Chapter 2: All falls down

896 25 1
                                    

PAG LAPAG ko ng gamit ko dito sa condo na binili ni mama ay humiga ako kaagad sa kama.
"Haaaaay. Pilipinas. Na miss kita."
Nasambit ko sa sarili ko.
Naisipan kong sumilip sa glass window na nandito sa loob ng master's bedroom.
"Haaaay.. iba talaga kapag nasa sarili mong bansa ka. You feel safer and more comfortable. Pero syempre marami na ring mga pagbabago dito sa bansa kaya adjust adjust rin ako.

Nag pahinga muna ako ng konti at nagpasya nang bumyahe dala dala ang mga pasalubong ko kay Burn.
6 years, sana hindi nya ako nakalimutan.
I have different kinds of chocolates, may Hershey's, Cadbury, Toblerone, Mars, Snickers,Butter finger at kung ano ano pa.

4pm ako umalis ng condo para puntahan si Burn.

Nag Uber lang din ako kasi wala naman akong kotse dito. Remember, kakabalik lang ng Pinas.

Since anim na taon akong nawala ay ang address nalang ang nanatiling nakatatak sa isip ko pero malabo na sa ala ala ko ang pisikal na anyo ng lugar.

Pero nang makababa ako ay tinahak ko muli ang eskinita kung saan ako madalas na mag lakad pauwi galing sa bahay ng babaeng una kong minahal. Si Burn. Sana, dito pa rin sila nakatira. Sana si Burn kilala nya pa ako.

"Ah ate,"
SInamantala ko habang hindi busy ang tindera sa malaking tindahan. Naalala ko 'to, dati ito yung maliit na tindahan na madalas naming tambayan ni Burn. Dito kami madalas bumili ng Pom Poms! Yung paborito naming sitsirya tapos yung jolly na kulay Violet at kulay dilaw ang madalas naming bilhin. Tuwang tuwa kami noon kasi nag kukulay sa dila namin.  Maliit lang to dati, ngayon lumago na at tila may tindera na rin sila.

"Yes ma'am, what c--can I do for you?"
Halatang nagulat ang babae sa akin. Grabe din sya makatingin.
Nag ingles sya akala nya talagang foreigner ako. Pumuti kasi ako masyado at sa accent ko sa tagalog,  sorry po kasi nakaka baluktot talaga ng dila pero kaya ko pa mag tagalog ng dire diretso no. Medyo slang nga lang kasi alam mo naman sa US ako nag aral so syempre english all day. Kaya nga sa bahay nag tatagalog pa rin kami eh.

Ngumiti ako ng maluwang.
"Ay syete  ang ganda ni atii"
Narinig ko syang bumulong sa sarili nya bago nya bitawan ang hawak nyang shampoo na pinag pilasan nang may bumili kanina.
"Hehehe, salamat"
Nanlaki ang mga mata nya nang marealize nyang marunong ako umintindi ng tagalog.
"Naku, sorry po. May bibilhin po ba kayo?"
Namumula sa pag ka hiya si ateng tindera.
"Okay lang, walang problema. Ah actually mag tatanong lang sana ako kung dito pa rin ba nakatira si Burn, kilala mo ba sya?"

HIndi na sya makatingin sa akin at halatang hiyang hiya sya sa sarili nya.

"Hindi po eh, hindi ko po kilala bago lang kasi ako dito galing kasi akong Bicol, tita ko po ang may ari nito. "
NApatango nalang ako at ngumiti.
"Okay, thank you ate. Salamat din sa compliment"
Ngumiti ako ng maluwang sa kanya at saka umalis.

Wala na akong nagawa. I just walked to the familiar place. May nadaanan akong mga batang nag lalaro sa kalsada, medyo may kasikipan na ang daan yung pang one person lang hindi kayo pwedeng mag akbayan kung may kasama ka.
Napadaan din ako sa mga sampayan. Yung tipong kailangan mong yumuko kasi nga hahampas sa mukha mo yung sinampay ng mag kakapit bahay.

"Wit wiw"
Cat call ng mga kumpol ng kalalakihan na mahahalata mong tambay.  Yung isang may hawak na bola ay nakatitig sa akin na akala mo ay huhubaran ka. Actually nag jeans na nga lang ako at nag T-shirt. Nag shades at cap habang nakalugay naman ang mahaba at straight kong buhok pero na cat call pa rin ako. Pano pa kaya kung sexy na damit ang sinuot ko.
Nag lakad lang ako sa pamilyar na lugar bawat hakbang inaalala ko kung ito ba yung dinadaanan ko dati kasi sa totoo lang ay bandang dulo ang bahay nila at maraming eskinita kaya maliligaw ka talaga. hanggang sa marating ko ang dati nilang bahay.

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon