Kabanata 2

200K 7.7K 1.9K
                                    

Kabanata 2

I was staring at their cold bodies on the ground. My hands were shaking. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa lalamunan ko.

The moment the men left, mabilis akong tumakbo palabas ng cabinet at ginapang sila.

I cried as I held them, the years with them were enough to make me feel this way. They took care of me, kahit hindi nila ako kilala.

Kahit hindi naging mabuti sa akin si Tatay ay may parte siya sa puso ko. He was my father, nagtrabaho siya para sa amin at habang nakatingin sa kanila ay namamanhid ang katawan ko.

Nang mapatingin ako kay Nanay ay mas nanghina ako. My hands were shaking harder this time kaya itinago ko iyon sa may hita ko at tahimik na humikbi.

"N-nay..." I whispered, even for the last time, she let me feel her love, her unconditional love for me.

I didn't know who were those people.

Sila ba 'yong naghahanap sa akin? Sila ba 'yong kukuha sa akin para sa utang ni Tatay?

Hindi ako mapakali. I am starting to blame myself and my hands trembled more.

Kung... kung lumabas ba ako at nagpahuli ay mangyayari ito? Kung sakaling tumakbo ako para humingi ng tulong ay nailigtas ko sila?

I smack my chest repeatedly because I am lacking out of breath.

"T-this is my fault..." I whispered.

I-I should have done something! Sana... sana tinulungan ko sila... Sana...

"Nay..." bulong ko at inabot ang malamig nitong mga kamay. She was resting beside Tatay at hindi ako magkandamayaw sa pagluha.

"P-patawad..." I whispered and held her hand. "P-patawarin niyo po ako... H-hindi ko man lang kayo natulungan. Sorry..." I held her hand and lowered my head.

"M-mahal na mahal ko kayo..." bulong ko at mariing pumikit.

Napatingin ako sa paligid, the place was a disaster, mga nagkalat na gamit, at ang dugo sa paligid.

Nang makita ko ang isang baril sa tabi ng Nanay ay napansin kong pamilyar ito. Nanginginig man ang katawan ko ay lumapit ako roon. My hand still has blood from the thorns and from my parents.

Tinitigan ko ang baril at umawang ang labi ko nang makitang ito ang baril ni Tatay na tinatago niya.

They... they used it to kill them?

"Ayon siya!" Napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga pulis.

I saw how their eyes widened. Mula sa akin ay bumaba ang tingin nila sa baril na akmang aabutin ko at mabilis kong nailayo ang kamay ko bago ko pa man mahawakan.

"Posasan niyo!" Mas kumalabog ang dibdib ko at napaatras. Napahawak ako sa sahig at mabilis na umiling.

"H-hindi..." I shook my head.

"Bilis!" I saw two police officers looking sharply at me, may hawak silang posas at napaiyak ako nang makita iyon.

"Hawakan niyo!" I screamed when they held my arm, napaatras ako at pumalag pero hinawakan nila ako.

"H-Hindi ako... Hindi..." desperadong bulong ko.

"Sa presinto ka na magpaliwanag, Miss!" The police exclaimed. Mas nanginig ako at kumawala pero hinatak nila ang braso ko.

"Two casualties," ani ng isang pulis sa radyo niya at kahit anong kawala ko ay nagpupumilit sila.

I felt the cold chain on my hands, napatingin ako roon at mas napaluha.

Thorns And RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon