Perlita's POV:
Matagal akong tumitig sa bagong teacher na pumasok sa classroom. Mukha siyang anghel, at ang sexy pa niya.
"Good morning miss." Bati namin sa teacher na pumalit muna kay Sir Abad.
"Good morning class, I am Ms. Carlyne Romero. But you can call me Ms. Lyn or Ms. Romero" Nakangiti niyang sabi. Ang ganda talaga eh, parang fil-am.
Nagsimula na siyang magsulat sa blackboard.
"get 1/2 index card and copy this" pagtukoy niya sa sinulat niya sa blackboard.
"Omg wala akong index card"
"Bakit may pa-index card pa kasi, si Sir naman walang ganyan"
"Oo nga. Sana si Sir nalang ulit, maganda sana kaso maarte naman"
Bulung-bulungan ng mga kaklase ko. Bulong yan pero rinig ko. Tss! Humarap sa'min si Miss Romero at ngumiti. Hala, saltikin ata 'to eh? Ngumingiti bigla.
"I have here. Libre lang pero bukas may bayad na ha?" ngumiti na naman siya. Ang hilig ngumiti! Wala ka po bang problema ma'am?
Tumayo si Clyde sa tabi ko para kumuha ng index card, pero hinila ko yung dulo ng polo niya kaya lumingon siya sakin."Kuha mo'ko ah. Salamat" Nakangiti kong sabi, tumango lang siya. Anyare dun? May sakit kaya 'yun?
Pumunta na sa harapan si Clyde para kumuha ng index card. Pati ang iba naming kaklase.
Noong si Clyde na ang kukuha, nagkatinginan pa sila ni Ma'am Romero. Lah? Baka type siya ni ma'am? >\< HINDEEEE! HINDI MAARI!!Naglakad na si Clyde papunta sa gawi ko na naka-ngiti. Crush niya rin si Ma'am? Tsk!
"Mai oh." Nakangiti niyang inabot sa'kin ang index card, pero hindi ko kinukuha.
"Huy" Kinalabit niya ako pero binaling ko sa ibang dereksyon ang paningin ko. Nag-cross arms pa 'ko para halatang galit.
"Anong nangyari mai? Magsalita ka kaya." Umupo na siya sa tabi ko at kinakalabit ako. Hinarap ko na siya..
"Type mo si ma'am no?" Naniningkit ang mata kong tanong sa kanya.
"Huh? Of course" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Not. Hehehe peace ^...^v" Ngiting ngiti niyang sabi. Kinaltukan ko nga. Tsaka inalis ang paningin sa kanya.
"Uyyy nagseselos siya hihihi love mo na 'ko no?" Bulong niya sa'kin kaya napa-pikit ako. Feeling ko ang pula ng mukha ko.
"Class, kopyahin niyo na 'to" utos ulit ni ma'am
"Yeeeeees Maaaaaam"
Ginawa muna namin ang pinapagawa ni ma'am at saka namin ipinasa sa kanya nang matapos na kami.
Nagsimula na siyang magtawag ng pangalan, para daw makilala niya kami. Kesa naman daw sa magsuot kami ng name tag.
"Asuncion, Perlita" Tawag niya sa napaka-ganda kong pangalan.
Nagtaas agad ako ng kamay, ngumiti lang siya."D-D-Dawson, C-Clyde E-Earl?" Nagtaas na ng kamay si Clyde. Bakit hirap na hirap siyang basahin ang pangalan ni Clyde? Nauutal siya?
"Let's talk." Seryosong sabi ni ma'am. Nagulat naman kami sa inasta niya.
"We can talk here" Masungit na sabi ni Clyde. Siniko ko nga, bastus!
"In private if you don't mind." Pagsagot naman ni Ma'am. Bakit private pa? Pwede naman dito ah? Baka type niya talaga si Clyde! Huhuhuhu T.T