Author’s Note: heeellloooo po! Hehe.. sorry antagal bago nakapag update.^_^V (peace sign)
Kyla’s POV
“Sigurado ka ba na magugustuhan niya ito?”- ako
“Oo naman, mahilig yun sa Chocolate”- sagot naman ni Ella
“Eh ang corny kasi heart shape, pag sa babae ito ibibigay matutuwa yun pero lalaki siya eh...”
“haha. Okay lang yan. Ilagay mo na sa locker niya.”
Inilagay ko na nga sa loob ng locker niya ang chocolate heart nang.
.
.
.
“picture ko ito ah” napangiti ako sa nakita ko
“oo nga noh, mukhang gusto ko pa rin niya ah, may pag asa ka pa Girl!”-si ella
Parang tumalon sa saya ang puso ko. Kasi nakadama ako ng pag-asa. Ganun pala pag nan-liligaw. Haha.
“Uy tama na yang day dreaming!Bilisan mo na may mga tao ng padating”-pagmamadali naman ni Ella
Dali dali kong nakuha yung picture at sinara yung pinto ng locker niya at tumakbo na kami palayo dun.
-----Pagkatapos Tumakbo----
“Teka. Teka bat ba tayo tumatakbo?”-tanong ko
“ano ka ba? Mag papaka Secret Admirer ka muna.”-sagot ni ella
“Ah ganun ba? Nilagyan ko ng from Kyla yung letter na kasama nun eh.”
“ha? Adik ka talaga”
“Paano pala yan?” tanong ko sabay napatingin si Ella sa may bulsa nguniform ko at hinila yung letter.
“Buti na lang at ulyanin ka no? haha” nangaasar na nginitian niya ako habang nakataas ang letter sa kamay niya.
“Ano kaya ang nakasulat dito?”- patuloy na pang-aasar ni Ella at binasa nga ito.
Dear Christan,
I don’t know what happened but I just suddenly realized that I already like you and I missed you so much. Maybe eversince, it is already in my heart but did not bother to think about it. But the day you started staying away from me, I felt that my heart is tearing apart little by little. If you’re tired of me, I’m so sorry. Forgive me I took you for granted, thinking you will always be with me. This time, it’s my turn to show how much I care for you and how much you mean to me. Please give me a chance. Please give US a chance.
P.S.I Love You...and letter of request to kung pwede ka bang ligawan? J
Sincerely yours,
Kyla
“hahahaha.. Grabe, napaka derekta mo talaga”- si ella
“eh ganun talaga, direct to the point. Dun din naman pupunta yun eh”-sagot ko naman
“tss... sige nga ibigay mo nga ito sa kanya?”
“huwag na.. diba magpapaka secret admirer muna ako? hehe”
“Sabi ko na nga ba eh, takot din.” Inabot niya na sa akin yung letter at ibinulsa ko na uli.
“So anong susunod na plano?”- tanong ko
“hmm....sa ngayon, itutuloy muna natin ang pagpapadala sa kanya ng anonymous gifts at letters”
“o sige, pero kailangan nating bilisan ha?”
“ha bakit?”-si ella
“Ewan kasi parang nakakaramdam ako ng Urgency.”
“hmm? Mamamatay ka na ba? Haha”
“hindi... siguro nagmamadali ako kasi baka tuluyan ng mawala ang nararamdaman ni Christan sa akin”
“ah.. pero di pa rin nga tayo sure if meron pa nga ba talaga at kung meron pa nga, Mahal moba talaga siya?”-si ella
“Oo, mas lalo kong napatunayan nitong mga nag-daang araw, masakit pala ang pag-layo niya.”
“eh kung wala na siyang nararamdaman, handa ka bang masaktan at tanggapin?”
“eh kaya nga ako man liligaw, nasasaktanna nga lang din ako sa paglayo niya e dimas mabuti nang masaktan ng may ginawa akong paraan.”
“oo nga mahal mo na ang lokong yun, kasi maging ang pride mo as a girl, ginive-up mo na, ikaw na ang manliligaw.”
Nginitian ko lang siya. Wala na akong pakialam kung anong masasabi ng iba. Wala na din akong paki alam kung masasaktan ako. Either way naman, masasaktan ako eh kaya ito na lang ang naisip kong paraan.
-----KATAHIMIKAN FOR 5 MINUTES----
“kyla, baguhin na natin ang strategy. Direct to the point nalang. Haha. Sabihin mo na kay Christan na sa iyo galing yung chocolate at liligawan mo na siya.”- biglang sabi ni Ella
“ha? Bat nagbago?”
“kasi sabi mo diba, nakafeel ka ng Urgency?”
“oo”
“edi direchahin na natin”
//SA CLASS ROOM
---STILL KYLA’S POV
Pagdating namin sa class room...
“Kyla, diba yun yung chocolate na binigay mo?” bulong sa akin ni Ella
“Oo nga panu napunta kay JB?”-tanong ko naman kasi pinag yayabang na ni JB sa iba yung chocolate at todo ngiti pa ito
“baka binigay ni Christan..walang name kung para kanino diba?”
“oo pero nalagyan ko ata ng From:kyla”
“Bakit pala binigay ni Christan kay JB?”
“hmm.. ibig sabihin ayaw niya pag galing sa akin?”
“oh JB, andito na pala ang santa claus mo eh” –si Christan na ng aasar pa na ngumingiti
Nagawa niya pa akong biruin eh para sa kanya naman talaga yun. Walang puso. HMP!
“ Kyla, salamat dito ah. Nilagay mo pa sa locker ko eh pwede mo namang ideretso sa akin” bati naman ni JB sa akin sabay kindat. Tss..
“Ayiee. Uuuyyy...”-mga ususerong FROG
“mali pala yung locker na pinaglagyan mo Kyla”-bulong ni Ella
Tinignan ko si Chrstan na hindi ko alam kong bakit tuwang-tuwa siya na binigyan ko si JB. Lumapit ako sa kanya at hihilahin ko siya pa labas
“teka, san mo ko dadalhin?” –tanong nito
“basta”
“Kyla, bat si Christan ang hinihila mo diba ako dapat?” tanong ni JB
“BASTA!” sigaw ko at nanahimik sila.
Umalis na ako dun at hila-hila si Christan. Pumunta kami sa paborito niyang puno.
“oh bat tayo nandito?”tanong niya
“to live happily ever after”
THE END.
.
.
.
.
.
.
A/N or AchoOo’s Note: hahaha. Joke lang yungthe end at to live happily ever after.
BINABASA MO ANG
Utang na loob
RomansaSabi nila... ang UTANG dapat bayaran. Dapat bayaran ang Principal at interest. Pero paano kung isa itong UTANG NA LOOB? Madali lang naman yung bayaran kung mabuti kang Tao eh. Pero... yan may pero na..haha pero paano kung kasiyahan mo na ang KABaYAR...