Chapter 16

192 6 2
                                    

A/N: haha. Ito nakapagsulat uli..

////////KINABUKASAN/////////

=====KYLA’s POV=====

Oo totoo na talaga ito. Hindi ko nga kayang may humalik sa kanya eh kaya ko nagawa yung pagtulak kay Glydel.

Ewan ko ba parang ang sakit at hindi ko napigilan ang sarili ko. Sabihin niyo, wala lang ba iyon? Magpapakatotoo na ako. Sana tanggapin ni Christan ang desisyon ko.

Gumawa na ako ng first move. Nagbigay ako uli ng chocolate cake at nilagay ko uli sa locker niya. This time tama na ako ng locker na pinaglagyan. Hehe. Pero surprise muna, gusto ko marinig mismo sa kanya ang thank you. Yung letter next time ko na ibibigay.

“Siguro na sa may puno siya ngayon, mapuntahan nga total close naman na kami uli...” ^__^

Pumunta na nga ako sa tambayan niya. Huwaw! Hawak niya ang slum book ni Ella at may isang notebook pa siyang pinagsusulatan. Hmm.. mukhang seryoso ah… bakit kaya?

“Uy Christan!”

“Oh Kyla, ikaw pala” bati niya sa akin sabay tago agad nang kanyang isinusulat.

“ano yan?” tanong ko

“ah wala wala”

“patingin nga”-sabi ko sabay hila nung notebook

“tss.. wala lang notes ko lang yan sa Science”

“weee? Kaw nag no-notes?”-sarkastikong sabi ko

“dito na yan Kyla”- pilit niyang inaabot sa akin kaso hindi ko binibigay

“ayaw ko nga. Ano muna ito?”

“Wala nga.. dito na” mukhang naiirita na siya.. haha

“huliin mo muna kamay ko…haha”

“DITO NA YAN SABI EH!”

O.O nagulat ako sa pag-sigaw niya. Nabitawan ko tuloy ang note book.

Pinulot niya ito at nilagay na sa bag niya.

“sorry, ayaw ko lang kasing ipakita ang laman ng notebook kong ito.” Mahinang sabi niya

Tahimik pa rin ako. Grabe. Anong meron sa notebook na iyon at sa kanya ngayon?

“Kyla, sorry na… ito gummy bear oh. Gusto mo?”

Buti nalang Favorite ko ang gummy bears! Hehe

“thanks”- kinuha ko lang naman yung buong pack ng gummy bears niya

“okay ah, isa lang naman inoffer ko, kinuha mo na lahat”

“ganun talaga”- pagkasabi ko nun umupo ako sa may paanan ng puno

Tumabi siya sa akin

 “kyla…”

“yes?” sabi ko sa kanya

“naniniwala ka ba na First love never dies?” –seryosong tanong niya sa akin

“haha”-natawa ako

Bakit niya kaya natanong iyon? Oo naniniwala ako dun sa ngayon.

Kasi hanggang ngayon isa pa lang naman ang taong nakakapagpatibok ng puso ko.

At walang iba kundi Siya.

“uy… ano?”- naiinip na tanong ni Christan suplado pa rin talaga

“OO!”- direktang sabi ko. May pag ka direkta talaga ako eh noh?

“ahh.”pagkasabi niya nun ay parang lumungkot siya

Utang na loobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon