the end-"sa wakas"

277 9 9
                                    

a/n: sori sa ending ha? :)

////Kyla's POV/////

Natapos ko nang basahin ang Notebook ni Christan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa sobrang guilty para kay Christan. Nagalit ako sa kanya ng hindi ko alam ang dahilan. Ngayon lumala siya. Ayaw niya akong masaktan. Pero pareho kaming nasasaktan. Patawad Christan. Kasalanan ko ang lahat.

Paalam Christan. Hindi ako karapatdapat para sa iyo. Si glydel laging nandyan. Ako? Lagi kitang pinahihirapan. Sana gumaling ka na. sana umayos na ang lahat para sa iyo.

Hinalikan ko siya sa noo at hinawakan ng mahigpit ang palad nito.

“mahal na mahal kita Christan.”

Umalis na ako sa Hospital at naglakad sa may kalsada. Tama siguro itong desisyon ko. Patawarin niyo ako.

.

.

.

.

.BEEP! BEEP!

Crashed!

====Christan’s POV======

Take note: Christan’s POV

Konti konti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko ang liwanag na nangagaling sa bintana.

Nakita ko ang ngiti nila mama at papa.

Naluluha naman ang ate ko. At tinawag na ang doctor para sabihing gising na ako.

Nandito din si Ella at si Ryan pati iba kong pinsan. Hindi pa ako masyadongmakagalaw pero pinilit kong iupo ang sarili ko.

“good at gising ka na!” sabi ng doctor ng makapasok ito.

“doc ayos na po ba ang anak namin?” tanong ni Papa

“ah opo sir. Kailangan niya lang magpahinga ng mga 3 araw.”

“haay. Salamat sa Diyos.”- sabi ni mama sabay yakap sa akin. Hindi naman masyadong mahigpit

Ang saya-saya ko. Ibig sabihin magaling na ako? Ibig sabihin may nag donate ng puso? Sino?

Basta ang mahalaga ngayon. Pwede ko ng mahalin ng lubusan si Kyla. Pero na saan siya?

Sila pa rin ba ni Jb? At nasaan din si JB?

“sino hinahanap mo?” tanong ni Ella dahil napansing may hinahanap ang mga mata ko

“si kyla at jb na saan?”

Umiwas sila ng tingin.

“magpahinga ka muna”sabi ni glydel at nagsi alisan sila maliban kay ella

“hindi talaga naging mag boyfriend sila Kyla at Jb”-sabi ni Ella

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni ella.

 “huh?”

“dahil sobrang mahal ni Jb si Kyla nagawa niyang kunin lahat yun.patawarin mo sana siya.”

Hindi ko ma gets

“Pero bakit wala sila?” tanong ko

Umiwas uli ito ng tingin.

“sige mauna na ako. Mag pahinga ka muna.”

Naiwan akong mag isa sa kwarto

Tumingin ako sa may labas. Ayaw kong maglaro ang isipan ko. Ayaw kong isiping may tinatago sila. Ayaw kong isiping may nangyaring masama..

Nagulat nlng ako ng bumukas ang pinto..

Si JB! Haay salamat buhay siya.

“yung first love ni kyla sa slam book. Ikaw dapat yun. Yung chocolate cake pati yung adobong manok at letter para sa iyo lahat yun.” Bungad ni JB

Utang na loobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon