=================KYLA’S POV===============
Pag-gising ko. Nasa Clinic na ako
“haay salamat gising ka na”- si Jb na parang nakahinga ng maluwag
“Jb, bakit ganun?”
“shh…magpahinga ka muna. Ang taas ng lagnat mo”
“ang bait mo.. buti ka pa. laging nadiyan para sa akin.. salamat”- sabi ko kay JB
“wala yun”
“Jb Bakit gustong-gusto ni Christan na ikaw ang piliin ko?”
“hmm?”
“bakit ganun nalang niya ako ipamigay sa iyo”
“baka.. baka dahil sa pagligtas ko sa kanya”
“ha?”
“diba before tayo mag 3rd year nalunod si Christan?”
si Jb pala ang nagligtas kay Christan.
“ah so malaki ang utang na loob niya sa iyo?”
“oo parang ganun”
“SO? DAHIL DUN PAMBAYAD NIYA AKO?” –napalakas ang pagkasabi ko.
“siguro”
HAHA.. PAMBAYAD LANG PALA AKO NG UTANG! GRABE LANG.
“pero kung ikaw, ipambabayad mo ba ang taong mahal mo?”
“hindi ko ata kaya” –pagkasabi nun umiwas siya ng tingin
Buti pa siya. Hindi niya kayang gawin.
“siguro hindi talaga ako mahal ni Christan”
“ha bakit naman?”
“kasi kaya niya akong ipambayad eh.”
Umiwas lang uli ng tingin si JB
“sana ikaw nalang ang minahal ko”
Nagulat siya!
“Sana ikaw nalang ang pinili ng puso ko.”
.
.
.
.
“nasaktan ka di ba?” seryosong tanong niya
“oo”
“eh di saktan mo din siya?”
“oo nga noh, Jb tayo nalang. Aaralin kong mahalin ka”
“ha? Tapos paano kong hindi mo magawa iiwan mo lang ako?”
“hindi. Kakalimutan ko na si Christan. Promise! Madali ka lang namang mahalin di ba?”
Huminga ng malalim si JB.
.
.
.
“o cge, sana nga matutunan mo na akong mahalin”
/////////////////CANTEEN///////////////
Lunch break na pala. Mahaba rin pala naitulog ko sa Clinic.
“Jb dun tayo kila Ella”
Nakita ko kasi sila Ella kasama si Ryan at Christan kumakain sa isang table.
Gusto kong saktan harap-harapan si Christan.
“ha? Seryoso ka?” Tanong ni jb
Tumango ako. Tapos pumunta na kami dun.
“San kayo galing?” tanong ni Ryan ng makaupo na kami
“sa clinic. Nahimatay kasi si Kyla kanina at mataas lagnat”-si JB
“ha? Ayos ka na ba?” tanong ni Christan na parang nag-aalala. Hinawakan niya pa ang ulo ko para tignan kong mainit pa.
Iniwasan ko ang kamay niya.
“Oo. Okay na ako! Dahil kay JB.”-matigas na sabi ko sabay ngiti kay Jb
“O-okay” yun lang nasabi ni Christan at malungkot na tumingin uli sa malayo.
Haay… Galit ako sa iyo! Dahil din sa iyo kaya ako nilagnat. Dahil lahat sa Utang mo!
“nga pala, kami na ni JB!”- inaanounce ko sa kanila at nakatingin ng diretso kay Christan.
“huh? Pano nangyari yun?”-sabay na tanong ng kambal
Nagulat si Ryan at si Ella pero si Christan nakangiti pa at…
“I knew it! Congrats” masaya pa siya pero somewhere parang malngkot ang mata niya.
“Excuse muna. Mag C-CR lang ako” –paalam ni Christan
Sinundan ko siya ng tingin at habang naglalakad ito inalalayan pa siya ni Glydel. Huh? Mag-c-cr lang naman sya ah!. ANG SWEET NAMAN! TSS…. Tumingin nalang ako kay Ella.
“hoy! Panu nangyari yun?”-tanong ni Ella
Gulong-gulo sila sa nangyayari.
“mahabang kwento.. huwag niyo ng itanong”- si JB
“o sige na nga.Congrats! Anong ulam niyo? Penge naman”- si Ryan
Si ella nagtatakang nakatingin pa rin sa akin. Alam niyang may something fishy..
“ito adobo, niluto ko kagabi”-sabi ko
“Wow! Nagluluto ka pala”-si Ryan uli
“hehe ngayon lang”.
Naubos naming yung pinaghirapan ko. Kahit papaano worth it naman itong pagkakasakit ko.
Pagkatapos naming kumain hinila na ako ni Ella.
“Excuse me lang muna kuya Ryan at JB ha!”
“oi Ella, sobrang layo naman ata ng pagdadalhan mo sa akin” nasa may gate na kami palabas eh.
“ay sorry.. haha di ko napansin”
“ano bang problema mo bat mo ko hinila ditto?”
“Ikaw ang dapat kong tanungin. Bakit kayo na ni JB?”
Tumingin lang ako sa malayo. Bakit nga ba? Dahil kay Christan. Nakakapagod din kasing umasa.
“padalos-dalos ka masyado Kyla eh”
“sorry naman, pero ayaw na kasi sa akin ni Christan eh”
“huh? Paano mo nasabi?”
“halata naman eh. Una, pinamimigay niya ako kay JB tapos ngayon yung mg binibigay ko sa kanya binibigay lang niya kay JB at iniiwasan niya ako at nagseselos ako sa kanila ni Glydel!”
“Whoa! Whoa!, sige na ikaw na ang maraming dahilan. Pero baka may problema lang si Christan?”
“problema? Meron nga siguro. At ako ang pambayad dun o sagot doon.”
“teka! Teka! Saan ba nangagaling mga hinanakit mo?”
“sinabi ni Jb sa akin na niligtas niya daw si Christan sa pagkalunod. Eh dun nagsimula ang pag-iwas niya sa akin ibig sabihin balak niya akong ipambayad sa utang niya”
“utang na loob? Ganun bay un?”
Tumango lang ako.
“Ayaw mo yun unselfish love?”
“huh? Unselfish? Eh sarili niya nga lang inisip niya eh. Ayaw niyang ma-guilty”
“haay naku… as I can see it, mababaw yang dahilan mo pero desisyon mo yan eh!”
Ha? Mababaw pa daw? Hindi niya naman kasi alam kong gaano kasakit ang umasa eh. Gaano kahirap mag-effort sa wala. Hindi ako tanga! Ayaw ko ng pahirapan ang sarili ko kay Christan. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.
“uy Kyla, huwag ka ng umiyak, hindi. Hindi na mababaw dahilan mo,, uy sori na.”
Niyakap ko si Ella. “ella, mababaw na kong mababaw ang dahilan ko. Pero ayaw ko lang mag pakatanga. Ayaw kong ibigay ang buong-buo kong pagmamahal. Kaya habang maaga pa kakalimutan ko na lang ito.”
BINABASA MO ANG
Utang na loob
RomansaSabi nila... ang UTANG dapat bayaran. Dapat bayaran ang Principal at interest. Pero paano kung isa itong UTANG NA LOOB? Madali lang naman yung bayaran kung mabuti kang Tao eh. Pero... yan may pero na..haha pero paano kung kasiyahan mo na ang KABaYAR...