Chapter 17: Maikling Pantasya

667 15 0
                                    

TORI

"Nang marinig ko ang pangalan mo sa board, hindi ko alam ang gagawin ko. Kinailangan kitang protektahan. Ayokong ibang tao pa ang gumawa nun sayo. I won't let someone play games with you. I can't imagine seeing you with someone else. Kaya ako nag volunteer na ako nalang ang lalapit sa iyo."

Naramdaman ko ang palad nya sa palad ko. Nakinig lang ako sa sasabihin nya. Since we're being honest right now, I need to open my ears. Kahit na masaktan lang ako. Kahit na sabihin nyang kaibigan lang ako para sa kanya.

"Those times, na magkasama tayo, pinipigilan ko yung sarili ko. Pero hindi ko rin nagawa. Naramdaman ko ulit eh. Naramdaman ko ulit yung pag mamahal ko para sayo." 

Napa angat ako ng tingin sa kanya nang nakaawang ang bibig sa sobrang pag tataka.

"Oo, mahal na kita noon pa. Kahit nung mga bata pa tayo. Yung Tagpuan natin, yung araw na hindi ka sumipot, mag tatapat na sana ako sayo noon kasi hindi ko talaga alam kung anong klaseng pag mamahal yun kung bilang kaibigan pa rin ba talaga. Mahal na mahal kita noon, Tori."

Inabot nya ang mukha ko at ikinulong sa mga palad nya ang mukha ko.

"At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. I quit SKLI because I want to fix this. Gusto kong makuha ka ulit. And this time, it's for real. Seeing you with Eunice, it kills me pero wala eh, yun nalang kasi yung paraan para makita man lang kita kahit na papano."

Hindi ko na natiis ang labi nya at bigla kong inilapit ang mukha ko sa kanya. We touched our foreheads. We smiled to each other. I intertwined our fingers. 

"I love you, Burn Legaspi."

She smiled wider.

"I love you, Tori Corteza, I love you with all my heart."

She leaned in closer. Sinalubong ko naman ang labi nya ng halik. Quick peck lang pero nagkatitigan kami.  Her eyes tells me that she wants more.

Slowly, we both made a move. We danced to the rhythm of our heartbeats. We are so inlove. 

I really can't protect her by being with someone else. The closer I am to her, the better. I promise myself to protect this person. To protect this woman. The woman of my dreams.

"Burn, please be mine."

I said between our kisses. 

"Honey, I'm already yours."

She said when the kiss parted.

Niyaya ko na sya kumain. Ng lunch.

"Ikaw ah. Mahal mo na pala ako nun, kaya pala panay hawak mo sa kamay ko! Manyakis ka!" 

Namula ang mukha ni Burn nang marinig ang sinabi ko.

"Uy! Grabe ka naman! Hindi naman. Malambot kasi kamay mo eh! Kakainis to!"

Ang lakas ng tawa ko sa sagot nya. Patuloy ko syang inasar at patuloy kaming nag kwentuhan sa buong maghapon pero nang mag gabi na ay niyaya ko sya sa meetme. Kung saan nagsimula ulit ang pag kakaroon namin ng koneksyon. Kung saan kami nag simula ulit mag usap.

"Hi Jonas" 

Isang malaking ngiti ang isinalubong ko kay Jonas nang mkaharap ko sya sa counter.

"Ma'am Tori! Hello"

"Kamusta? Anong balita kay Belle?" 

"Naku, si Ma'am Belle po? Nanganak na po sya kahapon po." 

Maluwang na ngiti ang iginanti sa akin ni Jonas. Sa sobrang tuwa ko ay nakalimutan kong umorder. 

"Mocha frappe sa akin." 

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon