A/n: haay… Kawawa naman si Kyla. Ang gulo kasi ng utak ni Christan.. HMP!
=======KYLA’S POV========
Ito ako ngayon nasa bahay. Sana maaayos na ang lahat sa amin ni Christan. Kasi parang hindi ko na kaya. Last na ito. Ano nga bang paborito niyang pagkain?ahh.. Adobong manok.. Mailuto nga. Kaso di ako marunong eh!
“mama! Turuan mo nga akong gumawa ng adobong manok”
“huh? Himala! Bat gusto mong malaman?”
“ah wala po gusto ko lang ng adobo”
“hmm? O cge”
“ano pong mga kailangan?”
“ililista ko tapos pumunta kang palengke”
Nilista nga ni mama..
To buy list:
Potato
Chicken
Vinegar
Soy Sauce
Pepper
ETC.
*hanap
*hanap
Ayan natapos na akong mamili. Uwi na ako! Naeexcite na ako sana magustuhan ni Christan ito.
“malapit lang naman ang bahay naming kaya maglalakad na lang ako”
Naglalakad na ako ng biglang bumuhos ang ulan.. UGH! Napakaswerte ko naman wala akong dalang payong..
Ayan binilisan kong tumakbo. Basang-basa na ako wala pa rin akong makitang silungan.
Ayun tindahan! Tumambay muna ako dun hanggang sa tumigil ang ulan.. 3mins… 10 mins. .
Kumulog ng malakas. At nagulat ako
*Whoooshh
Waah! Ang lamig… medyo maaga pa naman mga 6 pm palang kaya hindi pa masyadong nakakatakot kaso lumakas pa lalo ang ulan..
Huhu TT___TT
30 mins… ayan tumigil na ang ulan. Ambon nalang. Pinagpatuloy ko na ang paglakad.
*lakad *lakad
*Splasshhh….
“HOY! Salamat ha! Bwiseet..” sigaw ko sa kotseng dumaan kasi hindi man lang nag iingat natalsikan tuloy ang damit ko buti nalang ligtas itong mga binili ko sa palengke..
Mukha na akong kawawa. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao.. Christan.. para lang sa adobo mo.. huhuhu..
HOME! Finally
“Oh kyla? Anong nangyari sa iyo?”- si mama
“may kotse po kasing hindi nag-iingat”
“basang-basa ka na, maligo ka muna dun at baka magkasakit ka nan”
Naligo na nga muna ako..
“ma, tapos na ako turuan mo na akong magluto!”
“o cge”
Tinuruan na ako ni mama.. masarap ang nagawa ko syempre halos lahat ng pagtimpla si mama ang gumawa,, hehe. I’m so excited for tomorrow. Favorite ni Christan ito eh..
////////KINABUKASAN///////
Medyo masama ang pakiramdam ko pagkagising ko. Pero hindi pwedeng hindi ako pumasok. Yayayain kong sumabay ng lunch si Christan para makausap ko din siya. Sana mabasa niya yung letter… Sana maging totoo na siya. Kasi pakiramdam ko may Gusto din siya sa akin. Assuming lang..:)
Nasa bag ko ngayon ang adobong niluto ko.. ilalagay ko ba sa locker niya? Ay hindi dapat sabay kami mag lunch. Mamaya na lang.
Naglalakad ako ng mapadaan ako sa may locker ni Christan. Sa gilid ng locker may isang trash can.. parang may papel na mahuhulog. Nilapitan ko at pamilyar yung sulat..
Teka? Ayaw kong basahin pero parang sulat kamay ko siya..
hindi..
hindi akin yan,,
hindi yan yung letter na sinulat ko para kay Christan..
hindi niya maitatapon yun.. HINDI! Baka nagkakamali lang ako.
Konti nalang iiyak na ako.
Gusto kong lagpasan na lang. gusto kong huwag basahin
.
.
.
“uy kyla! Anong tinitgnan mo diyan?”-si JB
Kinuha niya yung papel na nasa may trash can at binasa.
“Dear Christan,”
.
.
.
.
Hindi ko na napigilang umiyak… *sob *sob
Bakit niya itatapon?
“Hindi ko sulat yan diba?”- tinanong ko kay Jb pero alam kong sulat ko nga yun.
“sorry”-sabi nalang ni JB.
.
.
.
.
Hindi ko na kaya..
tumakbo ako palayo..
patuloy pa rin ang pag luha ko.
Masakit..
Bakit ganito kasakit?
Bakit hindi palang ako diretsahin ni Christan?
Bakit paulit-ulit niya akong pinapaasa?
Bakit paulit-ulit niya akong sinasaktan?
Hindi niya na ako pinapansin..
Pinamimigay niya pa ako..
Tao din ako..
Nasasasaktan
Napapagod..
Ayaw ko ng umasa. Ayaw ko ng marinig pa ang sasabihin niya.
Tama na… hindi ko na kaya eh.
Parang wala ring pupuntahan.
Parang wala ring kwenta.
Sabi niya ibabalik niya ang dati.
Umasa naman ako..
Ang tanga ko..
.
.
.
“Kyla!” hingal na sabi ni JB. Sinundan niya pala ako.
Humarap ako sa kanya.
Niyakap ko siya.
Kailangan ko ng maiiyakan.
Kailangan ko ng masasandalan ngayon…
napagod ako ng pisikal kagabi. Ngayon naman emosyonal.
Umiyak lang ako sa balikat ni JB..
Ang sakit ng puso ko…
Ang sakit din ng ulo ko…
Nanghihina na ako.. dumidilim din ang paligid.
Konti konting nawawala ang aking paningin hanggang…
“Uy Kyla! Ano ng yayari sa iyo? Ang init mo!” yun na ang huli kong narinig..
BINABASA MO ANG
Utang na loob
RomanceSabi nila... ang UTANG dapat bayaran. Dapat bayaran ang Principal at interest. Pero paano kung isa itong UTANG NA LOOB? Madali lang naman yung bayaran kung mabuti kang Tao eh. Pero... yan may pero na..haha pero paano kung kasiyahan mo na ang KABaYAR...