CHAPTER 9
Kyla’s POV
first subject: MATH
KRINGGG!!
time na nakita ko na ring pumasok si Jb at nginitian niya pa nga ako..
okay na siguro siya.. wala lang talaga yung sinabi ni Ryan..
pero? paano ko ngayon haharapin si Christan? katabi ko pa naman siya ngayon..
“GOOD MORNING CLASS!” – si Miss Cruz, teacher namin sa math na kakagraduate lang so bata pa in short.
“GOOD MORNING MA’AM”- sabay-sabay kami
“o bat wala si Christan?” tanong ni ma’am
siya agad napansin ni ma’am, favorite student niya eh. hindi ko lang alam kong dahil sa magaling sa math si Tan o dahil type niya.. landi lang... tsk. tsk. kadiri.. eek..
“Ms. Serrano, alam mo ba kung nasaan si Christan?”
pero oo nga diba math class ngayon? bat wala pa si tantan? favorite niya ito diba? bakit kaya?
asan kaya yun?
may problema kaya yun? bat ko ba siya iniisip? Malaki na siya, kaya niya na sarili niya.
“Ms. Serrano? yuhooooo! andyan ka ba?” nasa harap ko na pala si ma’am.
“ah sorry po ma’am”
tawanan mga classmates ko..
“tulala ka kasi eh, nakita mo ba si Christan? ^_^” makangiti naman si ma’am, porke type niya yung supladong yun eh..
umiling lang ako para sabihing hindi ko alam.
“diba close kayo?” sunod na tanong niya
oo close kami...
close kami dati..
, ang bait nga sa akin dati ni tantan eh. sobra makapag protekta sa akin. WAGAS!
AT OO suplado na siya noon pa pero hindi sa akin.
ewan pero mula noong maging third year na kami, lumalayo na siya..
nakakamiss nga siya eh. wala na ba siyang gusto sa akin? hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.. inaamin ko .. nadedevelop na nga rin ako sa kanya.. kaso biglang may nagbago.
napagod ba siya?
ngayon ko lang narerealize yung sinasabi nilang ...
“Minsan kailangan munang mawala ng isang bagay bago natin malamang mahalaga ito” nasabi ko pala yun outloud
“hahahahah”-tawanan sila
“hahaha.. tinatanong ko lang naman kung close kayo dati yan na sinagot mo.. ang lalim!” tawa ng tawa si ma’am pati classmates ko.
hala? ang weird ko... kainis.... ako nanaman ang pinag tatawanan.. dahil kay Christan na naman.. aistt...
“haha. pero tama ka, kailangan munang mawala ni Chrisan para malaman kong mahalaga siya kasi mag rereport siya ngayon ng chapter 1...hahaha”- mangiyak ngiyak na sa tuwa si ma’am
“ah eh...”
“ahaha..hahaha..o siya, o siya, pwede mo bang hanapin si Christan ngayon dahil magrereport siya?”
natatawa pa ring utos ni ma’am
yumuko nalang ako at umalis dun , hanggang ngayon kasi nagtatawanan pa sila..
mahanap na nga si Tantan..
SA HALLWAY
*isip *hanap *isip *hanap
Tiiing!
“aha!... baka nasa ilalim ng puno na naman yung unggoy na iyon”
“unggoy pala ah?” –si tantan? O_o
napayuko tuloy ako..
“hinahanap ka ni ma’am, mag rereport ka daw”
sabi ko sa kanya sabay talikod
pero...
.
.
.
.
.
.
.
bigla niyang hinawakan ang balikat ko....
humarap ako at tumingin sa kanya... napakaseryoso ng mukha niya..
nakatitig siya sa akin...
*tibok *tibok *tibok
(a/n: panira yung sound effects)
lakas ng tibok ng puso ko
hinawakan niya ang aking pisngi at yumuko siya konti,
inilapit niya ang mukha niya
tapos....
“sorry, goodbye!”...sabi niya sabay ngiti.
*sorry, goodbye
*sorry, goodbye
*sorry, goodbye
paulit ulit na sinabi niya sa utak ko
namanhid ata paa ko, hindi ako makagalaw..
umalis na siya pero hindi pa rin maka get over ang puso ko.. namiss ko ang dating siya.
pero anong ibig sabihin nun? sorry dahil sapaghanap ko sa kanya at goodbye dahil mauna na siya sa room?
o talagang wala na ang dating pagtingin niya? parang ouch... may gusto na ba ako sa kanya?
mahal ko na ba siya?
bakit ngayon ko pa narealize?..
bakit ngayon lang? ang bilis niya namang sumuko.
BINABASA MO ANG
Utang na loob
Roman d'amourSabi nila... ang UTANG dapat bayaran. Dapat bayaran ang Principal at interest. Pero paano kung isa itong UTANG NA LOOB? Madali lang naman yung bayaran kung mabuti kang Tao eh. Pero... yan may pero na..haha pero paano kung kasiyahan mo na ang KABaYAR...