakita niya.
Mabilis siyang naghanap ng panyo at itinapal sa laslas ko.

"G-gago ka tumz!! Ano bang ginagawa mo ha?!" Umiiyak niyang sabi habang tinatalian ang sugat sa pulsuhan ko. Hindi ko namalayan na tumulo na rin pala ang luha ko.

"Hindi ito ang sagot sa lahat ng problema mo okay?! Hindi solusyon ang pagkitil ng sariling buhay para makalaya ka sa mga problema mo!! Nandito kaming mga kaibigan mo, makikinig kami. Pwede mo i-share 'yan para gumaan ang nararamdaman mo. Kaya please tumz.. Pakatatag ka" Niyakap niya ako saka siya umiyak ng umiyak. Ngayon ko lang naramdaman na may tao palang takot na mawala ako.



Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon