PROLOGUE

2.5K 33 1
                                    

Tori

"Apo mag empake ka na at aalis na tayo!"

Nagising ako sa malakas na pang gigising sa akin ni Lola.
"La, saan naman po tayo pupunta?"
Kakamot kamot ang ulong bumangon ako mula sa pag kakahiga ko sa kama at pumunta ng banyo para mag hilamos.
"Ay nako! Sumunod ka na lamang at bilisan mo! Kumain ka muna ng almusal tapos mag empake ka na!"
Seryoso na ang boses ni lola kaya kailangan na ngang sumunod.
Pero napapaisip ako kung saan kami pupunta.
Oo bakasyon na pero nakapag tataka dahil wala naman na kaming kamag anak na pag babakasyunan kaya naman hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta.

Pag kakain ko ng almusal ay nag empake na ako ng gamit at dinala ang mahahalagang gamit ko.
"La, bakit po dala dala ninyo ang mga papeles natin? Pati po ang diplomat ko?"

Tumingin sya sa akin.
"Syempre mahirap nang manakaw ang mga ito o kaya ay makaroon ng matinding bagyo at bahain tayo at lumutang lutang sa tubig ang mga ito kaya mag papakasigurado na tayo."

Nanahimik na lang ako at nag patuloy sa pag eempake.
"Lola, pupunta muna po ako kay Burn para po mag paalam. Sandali lang po ako."
NAg lakad ako papunta sa  pinto nang marinig ko si lola na sumigaw.
"Ano ka ba halika na! Nag mamadali tayo apo."
Nakasimangot akong bumalik sa kwarto at tinulungan si lola na mailabas ang mga gamit.
Sumakay kami ng taxi at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Masigla lang akong nakatingin sa People's park na dinadaanan namin ngayon. Masigla ang mga taong busy sa pag Zumba, pag jogging at yung iba naman ay busy sa pag seselfie.

Hindi ko na inabala ang sarili ko sa pag iisip ng kung ano ano dahil wala naman ako masyadong dapat isipin. Tapos na ang school year at wala ng assignment, project at kung ano pa mang play na kailangang i practice.

Ay, meron pala. Si Burn, hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya. Wala naman akong cellphone para itext sya, ganun din naman sya, wala syang cellphone.
Hello, 2012 palang ngayon at mahal pa ang mga cellphone. Kahit naman si mama nasa ibang bansa eh, ayaw ni lola gumagastos ng masyado dahil  para daw sa kinabukasan ko iyon. Kapag nakapag tapos na daw ako at may maayos at magandang trabaho, sariling pera ay mabibili ko na daw ang mga gusto kong bilhin.

Burn, Sorry ah. Hindi ako makakarating sa usapan natin. Sorry din umalis ako ng hindi nakapag paalam. Sana hindi ka magalit. Hayaan mo, pag balik ko nalang pupuntahan kita kaagad.

Naramdaman kong huminto ang taxi, tumingin ako sa bintana at bumungad sa akin ang isang napakataas na building.
"Apo, halika na at nandito na tayo."
Inayos ni lola ang mga gamit at lumabas.
Sumunod na din ako lumabas at kinuha ang mga naiwang gamit sa loob ng taxi.

Binitbit namin ang mga maleta sa loob ng isang sosyal na building.
"Lola, ano pong ginagawa natin dito?"
Pumasok kami sa isang napakalaking elevator at tumambad sa amin ang napakalilinis na salamin na parang hindi yata dinadapuan ng kahit anong dumi.

Pinag masdan ko ang sarili ko sa salamin.
Maagang umusbong ang dibdib ko. Matambok  rin ang pwetan ko namana ko ang magandang pangangatawan ni mama ko na nasa ibang bansa sa ngayon at doon nag tatrabaho sa Canada at kasalukuyang may boyfriend daw sya ngayon na puti.

"Ding!"
Napatingin ako sa itaas ng elevator at nagulat sa pag tunog nito. Sa totoo lang ay  ngayon lang ako nakasakay ng elevator at hindi naman ako nahilo. Sabi kasi ng mga kaklase ko nakakahilo daw ang elevator. Parang wala lang naman eh. Natawa tuloy ako.

"La, sino po bang pupuntahan natin dito?"
Marahan kaming nag lakad at si lola ay abala sa pagtingin sa bawat pinto na daanan namin.

Sumilay ang liwanag sa mukha nya nang makita ang isang pinto at sabay na ngumiti.
"Apo, dito na muna daw tayo titira sabi ng mama mo."

Ipinapasok nya ang susi sa pinto at laking gulat ko nang mabuksan ito.
"La! Ang ganda dito!"
Kung makikita mo kami ay masasabi mo talagang ignorante kami.
Umupo ako kaagad sa sofa at dinama ang lambot nito .
"Ang lambot nito La!"
Kinuha ko ang remote sa lamesa na nasa gitna ng mga sofa at itinutok sa napakalaking TV sa harapan ko.
"Woow! Ang laki ng mukha!"

"Apo tingnan mo itong ref!"
Agad akong tumakbo papunta sa kitchen at nakita ko ang tuwang tuwang mga mata ni lola.
"Wow! Ang laki laki ng ref La! Kasyang kasya na ako dyan eh!"
Susubukan ko sanang pumasok pero pinigil ako ni lola.
"Ano ka bang bata ka! Mamaya masira pa natin yan wala tayong pambayad nyan!"

Ngingiti ngiti lang ako kay lola at tumakbo na ako para makapag ikot sa loob ng hotel room ba to? Hindi ko alam. Anong aasahan mo sa isang elementary graduate, 14 years old at isang simpleng tao. Wala akong kaalam alam at kahilig hilig sa mga mararangya at sosyal na tawag ng mga mayayaman dito.

Pag pasok ko ng isang kwarto ay bumungad sa akin ang napakalaking kama.
Napakalinis ng kwarto at may malaking bintana.  Natatakpan pa ito ng kurtina. Sinunggaban ko ang kama at dinama kung gaano ito kalambot.
"Grabe! Limang tao kasya dito eh!"

HUmiga ako at sinakop ang buong kama na may napakalaking ngiti sa labi.

Burn, sana nandito ka. Para maramdaman mo rin yung nararamdaman ko ngayon. Kulang kasi wala ka.

Nakatulog ako ng maghapon na 'yun at sa tingin ko ay kahit nagising ako pakiramdam ko binangungot ako.

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon