CHAPTER 20

4 0 0
                                    

Perlita's POV:

Ilang linggo na ang nakalipas mula nang umalis ako sa bahay at naglaslas. Katakut-takot na pagsermon ang nangyari sa'kin nang pumasok ulit ako sa school.

~ Flashback ~

Day 1:

Nasa hallway na'ko at naglalakad papunta sa classroom. Grabe tinginan ng mga estudyante sa kamay ko. Nakakahiya >\<
Finally nakapasok na ako sa room, nagsipag-tahimik naman ang mga ka-klase ko na nag-iingay. Si Clyde tahimik din na nakaupo. Anyare? May virus ba 'ko?

"uy pao!" bati ko sa kanya. Tinapik ko pa braso niya.

"oh? Ay hindi ko napansin na andyan ka na mai. Sorry" hindi napansin? Eh katabi niya lang ako.

Biglang tumahimik lalo ang room. Pumasok na pala si Ms. Romero, yung mommy ni Clyde.

"Ms. Asuncion, pumunta ka muna sa guidance office." Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Bakit sa guidance office pa?

Tumayo na ako saka naglakad palabas.

Guidance office:

"Ms. Asuncion, hindi maganda ang ginawa mo sa sarili mo." Sabi ng Guidance Councelor ng school namin.

"Base sa kwento ng mama mo, ikaw daw ang umalis sa bahay niyo." pagpapatuloy niya.

"opo. Pero personal problem na po 'yun ma'am. Problema ng pamilya na namin 'yun." dineretcho ko na siya. Hindi ko kailangan ng advice nila dahil hindi naman nila alam ang problema ko sa loob ng bahay namin, sa pamilya ko.

"Hindi sa nakikialam kami, pero gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na hindi tama ang ginawa mo sa kamay mo. Pwede kang mamatay dahil dyan." Hayys! Alam ko kaya nga ginawa ko eh.

"Okay." Sagot ko saka ako bumuntong hininga.

Day 2:

Nasa quadrangle kami ngayon nakatambay, uwian na kasi pero tumambay muna kami nila Keighsee, Kathy, Kristy at Melanie. Si Clyde katabi ko rin.

"Perlita pinapatawag ka ni sir Bunao." Singit ng kaklase ko. Tss! Bakit naman ako pinapatawag?

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko. Pero nagkibit-balikat lang siya.

"Tara samahan na kita mai." pag-prisinta ni Clyde.

Naglalakad na kami papunta sa faculty room ng Math department. Math teacher ko kasi 'yun si Sir Bunao.
Nakapasok na ako sa faculty, si Clyde nagpa-iwan sa labas.

"Sir, pinapatawag niyo daw po ako?" Tanong ko nang makalapit na'ko sa table niya.

"Ah. Yes, have a seat" alok niya sa'kin ng upuan, kaya umupo muna ako.

"I heared what happened to you. Totoo ba 'yun?" Napakamot ako ng ulo. Hayyys. Minsan feeling ko nakiki-chismis lang sila eh. Tumango ako bilang tugon.

"Sana wag mo na ulitin 'yun ha? Wag na wag mo na gagawin ulit ang paglaslas sa kamay mo. Enjoyin mo lang ang buhay kahit marami kang pasanin, hindi magbibigay si God ng problema sa taong mahina. Kaya kapag nalagpasan mo 'yan ibig sabihin strong ka." Nakakaiyak naman 'to si sir. Pinaalala pa.

Tumango tango nalang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Lumabas na 'ko ng faculty room na nakangiti at sumalubong naman sa'kin si Clyde.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon