Chapter 16: BURN

733 20 1
                                    

BURN

-FLASH BACK

"Huwag kang makialam sa amin Eunice! Alam ko ang ginagawa ko at wala akong pake sa iniisip nyo! At pwede ba? Layuan mo ang gf ko? TORI IS MINE!"

Isinigaw ko sa kanya ang mga salitang iyon para mag sink in sa utak nya sabay alis. Naiwan syang walang imik sa loob ng classroom.

Pag baba ko sa cafeteria ay tinawagan ko agad si Tori pero hindi ko sya ma contact.

Ilang ulit ko pa syang tinawagan pero wala pa rin. Inabot na ako ng ilang oras kakahintay sa kanya. Nag desisyon akong puntahan sya sa bahay nya pero walang tao.

Nag aalala ako sa kanya ng sobra. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Kahit naman ang cold ko sa kanya, unti unting nalusaw ang puso ko at naramdaman ang dati ko pang nararamdaman para sa kanya; ang pag kakaiba lang this time ay alam ko na sa sarili kong mahal ko sya. Aminado naman na ako sa sarili ko.

Nag desisyon akong umuwi sa amin dahil naisip ko na baka nandoon sya at dumalaw kay Ning Ning.

"Legaspi, kailangan nating tabunan ang issue na ito para hindi na kumalat. Ano'ng plano?"

Tanong ng isa sa mga masked members.

"Oo nga, kailangan nating tulungan at agapan ang pagka sira ng reputasyon ng isa sa mga pinaka importanteng myembro ng SKLI."

Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko naman kasi alam kung paano mag pa putok ng issue o usap usapan.

"I have an idea. Si Tori Corteza, sya ang pinaka sikat ngayon sa school dahil sa ganda at bait nya sa mga tao. We will need her kung gusto nyo talaga ng malaking bomba."

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ng isang masked member 'yun.

"Someone must date her. Let's make it a lesbian couple para mas tumunog. So, sino ang sang ayon sa akin?"

Nagtaas ng kamay ang lahat kasama ang ilan kong alagad.

"So, I guess we have a solution. All we need to do is find someone to date her."

Nakita ko ang mga kamay na nagsi taasan. No. Hindi ako papayag na pag laruan nila ang feelings ni Tori. I have to protect her.

"I'll do it"

Nakita kong napatingin silang lahat sa akin nang magsalita ako.

"And yes, it's final so put your hands down."

Nag si babaan naman ng kamay ang mga kanina'y nag taas.

After ng SKLI board meeting na 'yun ay problemado ako kung paano ko ba gagawin. Paano ko sisimulan.

Nag lakad lakad ako hanggang sa mapadpad ako sa isang coffee shop. Nag order ako ng choco frappe at mabilis itong naubos dahil sa stress. Itinaklob ko ang hoodie ko sa ulo ko at yumuko sa lamesa. Iniisip ko kung paano ko sya lalapitan kaya inis na inis ako sa sarili ko.


"Tori, kamusta ka?"

Nabuhayan ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan niya.

"Ako? Magkasama tayo kanina pa tapos ngayon mo ko tatanungin nyan? hahaha"

Kumpirmado. Si Tori nga.

Nang patuloy akong nakinig sa usapan nila ay narinig ko ang pag kainis sa boses ni Tori.

Ang kapal ng mukha nitong Eunice na 'to. Ni reject na ang kulit pa rin.

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon