Continuation..
Perlita's POV:
Nasa sasakyan na kami, papunta na kami sa opisina ni Mr. Chan.
Hindi ko mapigilan mapatingin kay Clyde, ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayon naka-polo siya at may patong na tuxedo. Para siyang business man. Hindi siya mukhang high school lang, dahil na rin sa hubog ng katawan niya.
Hindi ako mapakali, nasasagi pa sa hita ko yung kutsilyo. May gun pocket kasi na naka-kabit sa hita ko. May slit din yung mini skirt na suot ko kaya makukuha ko naman ng maayos mamaya. Tapos may baril din sa shoulder bag ko. Tss!
"We're here." Sabi ni Clyde. Tinignan ko muna ang lugar. Kinakabahan ako.
"Miss Perlita, wag ka na kabahan nandito lang kami." Naka-ngising sabi ni Red.
"Oo nga, andyan naman si boss." Sabat din ni Grey.
Bakit nga ba ako kinakabahan? Hay grabeee. Ang dami ko naman kasama bakit pa ako kinakabahan.
Secretary ang ganap ko ngayong gabi, kaya pala ganito ang suot ko.
Bumaba na kami ng sasakyan at saka nawala na parang bula sila Red, Grey, at Blue.
"Mauuna akong maglakad. Sumunod ka lang na parang secretary ko." Utos ni Clyde.
"Yes Sir." Oy C.A.T ata ako? Snappy ako no!
Nagsimula na siyang maglakad, sumunod na rin ako sa kanya. With stomach in, chest out.
Nakarating na kami sa opisina ni Mr. Chan. Ako na ang kumatok.
*tok tok tok*
"Come in" intsik ba talaga yun? Bakit nag e-english? Tssk.
Binuksan na ni Clyde ang pinto. Sumalubong sa'min ang sandamakmak na tauhan ni Mr. Chan.
Nasa sampu sila at may mga armas na dala. Lunoook.
Si Clyde nama'y umupo na kaharap si Mr. Chan.
Ako'y nanatiling naka-tayo sa may pinto banda.
"You seat beautiful lede" Ay intsik nga talaga siya.
Umupo na ako sa tabi ni Clyde, stomach in chest out pa rin kahit gusto ko na tumakbo.
Nasa likod namin ang lima sa tauhan ni intsik. Ang lima nama'y nasa likod niya.
"Bakit ikaw punta dito? Asan Mr. Dawson?" Sabi ni Mr. Chan.
"He's busy with his stuff. So he sent me here." Magalang na sagot ni Clyde.
"Oww. Oki. Your girlfriend?" pagtukoy ni intsik sa'kin.
"Hehe. I'm his secretary po." ako na sumagot.
"oh," nag-ngiting aso lang siya. Nakita ko naman ang kamay ni Clyde na kumuyom.
Bigla na lang namatay ang ilaw. Napatayo agad ako sa kinauupuan ko.
May humila agad sa'kin. At nagsimula na ang putukan. Ang dilim! Saan ako dadalhin nito? Kumakalas ako mula sa pagkakahawak niya kaya't nakawala ako.
Biglang bumukas ang ilaw. Tumambad sa'kin ang mga katawang naka-handusay sa sahig at ang katawan ni Mr. Chan.
Si Clyde nasa pwesto niya pa rin kanina. Pero may taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. Bakit nandito si Therese?!