Chapter 19

192 6 0
                                    

Kyla’s POV

////////MY BEDROOM////////

Nakahiga ako ngayon sa pink na kama ko. Cover nito ay si Lola Bunny na nakapink. Siya yung partner ni bugs bunny na favorite naman ni Christan. Napangiti ako na medyo nalungkot. Magpartner nga ang favorite naming character pero kami hindi.

“Anak, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni mama sa akin dahil napansin niya siguro na medyo malungkot ako.

“papasok na ako ha” pagkasabi nun ay lumapit sa akin si mama

“Nak, may problema ba?”

Close kami ni mama. Alam niya lahat sa akin, pwera lang ang panliligaw ko kay Christan. Siguradong hindi niya magugustuhan yun pero de bale hindi ko naman na itutuloy. Nakakapagod din.

“love life ba?”

Tumango lang ako.

Napangiti si mama at niyakap ako. “kung handa ka ng sabihin nandito lang ako”

Tatayo na sana si mama pero pinigilan ko siya. “ma, dito ka muna”

Umupo uli sa tabi ko si mama.

“Ma, sorry hindi ko sinabi saiyo pero nililigawan ko si Christan”

Natawa si mama pero di nagulat. Close din kasi sila ni Christan. Madalas pumunta dito si Christan noong first year at second year kami para maki bonding kay mama.

“alam ko anak. Yung adobo nga alam kong para kay Christan yun eh!”

“po? Panu niyo po nalaman?”

“kilala kita anak. At kilala ko rin si Christan, Adobo kaya paborito ng batang yun!”

Yumuko nalang ako sa hiya.

“Pero sabi niya liligawan ka daw niya?”

Nagulat ako sa sinabi ni mama at hindi naniwala.

“hindi naman po totoo yun”

“hindi pa ngayon kasi pinigilan ko siya sabi ko pag-college na kayo o pag tapos ng college niyo”

“Ganun? Pero panu po yan wala na syang gusto sa akin?”

Mukhang hindi naniniwala si mama sa akin.

“binibigay niya po sa iba yung regalo ko, at pinamimigay niya ako kay JB dahil sa utang na loob niya dito kaya hindi po siguro kami para sa isa’t-isa”

Utang na loobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon