Chapter 15: Superwoman

589 19 0
                                    

Isang buwan ang lumipas mula nang maging kami ni Eunice. Sweet naman sya sa akin at ramdam ko ang pag mamahal nya. Kaya lang hindi ko talaga sya kayang mahalin. Hinahayaan ko lang sya sa mga gusto nyang gawin para sa aming dalawa.

"Baby! Happy first monthsary!"

Hinawakan ni Eunice ang kamay ko pag kabati sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at bumati na rin.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Ayaw daw nya akong dalhin sa resto nila dahil marami daw magtatanong. Gusto nya lang muna daw ako solohin dahil today is our day.

"Baby, sure ka na ba na yun lang ang kakainin mo? Wala ka bang gana kumain?"

Ngumiti lang ako at tumango. Sa totoo lang, she's gentle. Ang soft nya sa akin at super caring.

Pero hindi ko alam kung bakit hinahanap hanap ko ang cold at pala utos na si Burn? Ngayon alam ko na kung bakit ganun sya, dahil fake lang naman ang relasyon na yun kaya cold sya sa akin noon.

"OMG!!"

Nagulat ako nang marinig ko ang sigaw ni Eunice. Nakita ko ang basang basa nyang damit. Natapunan sya ng malamig na tubig. Galit na galit sya.

"Napaka tanga mo naman!!!"

Pag tingala namin sa may hawak ng tubig ay natigilan kami pareho nang makita namin si Burn na todo punas ng tissue sa damit ni Eunice.

"I'm sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya."

"Napaka epal mo talaga kahit kailan Legaspi!"

Tumayo ako para awatin ang nag ngangalit na si Eunice.

"Babe, calm down."

Kumuha ako ng tissue.

"Sige, ako na bahala."

Sabi ko kay Burn pag harap ko.

"Pasensya na talaga napatid kasi ako."

Akma akong sasagot nang biglang dumating ang babaeng halatang masungit.

"Anong pong nangyari ma'am?"

Tanong ng manger sa akin.

"Yang tatanga tangang employee nyo! Napaka bobo! tubig nalang ang dadalhin di pa magawa ng maayos!"

Nag eeskandalo na si Eunice. Alam ko namang hindi lang basta yung tubig ang problema nya kundi dahil si Burn ang nakatapon ng tubig sa kanya.

"Nako ma'am pasensya na po kayo sa kanya. Kung gusto nyo po may shirt po kami para po sa mga ganitong sitwasyon tapos ipapa dry clean nalang po namin ang damit nyo."

Nakita kong tumingin ng masama ang manager kay Burn. Si Burn naman ay nakayuko lang.

"No, it's okay mabilis lang na matutuyo ito. "

Tanggi ko sa kanila.

Humingi pa ulit ng pasensya ang manager at si Burn sa amin bago umalis.

Nag paalam ako na mag cr kay Eunice pero ang totoo, I just wanna make sure na okay lang si Burn dahil nakita kong maluha luha sya nang pumasok sa cr.

"Hey, okay kalang?"

Nadatnan ko sya sa harap ng faucet. Wala ring tao sa loob bukod sa amin dahil bukas lahat ng pinto ng cubicle.

"Oo."

Suminghot sya ng sipon nya. Alam ko naiyak sya.

"Pinagalitan ka ba ng manager?"

Tumabi ako sa kanya at binuksan ang gripo para maghugas ng kamay. Kunwari

"Worse."

"Tinanggal ka???"

Burn My Heart [GxG COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon